"Nay papasok na po ako sa School!"
Sigaw ko kay Nanay habang kinukuha ang Bag ko at akmang lalabas na sana ng bahay.
"Anong papasok sa School yang pinagsasasabi mo."
Sabi ni nanay habang papalapit saakin na may hawak na sandok. Nagluluto kasi sya ng Almusal.
"Hahaha. Practice lang nay. Sa Isang buwan kasi ay makukuha ko na ang sahod ko at makakaenrol na ako sa School. Kaya nagpra-practice na po ako. Haha"
Sabi ko habang binaba ko muna ang bag dahil nakita kong paborito ko pala ang nakahanda sa mesa kaya magbre-breakfast na muna ako bago pumasok sa Trabaho.
"Naku ikaw talaga Gabrielle. Oh bago ka pumasok, sabayan mo muna ako sa pag-almusal."
Sabi ni nanay habang naglalagay ng dalawang pinggan sa lamesa. Ako naman ay umupo na.
"Nay, asan po si Tatay at Yung kambal?"
Tanong ko kay nanay habang nagsimula nang kumain ng Sinangag at Tuyo. Ako ay may Kambal na kapatid. 16 years old na sila at ako naman ay 18 na.
"Ang tatay mo, ayun nasa tindahan. Tumatagay nanaman. Ang kambal Pumasok na sa Iskwela."
Sabi ni nanay habang kumakain ng naka-kamay. Sanay naman kasi kaming magkamay dahil para saamin ay mas masarap kumain kung ganun.
"Ahh.."
Yan nalang ang tanging nasabi ko kay nanay. Sanay naman na akong tuwing umaga ay tumatagay na si tatay. Yun na nga ang ginagawa niyang Breakfast.. Ang Gin.
"Ahm Anak.."
Tawag ni nanay saakin. Napatingin naman ako sakanya.
"Bakit nay?" Tanong ko naman.
"Sorry kung tumigil ka sa pagaaral ha. Dapat naman talaga kami ang nagpapaaral sainyong magkakapatid pero ikaw ang tanging gumawa ng paraan para lang mapagtapos ang kambal. Alam mo namang kulang ang kinikita ko sa paglalabada. Ang tatay mo naman, hanggang ngayon ganun parin. Pasensya na talaga anak.Hayaan mo mas pagiigihan ko pa ang pagtratrabaho para matulungan kita."
Sabi ni nanay habang mangiyak-ngiyak pa.
"Okay lang nay. Mas gusto ko rin ang ganito dahil natututo ako sa buhay ng hindi na nakadepende sa inyo dahil malaki naman na ako. Wag na kayong umiyak."
Sabi ko at siya namang punas ni nanay sa luha nya.
"Salamat anak ha.."
Nginitian ko na lamang siya bilang sagot. Napatingin naman ako sa orasan namin na bigay ng isang Kandidato at nakita kong malelelate na pala ako sa trabaho.
Agad naman akong tumayo at uminom ng tubig.
"Nay mauna na po ako. Late na po ako at baka bawasan pa ni boss ang sahod ko."
Sabi ko habang naghuhugas ng kamay at dumiretso na sa pintuan.
"Sige anak mag-iingat ka ha."
"Opo nay.."
Sagot ko at tumingin muna sa maliit na salamin na nakasabit sa ding-ding namin. Nang ok na ang ayos ko ay lumabas na ako ng bahay.
Habang naglalakad papunta sa sakayan ng Tricycle, may babaeng kumausap saakin.
"Hi Gabrielle. Ang gwapo mo ngayon ha. Bagay sayo yang uniform mo."
Sabi ni Kyla habang dumikit pa ng konti saakin. Si Kyla ay ang anak ng Amo ni Nanay kung saan siya naglalabada. Eto nanaman si Kyla. Dikit sya ng Dikit saakin kahit saan nya ako makita na sya namang kinaiinisan ko.
BINABASA MO ANG
The Poor Prince And The Rich Princess
HumorMagkabilang mundo, magkaibang ugali. Paano kung magtagpo ang dalawang taong magkasalungat sa lahat ng bagay? May pag-ibig bang mabubuo?