68

6 4 0
                                    

Ryou's Pov

"Kaya mo ba?" Tanong ko kay Sunwoo habang may naghihilot sakanya. Kita naman eh, nandaya yung isang team kanina.

"Oo naman, noona. Ako pa ba? Ang cool ko kaya." Agad ko naman s'yang pinaningkitan ng mata after n'yang sabihin yon.

"May gana ka pang maging mahangin sa sitwasyon mo." Natawa naman s'ya at umiling iling nalang.

Kita naman kanina na tinalapid s'ya nung isang player. Kala mo naman kung sinong magaling. Insecure siguro kay Sunwoo kaya tinalapid.

Taga ibang school kase yung kalaban nila. Dito lang sa field ng University namin kase mas malaki.

Agad namang umalis yung naghihilot sa paa ni Sunwoo kaya napatingin ako.

"Ayos na?" Tanong ko sakanya at umupo sa tabi n'ya. Agad naman s'yang tumango at ngumiti sakin.

"Di naman ako napuruhan eh. Patay talaga sakin yang mukhang hatdog na tinalapid ako." Talaga lang ha.

"Ipapanalo mo?" Pabirong tanong ko sakanya.

"Oo naman, noona. Tsaka, para maayos na yung namamagitan sainyo nung Mark." Wait...alam n'ya? How the fu--

"Pano mo nalaman?" Tanong ko sakanya pero this time, seryoso na.

"Yuta hyung told me. Dapat nga magb-back out ako kaso sabi n'ya kailangan ako ng team kaya ayun, pumayag ako." ....Ang sweet...

"Naiiyak ako weyt." Madrama kong sabi kaya tinawanan n'ya lang ako.

"Alam ko namang gusto mo ng jowa." Di ko na napigilan tong sarili ko at binatukan s'ya. Grabe, hindi kaya.

"Imbis na magthank you ka, binatukan mo pa ako. Back out na ako, sabihin ko malala yung injury." Agad ko naman s'yang niyakap mula sa gilid n'ya at nagpuppy eyes kahit labag sa kalooban ko. Bawal...bawal magback out.

"Joke lang eh. Libre kita latur." Mabait kong sabi sakanya kaya napa sigh nalang s'ya tsaka tumawa ulit. Hilig n'ya ako tawanan, bwiset.

Bittersweet •Mark Lee•Where stories live. Discover now