CHAPTER 1

2 0 0
                                    

"Ano asan na yung pesteng babaeng yun?"

Ganito na lang palagi ang takbo ng buhay ng babaeng si Xin. Kung hindi mga lasenggo ang naghahanap sa kanya yung mga nakaka away naman nya. Kapag alam niyang madedehado na siya tatakbo na siya ng mabilis at magtatago.

Kala niyo naman mahahanap niyo ako, tsk. sabi ni Xin sa isip niya.

"Hanapin niyo yung p*tang*inang babaeng yun!"

Nang marinig iyon ni Xin nagpasya syang tahakin na lang ang daan papunta sa sarili niyang bahay. Kung saan nakatira siyang mag-isa dahil ayaw niyang bumalik sa kanilang bahay.

Malapit na siya sa kanyang bahay nang makita niya ang kanyang kapatid na nakatayo sa labas ng kanyang gate.

"Napa-away ka na naman? Ganyan na lang palagi ang takbo ng buhay mo ah. Agahan, tanghalian at hapunan mo na yata ang maki pag-away.", bungad sa kanya ng kanyang kapatid ngunit hindi niya ito sinagot.

"Ano bang plano mo sa buhay mo ha Xinrheya, umalis ka sa bahay dahil ayaw mo doon? Yan lang ba talaga ang rason?."

"Pumunta ka lang ba dito upang sermonan ako at pakielaman ang mga ginagawa ko? Kasi sa pag kakaalala ko ay wala ka namang paki-alam sakin diba?." sagot ni Xin.

"Bastos", bulong ng kanyang kapatid. "Gusto pala ni Mama na pumunta ka sa birthday ni dad sa friday."

"May klase ako, kayo na lang."

"Ikaw bahala, alis na'ko bawasan mo na ang mga kalokohan mo hindi kana bata." bilin pa nito bago umalis.

'Bat pa ko pupunta dun ipapahiya din naman nila ako'. Turan ni Xin bago nagtungo sa kaniyang banyo.

Malalim na ang gabi ngunit hindi parin makatulog si Xin sapagkat hindi mapakali ang kanyang isip sa mga nangyayari sa kanyang buhay.

'Hindi ko naman ginusto ang mga ginagawa ko ngayon ngunit ito lang ang alam kong paraan upang mabago ko ang dating mahinang ako, upang sa ganun ay wala ng sino man ang kayang saktan pa ako. Sapat na ang isang beses.'

Sa lalim ng kanyang pag iisip ay hindi niya namalayan na nakatulog na siya.

"Xin! Halika na pumasok na tayo!" tinig ng isang lalake ngunit hindi makita ni Xin ang itsura nito.

"Ang bagal mo namang maglakad! Late na nga tayo eh, bilis-bilisan mo naman!". Hatak nito kay Xin.

Ang mga nangyayare ay parang pamilyar kay Xin, lalo na ang lugar at boses ng lalaking nagsasalita ngunit hindi niya maalala kung sino ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NO ONEWhere stories live. Discover now