Akemi

6 0 0
                                    

"ies gremoir lavie entie"

"ies gremoir lavie entie"

"ies gremoir lavie entie"




Nakikita ko ang isang babae na nakatayo sa isang bilog na nagliliwanag. Naririnig ko ang mga katagang isinasambit niya ngunit wala akong maintindihan. Nakatalikod siya sa akin kaya't hindi ko makita ang mukha niya.

Nasa gitna kami ng gubat. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito at kung sino ang babae na 'yon.

"ies gremoir... la-lavie ent..ie"

Habang tumatagal na sinasambit niya ang mga katagang iyon, nanghihina siya at nagliliwanag. Agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at lumapit ng dahan dahan. Kung masamang tao siya, kailangan ko na siyang wasakin.

"'Wag mo ng subukan, Akemi" malumanay at nanghihinang saad niya.

Agad akong natigilan na i-summon ang scythe ko.

"Kilala mo 'ko?" nagtatakhang saad ko.

"Nakita ko na ito na mangyayari, matagal na. Paulit-ulit. Noong una, hindi ko alam kung bakit pero ngayon, mukhang alam ko na" natatawang saad niya.

"Sino ka ba?" i-sinummon ko ang scythe ko at handa ko na siyang atakehin.

"Ako?"

"Ako si Sari"


"At ako ay ikaw" madiing sabi niya.

Humarap siya sa akin kaya't nakita ko ang mukha niya.

Impossible.

Magkahawig kami.

"Hindi ako ang kalaban mo Akemi, kung hindi ang mga nasa taas. Lahat sila, gusto siyang kunin kaya't ingatan mo." malumanay na saad niya.

"Sinong siya?"

"Kung sino ang pinoprotektahan natin" nakangiti ngunit mababakas ang lungkot sa tinig niya.


"Wala akong pinoprotektahan. 'Wag mo 'kong linlangin!" sumugod ako ngunit tumama lang ako sa barrier na nasa labas ng bilog.


"Wala na akong oras, Akemi. Hanapin mo siya para sa atin" huling sambit niya bago siya lalong nagliwanag.


"Wenes gremoir lavie akemi sari entie pursos tano.."






Agad akong napabalikwas ng higa sa mga ulap. Lumuluha na naman ako. Paulit-ulit lamang ang panaginip ko ngunit hindi ko mapagtanto kung para saan 'yon. Laging ang babaeng 'yon ang laman ng panaginip ko.


His GuardianWhere stories live. Discover now