CHAPTER 2

542 13 0
                                    

Lila




"Ate alis na ako!" Sigaw ko para marinig niya ako mula sa Kuwarto niya.

"Oo, alis kalang. Huwag ka ng babalik pa!" Balik niya ring sigaw sa akin. Napairap nalang ako bago lumabas ng bahay at isinarado ang pinto.

Galit parin siguro dahil kanina lang ay hindi ko siya nabilhan ng gusto niyang pagkain. Buntis nga naman oh.

Nag-abang na ako ng taxi at ng makasakay ay isinaad ko sa Driver ang address kung saan ang kompaniyang pinapasukan ko. Sana naman hindi masyadong busy ang kompanya ngayon dahil PUYAT ako ngayon. At dahil iyon kay Ate.

Nang makarating ng kompanya ay agad na akong pumasok at binati ang mga katrabaho bago pumuntang department kung saan ako nakapuwesto.

"Magandang umaga." Bati ko pagkalabas ng Elevator.

"Gandang umaga rin Lila." Ani ni Georgia. Ang kasundo ko sa kanilang lahat.

"Marami ba ngayong gagawin?" Tanong ko at pumuntang table ko. Buti naman at walang masyadong nakalapag na papeles.

"Wala naman. Good mood ata ngayon ang manager natin." Ani nito at tumayo sa tabi ng table ko.

Hmm? Goodmood ba kamo? First time 'yon ah.

"Ano kaya ang nangyari sa kaniya?" Tanong ko habang inaayos ang lamesa.

"Baka may kadate na." Mapagbiro niyang ani.

"Possible." Kibit balikat na ani ko. Singgle kasi iyon kaya super sungit pagdating sa aming mga empleyado ng kumpanya. Ang lakas rin ng loob dahil pinsan niya ang Boss namin.

Buti nga at hindi siya nasusumbong sa boss. Kahit naman na pinsan siya ng Boss ay wala parin siyang magagawa kung tanggalan siya ng trabaho.

"Sige mukhang ayaw mo naman makipag-kuwentuhan eh." Ani niya bago tinalikuran ako.

Babaeng 'to. Hindi na nasanay na ganito ako magsalita. Pero tama naman siya, wala ako ngayon sa mood lalo na at lumalaro sa isipan ko ang pangyayari kaninang madaling araw.

Napilig ko ang ulo ko ng magsimula na akong mawala sa katutuhanan. Grabe naman kasi ang ganda niya. Parang nakakainggit na nakakainlove. Hala siya ಠ_ಠ.

Anyways. Nagsimula nalang akong magtrabaho at doon nalang ipinokus ang sarili at isipan.

[Lunch Break]

"Sissy sabay tayo!" Napalingon ako kay Keya ang pinakanakakairitang babae sa departaminto ko ng tawagin niya ako.

Patakbo siyang pumunta sa akin at agad na niyapos ang mga braso ko. "Anong sabay?" Ani ko dito at nagsimula ng maglakad. Ganon din siya.

"Sabay sa pagkain Sissy. Ano ba 'yan ang slow mo parin." Maarteng ani nito.

Napailing na lamang ako. Lunch break na namin ngayon at papunta kaming Cafeteria ng kompaniya. Wala na akong oras para lumabas dahil marami pala ang mga papeles na tatapusing gawin. Pabitin ang manager namin.

"Nga pala, kamusta kayo ng bf mo?" Maya maya ay tanong ko dito. May boyfriend siya na manluluko, panget naman. Iwan ko ba kung bakit iyon naging bf ni Keya eh ang ganda ganda naman niya, tapos manluluko iyon. Tsk tsk. Ang lagi naman niyang rason kapag sinasabihan namin ng 'hiwalayan mo na' ay 'mahal ko siya eh'. Grabe. Swerte na nga ng lalake na iyon tapos manluluko pa.

May time nga na nahuli ko siyang may kahalikang iba tapos no'ng sabihin ko kay Keya, hindi siya naniwala. Tsk tsk.

"Hmm, I was planning na maki pag-break up na dahil sawa na ako sa panluluko niya." Napahinto ako at tiningnan siya ng may gulat sa mukha.

ConnectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon