Nang Dahil sa Piso

97 3 1
                                    

hello guys.. valentine gift na lang oh.. haha.. happy independence day sa iba dyan.. tamaan ang tatamaan, Lols.. 

happy valentine's day na lang po.. vote and comment kung trip nyo.. thanks..

-anne

0000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000

NANG DAHIL SA PISO

“What if we make a deal?”

“What deal?”

“Let’s toss a coin. If it’s head, you’re mine. If it’s tails, I’m yours. Deal?”

Saan ba kayo nakakita ng ganyang klaseng katangahan? Siguro ngayon lang, salamat dito sa kalapit ko ngayon (note the sarcasm). Ayaw kasi niya akong tigilan mula pa nung pasukan. Ni hindi ko nga alam kung paano ko natagalan ang ganitong klaseng ugali ng seatmate ko ngayon sa loob ng higit nang isang buwan.

Nagsimula ang lahat noong enrollment. Medyo nagkatulakan sa pila eh siya yung kasunod ko noon. Hindi ko nga alam kung talaga bang sinadya niya yon. Pero siguro nga ay sinadya niya yon, sabi niya kasi, “Sorry miss, nagkatulakan kasi sila. Ayos lang naman siguro di ba? Ako naman yun, hindi yung mga panget sa dulo.” Grabe, hindi siya mayabang di ba?

Hindi lang dyan nagtatapos ang lahat. Napag-alaman ko na pareho pala kami ng kurso dahil nakita ko siya sa pila ng B.S. Architecture. Maganda kaya akong magdisenyo ng mga istruktura. Anong akala nyo ha? Sa katunayan nga, ako ang nagdisenyo ng bahay doon sa palabas na Teletubbies. Pero hindi nga pala yon ang pinag-uusapan dito kung hindi yung antipatiko kong kaklase.

Dahil nga magkasunod kami sa pila, magkasunod din kaming na-admit. Yan naman ang dahilan kung bakit ko siya kaklase ngayon. Kaimbyerna lang ang bwisit na yan.

Eto pa ang malala. Ang akala ko, kapag kolehiyo na, wala ng seating arrangement. Pero grabe, ang malas ko yata talaga ngayong school year na ito, dahil may balat sa puwet si Pooh, (nanisi pa eh, hahaha.. pero paki-check na rin. Malay nyo nga may balat talaga si Winnie the Pooh sa puwet di ba?) eh yung manyak na lalaking iyon ang kalapit ko. Ang tinding makapagpa-alphabetically arranged ng professor namin eh. Yan naman ang kwento kung bakit ko kailangang tiisin ang kaewangan ng katabi ko. Kung sasabihin nyo namang hindi ko ginawan ng paraan, nahiya naman daw ang effort ko na kausapin lahat ng mga prof. ko, pati na ang dean. Ang kaso, ayaw nilang pumayag eh. Okay, back to present tayo..

“Anong klaseng katangahan na naman yan Xavier?” sabay taas pa ng kilay at nakapamewang. (Paganahin na lamang ang imahinasyon mga ka-patid, ka-pusod at kapal-milya. Hahaha..) Yun palang pangalan na binanggit ko, yun talaga ang tunay niyang pangalan, sa maniwala kayo’t sa hindi.

“Bakit, naduduwag ka na ba?” pang-aasar pa niya.

“Ano bang mapapala ko dyan?”

“Kapag nanalo ka, slave mo ako. Kaya nga, I’m yours.” Sounds good to me. Uutusan ko siya na huwag nang magpapakita sa akin kahit kailan para wala nang sisipa sa paa ko habang nagkaklase ang mga teacher, o kaya wala nang dadayo ng tulog sa desk ng armchair ko.

BUT..” Kung gaano po yan naka-capitalize at naka-bold, ay ganoon din po ang emphasis niya.

“But?”

If you lose, you’re mine.” Psshhh... para namang pagbibigyan ng tadhana na maging muchacha ako ng isang yun. Hindi ko maimagine ha.

“Payag ka ba?” tanong niya.

“Yeah, it’s  a deal.”

Ako na ang naghagis ng barya para naman alam kong hindi ako madadaya ng isang tusong katulad niya. Mukhang hindi ko kakayanin kapag natalo ako dito. Biruin nyong isang linggong magiging alipin kung sinuman ang matatalo. (Kasama yan sa napag-usapan namin kanina, nabasa mo naman kanina di ba?

Nang Dahil sa PisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon