prologue

20 0 0
                                    



Ikaw ang unang nakasungkit
Sa pusong malungkot na umaawit
Para sa pag-ibig na hindi pilit
Lahat ng tula susulatan ka, haiku at dalit



Ngunit hindi ako nagsalita o nagsabi
Hindi gumalaw ang mga labi
Kaya sinasambit sa buwan sa gabi
Na sana'y ikaw ay nasa tabi



Mahirap na itago ang nararamdaman
Ngunit alam ko na mas mainam
Na huwag tumakbo sa kabilang daanan
Kung ayaw mo masaktan at masagasaan

Pagkakaila, Pag-aatubili || BonesAlexx: HHFBWhere stories live. Discover now