Chapter One

18.3K 302 29
                                    

"Ate, anong mangyayari sa akin?" mangiyak-ngiyak na tanong sa akin ng aking kapatid na si Jerome habang nakahawak sa rehas na mga bakal sa loob ng kulungan.

Hinawakan ko ang mga kamay nito. "Huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin kong mailalabas ka dito. Kakausapin ko iyong may-ari ng kotse para iurong iyong demanda niya sa iyo." pagpapagaan ko ng kalooban sa kanya. "Hindi ako titigil hangga't hindi ka nakakalabas, Jerome."

"Wala naman akong kasalanan, ate." pasumbong na sabi nito. "Paano niyan si Hiro, ate?"

"Si Mang Agustin na ang bahala kay Hiro." sagot ko sa tanong niya. "Sa ngayon ay magpakatatag ka muna." binigyan ko siya ng isang ngiti at pinisil ang kamay. "I will take care of everything, Jerome."

Kahit labag man sa kalooban ko ay kinailangan kong iwan ang kapatid ko sa loob ng police station. Labing-dalawang taong gulang ito at dahil summer ngayon ay namamasada siya ng kalesa para na rin may pagkakitaan. Hindi sinasadyang nasira ni Hiro, ang kabayo ni Jerome, ang isang mamahaling sasakyan. Bigla daw nagulat ang kabayo kaya naman hindi sinasadyang natapakan ni Hiro ang kotse. Nagreklamo ang may-ari at pinakulong ang kapatid ko. Ang pinagtataka ko lang ay minor de edad pa ang kapatid ko kaya dapat ay hindi siya ikulong kaya sigurado akong malaking tao ang nabangga niya.

Kaya nandito ako ngayon sa harap ng Lim Industries at kinakalma ang sarili. Kakausapin ko iyong may-ari ng sasakyan para iurong ang demanda niya sa kapatid ko. Ang sabi sa akin ng isang pulis ay dito ko matatagpuan ang taong iyon.

Nakisabay ako sa mga papasok na empleyado para hindi mahalatang underdressed ako. Nagtungo ako sa receptionist at nagtanong, "Miss, dito po ba nagtratrabaho si Eric Alexander Lim?"

Pinasadahan ako ng tingin ng babae mula ulo hanggang paa. Aba! Kung hindi lang ako nagtitimpi ay kanina ko pa sinabunutan at tinusok ang mga mata ng babaeng ito. "Si Mr. Lim? Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?" mataray na tanong nito sa akin.

Binigyan ko siya ng pekeng ngiti. "Kailangan ko kasi siyang maka-usap."

Inikutan niya ako ng mata at hindi ko napigilang hindi ito pagtaasan ng kilay. "Mr. Lim is busy right now. He doesn't have time for girls like you." mapangutya niyang sabi.

"Really?" tanong ko sa kanya at nakipagsabayan sa pagsasalita ng Ingles. "I'm sure you don't want to lose your job." Tumingin ako sa name tag niya sa bandang kanan ng kanyang kasuotan. "Bridget."

"Are you threatening me?" nagpupuyos na tanong nito. "Kayang-kaya kitang ipatapon sa labas ngayon mismo!"

"Edi gawin mo!" hamon ko sa kanya. "Tignan na lang natin kung hindi ka mapatalsik sa pwesto mo sa oras na pinatapon mo sa labas ang fiancée ni Eric Alexander Lim."

Nalaglag ang panga nito sa sinabi ko at napansin ko ring natahimik ang lahat ng tao sa sinabi ko. Maya-maya ay may lumapit sa aking isang lalaki or sabihin na nating babae talaga kahit anyong lalaki ito. "Miss, tama ba ang narinig ko? Fiancée ka ni Mr. Lim?"

Ngumiti ako dito at hindi ako sigurado kung dapat ba akong sumagot. Hindi ko naman talaga nobyo iyong Mr. Lim na iyon at hindi ko rin kilala. Pero paano na ang kapatid ko? "Yes, I am his fiancée." may pagka-confident kong sagot sa kanya at nagulat na lamang ako ng tumili ito.

"OMG!" sigaw nito at inilahad ang kamay. "It is nice to meet you. My name is Rian Santos, I am a reporter." Pinakita nito ang kanyang id.

Kinamayan ko ito. "I'm Paige Villarama." sabi ko sa kanya at napakurap ako ng bigla akong kuhanan ng letrato ng katabi niya.

"Pwede bang papicture?" excited na tanong nito sa akin. Tumango na lamang ako at lumapit ito sa aking tabi. Nagpose ito na parang babae pero bigla rin siyang umayos dahil napansin niya ang pagoobserba ko sa kanya. Natawa na lang ako at nagpapaicture kasama niya. Wow! Feeling artista ako ngayon!

"Nagrerecruit po ba kayo ng magiging artista?" hindi ko maiwasang hindi matanong iyon dahil parang very important person ako sa presensya niya.

Nagkatinginan sila ng kanyang kasama at sabay na umiling. "I'm a reporter, Miss Villarama. Hindi ako kami recruiter ng assistant ko."

"Ah...." napatango na lang ako. Sayang naman! Kung magiging artista ako siguradong hindi na magpapagod pa si Jerome at mabibigyan ko ito ng magandang kinabukasan. "Bakit po parang special ang pagtrato niyo sa akin? Hindi naman po ako importanteng tao."

"My dear, doon ka nagkakamali." lumabas nga ang pagkabakla nito dahil sa kanyang boses at pananalita. "You are a very important person and you are my most favorite girl!" sabi niya habang tumatawa.

Nakita tawa na rin ako kahit hindi ko naiintindihan ang pinagsasasabi nito. "Hindi ko po kayo maintindihan."

Nawala ang ngiti niya sa kanyang labi pero bumalik rin ang pagkamasayahin nito. "Huwag mo nang alalahanin pa ang sinabi ko. Ngayon, are you ready para sa interview ko?"

"Interview?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Yes!" mabilis na sagot nito at inutusan ang kanyang assistant na itutok sa akin ang camera. "Miss Villarama, what can you say about being the hottest billionaire's fiancée?"

Nawala ang ngiti sa aking mga labi at hindi sinadayang napadako ang aking tingin sa isang malaking flat screen television na pinapalabas ang advertisement tungkol sa Lim Industries. Nalaglag ang panga ko ng may nagmodelong lalaki doon at sa bandang huli ay may nagflash na mga letra sa bandang ibaba.

Eric Alexander Lim

The next CEO of the billion dollar company - Lim Industries

I gulped because I knew that from that moment I am in so much trouble.

The Billionaire's FiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon