epilogue

0 0 0
                                    

Growing up having pessimistic mentality it's new when something good happen to me, expecting bad things next to come.

Seems weird... But yes everytime something good happens in my life, expect worse to come.

"Beh anong halaman toh?" Naputol ang pagsesenti ko dahil sa tanong ng ginang na kaharap ko.

"Mill flower po or million flower dyan po sya kilala, 380 po." sagot ko. Meron kaming garden shop na mag dadalawang taon na, so far medjo malakas ngayon dahil ber months.

" Mahal naman, 150 nalang" ngiting sagot nito. Another day, another barat na customer. Common na toh meron panga ruber plant ang gusto, sabi ko 1200 aba ang tawad eh 3 for 500. Galing diba.

"Ma'am hanggang 350 lang po... Wala na po kaming tubo dyan hehe, saka po malago yan ma'am kita mo oh may bulaklak season nya kasi ngayon mag bloom ma'am saka once a year lang po yan mamulaklak tas yung bulaklak aabot ng one month basta wag lang po matutuyuan" mahabang lintaya ko. Kailangan makabenta ngayon mahal ng rent namin dito noh 15k diba yayamanin.

"Balik nalang ako uli neng antayin ko mama mo baka makadiscount ako. Sige salamat" sabi nito sabay talikod.

"Haha oks lang naman, di naman nasayang laway ko eh di rin naman ako naarawan haha" mark my sarcasm please. Nakakagigil talaga mga gantong customer. Sana pala nagpaappointment kau sa nanay ko diba? Diba????

"Backstab ka talaga sa mga customer noh?" Natawa tawang sabi ni kuya.

"Aba kung bumili sana sya edi sincere yung ngiti ko"likramo ko. Napatingin ako sa daanan, may tumigil na jeep. Agad akong nataranta at tinago ang phone ko, nilinis ang maliit na sala.

"Si mommy nayan bilisan mo ng linis" pabulong pero malakas kong sabi. Agad na nataranta din si kuya na nagmomobile game pa.

Nakaugalian na namin toh, ang magulat pag dumadating ang magulang namin. If you have stirct parents you know how this feels. Yung kakabahan ka kahit wala kang ginawang masama, yung maglilinis ka kahit malinis naman, yung matataranta ka out of the blue.

Nakababa na si mommy ng jeep. Pagbaba palang nya sinalubong na namin sya para buhatin ang mga dala nya, pagtapos ay nagmano. Tahimik naming ginagawa yun para pakiramdaman ang mood ni mommy kung badtrip ba or maganda ang gising.

Nilabas ko ang laman ng bag na dala ni mami dito nakalagay ang agahan namin at tanghalian. Dito nakasi kami natutulog ng nakatoka kada week bale tatlo kami magkakapatid ako si kuya saka bunso dalawang babae at isang panganay na lalaki. Ako at si kuya ang nakatoka ngayong week natoh kaya nasa bahay si bunso. Sa bahay natutulog si mami pero pumupunta si mami rito sa shop tuwing umaga tas uuwi pag sapit ng alasais ng hapon.

"Nakabenta na kayo?" Mahinahon na tanong ni mami.

"Di pa po pero may nagtanong na po kanina kaso tanong lang daw sya muna" tumalikod na si mami pagkarinig ng sagot ko.

Kapwa nakahinga na kami ng maluwag ni kuya nang umalis si mami para magtanim. Kumain na kami ng agahan namin pagtapos ay naglinis

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Glimpse of lightWhere stories live. Discover now