0.12

5 1 0
                                    

The Reputation

"Stan!" masiglang bati ni Belle ng lumabas ito mula sa kotse ko, malawak ang mga ngiti niya. I wonder kung matagal na ba silang magkakilala o magkaibigan... Siguro? Kasi Costales siya at Villafranco naman ang isa... They have the same feather.

"Ara..." medyo matagal nang mapansin n'yang nando'n din ako. I smiled at her, she did the same pero ibinalik din n'ya ang atensyon kay Stan.

"Nasa loob na sila, inintay ko lang talaga..." she glanced at me, "Kayo."

Pumasok na kami, nakapunta na ako sa club na 'to but I like that Drake's place better, mas chill ng kaonti. Dito kasi ay mas wild ang mga tao, mas malaki rin ang place.

Malayo pa lang ay alam ko na ang lamesang pupuntahan namin, they were occupying a VIP table and their kind is really attracting people. Kaya pag may pinagtitinginan ay alam mong sila na 'yon.

"Ito na! Ito na sila!" rinig kong anunsyo ni Luc sa pagdating namin.

"Welcome back, Ara!" sigaw ng mga nasa lamesa at sabay labas ng party poppers nila.

I am really surprised sa ginawa nila. I don't know them yet but it felt so...

Napapikit-pikit ako, at napatingin sa confetti na kumapit sa katawan ko. I am amazed...

"Who told you to do that!?" bayolenteng tanong ni Stan sa mga nasa upuan.

Bukod kay Drake, Luc at Christopher na nando'n ay may dalawa pang lalaki na 'di ko kilala, kapwa may kasamang babae.

"Huh?" nagtaas ng kilay ang nilapitan niya, 'di s'ya naintindihan.

"Who told you to-" lumingon sa akin si Stan and as if he reminded something on my face kaya nagtaas ako ng kilay.

Madiin siyang pumikit at lumakad palayo.

"Problema no'n?" tanong ng lalaki kay Luc. Nagkibit balikat lang din naman 'yon.

"Ara, this is Enzo and that one is Seb. I assume, you know Drake..." he gave me a playful smirk. "Guys, this is Ara." balik niya sa mga kaibigan.

"Hindi ko alam na may pinsang Costales na babae si Luc, so... welcome, Ara!" sabi ni Enzo.

Si Belle?

Napalingon tuloy ako kung nasaan siya, at nakatingin siya sa iba at mukhang walang narinig. Kaya 'di ko naisatinig ang tanong. Mukha naman malapit sila ni Luc.

"Salamat."

"Yow!" si Seb naman at pumasa ere ang palad.

Medyo hindi ko alam if that welcomes me pero... okay! Ngitian ko na lang siya.

"We don't have a proper introduction yet... And I'm surprised that you're a Costales... Ara? Finally know your name and welcome back!"

"Thanks!" We shook hands.

Umubo naman si Luc sa gilid na para bang big deal 'yon.

This man is who I thought knew me as Stan, naalala ko pa kung paano ako nag-isip ng dahil lang do'n. And 'finally know my name'? So his cousin never talks about me to him?

That's... well... uhm... surprising?

Kasi sobra siya makasira sa pinsan niya samantalang 'di naman pala ako kilala!

"The ladies?" tanong ko, nalimutan kasi nilang ipakilala.

"This is ah... Camille." si Enzo na tinignan pa konti ang mukha ng babae.

"It's Janine!" singhal nito kay Enzo na parang medyo walang pakialam sa pagkakamali n'ya.

"Hey! Introduce yourself." tinabig naman ni Enzo ang katabi para ipakilala ang sarili. I guess he learned fast, huh?

Growing WildWhere stories live. Discover now