Chapter 2

390 10 0
                                    


Leonora's POV

         PAG TAPOS ko maligo nag handa na ako para pumasok tinatawagan kasi ako ng mga head na kailangan na daw repprt kaya nag mamadali ako ngayon.

"Ate pahingi ako ng chocolates mo" paalam ni lucas habang naka higa couch namin. Umalis na kasi sila zacreus at buti naman.

"Edi kumuha ka basta wag mo ubusin baka itapon kita sa jupiter" sagot ko at umirap. Kinuha ko ang bag ko at nag paalam na kay lucas dahil wala naman si mama at nasa parlor nag papaganda.

Nag iisip ako kung mag cocommute ako o gagamitin ang sasakyan ni papa. Mmm...Siguro mag commute nalang dahil ayoko mag pa-gas ng sasakyan ni papa, tsaka mas mahal pa kaya ang gas kaysa sa pamasahe.

Nang makarating ako sa office tinungo ko agad ang head department para ipasa agad ang report na pinagawa ng aming pinaka head. Nakaka-kaba dahil strict siya sa mga ganitong report na kailangan ng opisina, pero alam ko naman na hindi niya ako papagalitan dahil nagawa ko naman nang maayos ang report na ito.

Kumatok ako at pumasok, napaka lamig dito grabe para kang nasa mt. Everest jusko.

"Goodmorning po Mr. Guevarra natapos ko na po ang report na pinapagawa ninyo at ito na po iyon" naka ngiti kong saad at binigay rito ang Envelope.

"Goodmorning din Ms. Primara" tinanggap nito ang envelope at tinignan ang laman nitong mga papel. "Nga pala Ms. Primara pinapatawag ka ni Secretary Jane kakausapin ka daw" habol niya. Napa isip naman ako, ano kayang kailangan ni secretary jane sakin? At bakit niya ako pinapatawag, sa pag kakaalam ko never pa ako pinatawag ng secretary ng Company na 'to. "You may go na, thankyou for this and for your hard work Ms. Primara." nginitian ko 'to bilang tugon at lumabas.

Agad akong dumiretso sa Office ni Secretary Jane katabi ng CEO office. Ang daming bumabati saakin ng 'goodmorning' sa hallway, mukhang good mood lahat.

"Ms. Primara ang ganda mo today" salubong ni secretary jane saakin. Nahiya naman ako bigla dahil ang secretary ng Ceo ng Genesis Corp. ay binati ako nang maganda.

"Goodmorning po thankyou po, kayo rin po" sagot ko rito. Omg nakakahiya talaga first time ako kinausap ni secretary jane dahil lagi itong busy.

"Sit there" umupo ako sa mamahaling upuan sa harap ng desk. Shet nakaka kaba naman.

"So i heard na maganda ang nagiging performance mo these months, congratulations!. So our ceo decided to give you a 1 month vacation on Boracay, and don't worry about expenses we're going to provide yoir need there." saad niya saakin.

Gulat na gulat ako sa narinig ko, 1 Month?!!! P-ta totoo ba 'to!? Baka nananaginip lang ako ha! Tsaka sa boracay mag babakasyon!? G-go totoo ba?! Am i dreaming?!. Sinampal ko ang sarili ko para malaman na totoo at hindi ito panaginip.

"ouch, totoo nga" sagot ko.

"Are you okay Ms. Primara?" tanong ni Secretary Jane saakin.

"Y-yes po na-shock lang po ako na binigyan ako ng vacation sa boracay. True po ba talaga 'yan? Wala po bang halong biro? For real po?" tanong ko dito. Grabe hindi ako maka paniwala na sa boracay ako pag babakasyonin ng Company na 'to.

"Yes, and since wala ang CEO dito dahil nasa malayo syang lugar ako ang nag sabi sayo na dapat siya sana ang mag sasabi" saad niya habang ako gulat parin at di maka paniwala.

"Thankyou po sobra" pag pasalamat ko rito, sa ceo namin thankyou sakanya sobrang bait niya gusto ko tuloy maiyak.

"Sige you may go now Ms. Primara, at pwede ka na pala umuwi dahil bukas may susundo sayo sa bahay niyo na sasakyan para dalhin ka sa airport" saad niya pa.

"Thankyou po sobra sobra pati po sa ceo natin paki sabi po sakanya thankyou" pumunta agad ako maliit kong office at inayos ang mga kalat ko doon. Ayoko namang iwan 'to ng magulo baka mamaya ano pang masabi ng mga ka workmates ko sakin.

NANG maka-uwi ako sa bahay ay agad kong tinawagan si shae para ipaalam sakanya ang balitang may libreng vacation ako sa boracay.

"Shae!!" sigaw ko ng sumagot ito.

"hoi gaga bakit ka nasigaw?" tanong nito.

"Shae may libreng bakasyon ako sa Boracay !"

"G*g* legit?!"

"Oo shae, sabi ng secretary namin 1 month daw ako mag babakasyon doon. Excited na 'ko shae gusto mo sumama??"

"Marami pala akong gagawin sa 1month na 'yon sayang gusto ko pa naman sana maka sama sayo sa boracay cause i never been there, sayang talaga" nalulungkot na saad nito.

"Ano-ano ba yung nga gagawin mo?" tanong ko "Wala kasi akong kasama sa boracay, alam mo naman si lucas may pasok si mommy alam mo naman din yon always busy, si daddy naman nasa trabaho yon or walang balak mag bakasyon"

"Sorry talaga lele kasi marami akong dapat gawin kaya magiging busy ako" sagot niya

"Osige pala ako nalang" sagot ko. Nag kwentuhan pa kami ng onti about sa lovelife, lifestyle, buhay ng iba—charot.

Mag lilipit na ako ng mga dapat dalhin ko, pero teka di pa ako nag papaalam kay mommy. Pero mukhang pauwi na rin naman siya siguro pag nandito na lang siya sa bahay 'don ako mag papaalam.

Pumunta ako sa cabinet ko at kinuha ang mga regalo ni shae saakin na swimsuit. Hindi ako nag susuot nito pero mukhang mapapasabak ako kahit nakakahiya. Napaka dami ng binigay niya at hindi ko alam kung ano ang dadalhin ko.

"Hayy ang dami naman nito did shae spend her life buying me a hundreds of swimsuit every year? Goodness ang dami" mahinang saad ko. Siguro sampu nalang dadalhin ko tapos dalawang rushguard para pag nahiya rushguard nalang susuotin ko.

Wala ng araw ng matapos ako mag ligpit, napatayo ako at tinignan ang dalawang maleta at ang isang backpack pati ang isang  bodybag. Narinig ko na may kumatok sa pinto kaya dali dali akong bumaba at tinignan kung sino sila mama lang pala kasama si lucas.

"Ma, goodevening po" bungad ko at nag bless.

"Goodevening, nag saing kana ba lele?" tanong ni mama. Naka estatwa nalamang ako ng maalala na hindi pala ako nag saing.

"Hindi siya nag saing hahahaha" tawa ni lucas ng maka pasok. Talaga 'tong bata na 'to sasapakin ko na.

"Ma, nag impake po kasi ako ng mga damit ko—"

"Bakit lalayas kana? Naka ready kana agad? Papalayasin palang kita dahil hindi ka ang saing" sagot nito dahilan para mapasimangot ako at si lucas naman tawa nang tawa.

"Ma nakalimutan ko nga busy kasi ako" sagot ko at dali-daling pumunta sa kusina para mag saing. Baka magalit si mama lalo pag sinabi ko na sa boracay ako pupunta at 1month ako doon.

"Bakit ka pala nag iimpake 'te?" tanong ni lucas na kumuha ng baso at nag salin ng tubug.

"Ahm... Ma, pupunta pala akong boracay" kinakabahan kong saad. Napa ubo si lucas mukhang nabulunan si gaga. Deserve.

"At bakit anong gagawin mo doon?" tanong ni mama sa seryosong boses. Kabado pero kaya ko 'to shet.

"Ma mag babakasyon po" tanging sagot ko rito. What if hindi ako payagan?.

"Wow ate totoo ba?" tanong ni lucas. "Sama ako!"

"Hindi pwede may pasok ka" sagot ni mama rito.

"Ayy" dismayadong saad ni lucas at umupo.

"Ilang araw ka don?" tanong ni mama.

"1 month po, kasi po binigyan ako ng bakasyon ng ceo namin dahil maganda daw po performances ko sa kompanya" sagot ko.

"Hmm okay, sa tatay mo nag paalam kana? Alam mo naman yung tatay mo strict yan saakin okay lang." sagot ni mama. Napa 'yes' naman ako ng mahina. Nginitian ko si mama at inasar ko si lucas.

"Pwede ako sumama kay ate ma?" tanong ni lucas kay mama. Natawa naman ako ng umayaw si mama.

ObliviateMenta

Temptation On MeWhere stories live. Discover now