1- Assessment

5 1 0
                                    

Kanina pa ako nakatayo sa harap ng salamin.

Ano ba kasi yung kulang?? Di ako mapakali. Sa sitwasyong to' mukhang late na naman ako sa klase.

Wait bat'-

Ay g*gue!

Eye Glass

Kaya pala medyo malabo yubg paningin ko sa Salamin.

Agad kong hinalukay ang drawer sa tabi ng higaan. Sakto naman ang pagkatok ni Mama sa pintuan.

"Alki, kanina ka pa diyan pinaghihintay mo si Rei-Rei," pagtawag ni Mama.

"Sandali lang Ma Konting kemberlu nalang."

Pagkatapos makontento sa mukha kong haggard pa kay Haggardo Versoza. Lumabas nako ng kwarto at rinig ko ang Pards ko sa sala kasama si Mama.

"Tita Malaki na'ko to be called as Rei-Rei," pagmamaktol ni Reizen.

He is my Bestfriend since Day Care. Alam ko ang lahat ng bagay sa kaniya mula Kuko sa paa hanggang Dulo ng buhok. Kaya ngayong matanda na kami at laging magkasama madalas kaming masabihan na mag-jowa na kinadidirihan ko talaga.

Like Iww Marsz...

Mataas Standards ko ket Pangit ako noh!

Kapal ni self di'ba?

Pagbaba ko ay sinisermonan na siya ni Mama. Na kesyo malaki na siya ay dapat huwag na huwag daw niya kalimutan kong saan siya nanggaling at yun ang pagiging Rei-Rei.

Hahahhhaha...

Sabi nang wag patulan si Mama eh. May pagka sentimental pa naman to'.

"Okay na yan Ma, late na kami Bye!!" Sabi ko sabay hila kay Reizen palabas ng bahay.

"Oy! Di' ka na ba mag-aalmusal?" Pahabol na tanong ni Mama.

"Nope di' na po, we will date at School po Tita," patuksong sabi ni Reizen habang kinakaladkad ko.

Gag* lang?

Kaya Kinurot ko yung tagiliran niya at umayos siya nang lakad. "Nakatulog ka ba? Sabog ka no?" Tanong ko na parang insulto na rin.

"What? Totoo naman mag date tayo sa Canteen," sabi niya. "Hindi mo ako mauutakan Reizen Axcel Vera, wala akong pera pang-libre."

At tsaka inunanahan ko na siyang maglakad.

"Hey! Wait for me, ket' Fish Ball lang kay Mang Karding sige na Alki," pagmamakaawa niya.

Oh Pak! Ginamit na ang Nickname ko pero matigas ang Lola niyo.

"Andami mong pera pero ang buraot mo talaga," naiinis kong tugon.

Pero bigla siyang nanahimik. Nagtaka ako dapat kinukulit niya na'ko pero ang hinay*pak.

Nakakuha na ng pera sa Wallet ko! Ambilis ng kamay.

"Hoy! Pards pera ko yan!!" Sigaw ko sabay habol.

"Bleee!! Babayaran kita the next Day! Twenty Pesos lang naman eh." Sabi niya at mas binilisan ang takbo hanggang makaabot kami sa School.

Agad siyang dumiretso kay Mang Karding ang mayagal ng nagbebenta ng Fishball dito sa School.

Naabutan niya pa ang panganay sa mga kapatid ko. Basically si Ate.

"Magandang Araw mga bata, tusok lang kayo," bati ni Mang Karding sa amin.

"Twenty Pesos po Mang Karding heheheh..." sabi nitong Hinay*pak na lalaki sa tabi ko.

"Huhulaan ko base sa mukhang pinapakita nitong si Alkia, kinupit mo naman tong bente na to Reizen noh?" Patuksong sabi ni Mang Karding.

"Tumpak pa sa Correct na Positive Mang Karding," sabi ko at binantaan si Reizen na batukan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BoundariesWhere stories live. Discover now