Solivagant

26 1 15
                                    

[ BAGUIO SERIES #1 ]
Kleo and Ashro.



KLEO

"Ate! Pwede po pa picture kami ng boyfriend ko dun sa may bench?" A couple approached me for the nth time today. I just nodded and took her phone.

"Pati pala pag travel kailangan by pair na." Narinig yata nung mag jowa na nagpapakuha ng picture kaya tinawanan ako at sinabing oo daw. Akala yata nag bibiro ako.

I just gave them a plastic smile. 'Ina nyo pang apat na kayong mag jowa na nag papakuha ng litrato sakin. Ginawa niyo na akong photographer niyo mga shuta kayo.


"Thank you po!" The two thanked me. Hindi man lang nag offer na picture-an din ako. Ano to gaguhan? Kitang wala akong kasama kaya wala din ako taga picture tapos hindi man lang ako in-offer na picture-an? Mag ka virus sana yang cellphone mo hmph.


I swear to God isa pang mag sabi na kuhanan ko sila ng picture ng jowa nila ihahampas ko na sakanila tong camera ko. Kagigil kayo.


"Excuse me, pwede pa pic-" That's it. I'm done.

"Putangina eh kung maghire na lang kayo ng photographer?!" I bursted.

"Bakit galit ka? Inamo din! Huwag na nga!" 

He stormed off along with his things. Pero bago siya makalayo I heard him say, 

"Kung ayaw mo edi 'wag. Hindi ka gold." Attitude 'to ah.

Pero okay, I have to admit, nakaka guilty. Sinigawan at minura ko siya kahit wala siyang ginagawa na masama.

Lecheng anger issues na 'to. Dahil sayo napapahamak ako.

At dahil na konsensya ako, I looked at his direction and noticed na wala din pala siyang kasama para picture-an siya. Nag hahanap pa rin siya ng taong pwedeng mag picture sakaniya. Gosh this is making me so guilty sa ginawa ko.

I walked towards him and snatched his camera from him. He was startled but his eyes furrowed when he saw me.

"Oh. Mag pose ka dun." Tinuro ko yung sa may bench.

Mag rereklamo pa sana siya pero sumunod na lamang.

"Attitude. Bigla biglang nang hahablot kala ko ba ayaw mo?" I heard him whisper. Tinaasan ko siya ng kilay. He just gave me a plastic smile in return.

Kung hindi lang dahil sa konsensya ko, hindi ko gagawin 'to.



--


Nang matapos ko siyang picture-an, lumapit siya sakin at kinuha niya na yung camera niya. He looked through the photos I took earlier.

"Panget mo kumuha." Tangina nito siya na nga pinicture-an siya pa nag rereklamo?

I raised a brow. Kapal ng face mo ha.

"Oh picture-an din kita." Hinablot niya din camera ko at pina-pose din ako sa kung saan ko siya pina-pose kanina.


After a few shots, lumapit ako para tignan yung mga litrato.

"Ang panget mo din kumuha gago." Lakas ng loob mag reklamo eh pangit din naman pala kumuha ng litrato.

He raised a brow and so did I. We remained like that for a few more seconds when he spoke.

"Bakit ang sungit mo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon