Umpisa

15 0 0
                                    

Author's Note

Hi! This is BabyBangs_1218 , this is my first bl story to write. You're one of my main sources of inspiration for writing stories, so I am grateful that you are still reading them.


You are free to not read this story if you find the idea of a boy's love (bl) story uncomfortable or offensive. But to those who are fan of BL stories and dramas, welcome my friend!

Prologue

"You know them right ? " Tiffany asked me.

" Sabi ng iba matagal na silang patay , e. " Sambit naman ni Claude.

" Grabe , ang bata pa pala nilang namatay. 20 and 21 years old.  " Naiiling na sabi ni Tiffany habang nagbabasa.

" Look ! I found something! Wow , ang guwapo pala ni Eric! " Sabi ni Claude habang hawak hawak ang isang letrato.

" Theo! Tignan mo 'to , bilis ! " Tawag niya sa'kin, ibinababa ko ang aklat na hawak ko at pumunta sa puwesto niya.

" Wow , ang pogi nga ! Kung ako naman si Reince talagang magkakagusto ako sa ganyang kaguwapong lalaki noh ! " Sabi ni Tiffany sabay tawa.

Nang makarating ako sa puwesto nilang dalawa ay ipinakita ni Claude agad ang picture na hawak niya. Pagkatingin ko dito ay parang may kung anong pumiga sa puso ko.


May nakasulat sa baba ng letratong ito.

Eric Kyrie Delmundo
04.07.1998

Bakit ang sakit ? Ano ito ?

" Hoy , Theodore , ayos ka lang ? " Rinig kong tanong ni Claude.

" Hoy , gagi theo , umiiyak ka ?! " tarantang tanong naman ni Tiffany.

Nakakurapkurap ako at napagtanto na umiiyak nga ako. Napatingin ako sa kanila at umiling , ngunit ang mga luha sa aking mata ay patuloy paring umaagos.

"H-hindi ko a-alam kung b-bakit ... " Tanging sambit ko at tinignan ulit ang picture na hawak ko.

Sino ka? Bakit ganito na lang kasakit ang nararamdaman ng puso ko nung nakita kita? Ano ang ginawa mo?

" Huy , theo may problema ba ? Nagiging pabigat ba ba kaming dalawa ni Tiffany sa research na 'to ? " Tanong ni Claude , umiling ako at pinunasan ang luha.

" Hindi. Hindi , ano lang ... " Sabi ko sabay tanggal sa salamin ko para maayos kong mapunasan ang luha.

" Omg theo , sabihin mo lang samin kung nabibigatan ka na ah . Ieevict ko 'tong si Claude . " Sabi naman ni Tiffany , napatawa ako at umiling.

" Ano ba kayo , wala 'yon. Ano lang , kulang lang siguro ako sa tulog. " Sabi ko at ibinigay na kay claude ung picture ni Eric at nagsimula na ulit tumigin sa mga librong nakakalat sa sahig.

May ginagawa kase kaming research about sa unconditional love , ung tipong kahit sa kabilang buhay ay mahal parin nila ang isa't-isa. May nabalitaan kase kami na may ganon daw, dalawang mag kasintahan na parehas ang kasarian nagpakamatay, pero hindi alam alam kung bakit sila nagpakamatay.

At dahil katulad namin sila na part ng LGBTQIA+  naisipan namin na gawan sila ng research. Itong research na ginagawa namin ay hindi pinapagawa ng school or related sa acads namin , talagang na curious lang kami dahil nakuwento ito sa amin.

Ang sabi pa nga ng iba na si Eric , ung lalaking nasa picture kanina ay na reincarnate na daw at hinahanap niya na si Reince. Ang sabi ay parehas nilang hinahap ang isa't-isa dahil sa sumpaan nila. Na kahit sa pangalawa nilang buhay ay sila parin ang magkakatuluyan. 'Yon ang mga narinig kong kuro kuro sa baryo namin.

" Omg ! May nahanap na naman ako !" Sigaw ni Claude sa malayo , nagkatinginan kami ni Tiffany at pinuntahan siya.

" Hindi ba magagalit ang may ari ng bahay na 'to ? " Sabi ko kay Tiffany habang papunta kami kung nasaan si Claude.

" Hindi noh, kumpare ni Dad ang may ari neto. At binibenta na ito kaya , ayos lang na maglibot libot tayo. " Sabi naman ni Tiffany , napatango na lang ako.

May kakaiba akong nararamdaman dito sa bahay na ito, para bang nakapunta na ako dito. Sa hindi ko alam na dahilan ay parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko habang pinagmamasdan ang bawat sulok ng bahay na ito.

Siguro dahil luma na ito at hindi na nalilinisan kaya siguro ganon.

Nang makarating kami sa kinaruruonan ni Claude ay namilog ang mata ko. May hawak na naman siyang picture at nan laki ang mata niya habang nakatingin dito. 

" Hala ! Ano 'to !? " Madramang sambit ni Tiffany sabay tingin sa'kin.

" Omg theo .... " Sabi ni Claude sabay tingin sa'kin at pabalik sa picture.

Parehas nilang hawak ang picture at pabalik balik ang tingin nila sa'kin. Bakit ganyan sila makatingin sa'kin ? Para silang nakikita ng multo !

" Ano ba 'yan? Patingin nga ! " Sabi ko sabay hablot sa hawak ni Claude.

Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala. Letrato ito ng isang lalaki, may nakalagay na pangalan ito sa ibaba.

Reince Emmanuel Cuevas
11.20.1998

" Kamuha mo siya theo .... " sambit ni Tiffany

" Kamuha mo si Reince, theo. Ung kasintahan ni Eric. " Sabi naman ni Claude.

" Oh my gosh ! " Sambit ni Tiffany


Napatingin ako sa kanila at pabalik sa picture na hawak ko. Kamuha ko nga siya ! Kailangan lang tanggalin ang salamin ko sa mata at magmumukang ako siya !

Sino ba ka ? Bakit kamuka kita ? Sino ba kayong dalawa ni Eric sa buhay ko ? Anong nangyayari dito?

BabyBangs_1218

The Red StringWhere stories live. Discover now