Chapter One: Year 1998
" Putcha pre , ang alat! " Rinig kong sigaw ni thomas sa lamesa.
" Gago mag kakasakit ako sa bato dito sa luto mo, Dark ! " Sigaw naman ni Kyle.
" Hoy ! Grabe kayo , kayo na nga ung pinagluto kayo pa 'tong nag iinarte ! " Depensa ni dark sa kanyang sarili.
Napailing na lang ako at tumayo sa kinauupuan. Nag lilinis kase ako ng mga parts ng gagamitin namin materials para sa experiment namin. At si Dark ang nagpresenta na siya ang magluluto ng pagkain namin.
Kaso mukang palpak na naman.
" Ang sama niyo talaga sa'kin ! " Pag mamaktol na singhal ni Dark sa kanila pag pasok ko sa bahay.
" Eric pre ! Tara dito , tikman mo ung niluto ko. Mga walang utang na loob 'tong mga 'to , e. " Sabi ni Dark sabay dala sa'kin ng luto niya.
" Dark, mahal pa namin si Eric — "
" Manahimik ka , kyle ! " Pagpuputol ni Dark sa sasabihin ni kyle.
" Ano bang niluto mo ? " Tanong ko kay Dark nang makarating siya sa'kin.
" Adobo, pre eto oh. " Sabi niya sabay bigay sa'kin ng mangkok.
Tinikman ko iyon at napapikit.
" Oh ! Tignan niyo ! Napapikit si Eric kase ang sarap ng luto ko, mga kupal kase kayo — "
" Napapikit siya sa alat Dark , hindi sa sarap. " Natatawang sabi ni thomas.
Takte ang alat nga.
" Nasobrahan mo ata sa toyo , Dark. Pero masarap naman siya kahit papaano. " Sabi ko at ibinigay sa kanya ung lagayan.
" Sabi sa'yo , e! " Sabi ni Thomas at sabay silang tumawa ni kyle.
" Tsk , mga siraulo ! 'Wag na 'wag na kayong makikikain sa bahay ko , ah! " Sabi ni Dark at tumawa na rin.
~~
" EMMANUEL!!!! " Napalingon ako sa aking likod ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.Nang makita kung sino iyon ay napailing ako.
" Anong kailangan mo , Issa ? " Tanong ko sa kanya ng makarating siya sa puwesto ko.
" Sabay tayong pumasok bukas ah! First day mo 'yon at tutal bago ka palang dito, dapat sabay tayo para mapakita ko sa kanilang lahat na may pinsan akong pogi ! " Nakangiting sambit ni Issa , napailing na lang ako.
" Kailangan ba 'yon ? " Takang tanong ko.
" Nako , kailangan 'yon ! Sigurado akong magkakandarapa lahat ng babae sa CCS bukas kapag nakita ka!" Sabi niya at pumalakpak, siraulo 'to.
Ngayon palang naaawa na ako sa mga babaeng iyon. Bakit ? Kase katulad nila, lalaki rin ang gusto ko.
" Issa , alam mo naman na — "
" Bakla ka ? Oo naman dati pa! Kaya nga naeexcite akong makita silang magkandarapa sayo , without knowing na boylet rin gusto mo! " Sabi niya sabay halakpak ng tawa.
" Ewan ko sayo. " Sabi ko at pumasok na sa loob ng bahay.
This school year dito sa Celendrine Castle School ako mag aaral, nan dito kase ngayon sa lugar na ito ung bagong business nila daddy and mommy. Kaya sa CCS nila ako inenroll , but they assured me naman na maganda ang turo dito kase dito rin nag-aral si mommy.
Ung una ay ayaw ko dahil maiiwanan ko ung nga friends ko in manila and hindi ako sanay na sa province mag aral, but wala rin akong nagawa dahil iyon ang gusto nila.
YOU ARE READING
The Red String
Romance" Kung mahal nila ang isa't-isa, kahit kamatayan ay hindi sila mapipigilan. " " Kahit sa kabilang buhay ay hahanapin kita. " " Ikaw parin ang pipiliin at mamahalin ko, tandaan mo 'yan. " Started: July 10, 2022