1

44 1 0
                                    

True Ghost Stories

Grade 2 ako nang lumipat kami sa bago naming bahay. Sa likod lang yun ng dati naming bahay na may kaliitan. 

Dahil sa apat kaming magkakapatid, naisip ng tatay ko na magiging masikip ang bahay na iyon kapag lumaki na kami.  

Naaalala ko pa noon na walang tumatagal ng grupo ng karpentero sa pinapagawang bahay ng tatay ko. Yung iba, nagkakasakit, yung iba, naaksidente, yung iba, sinasabi nila na may bantay yung lugar.

Isang nakaputing babae ang nakikita nila gabi gabi. Parang ayaw ipatapos ang bahay. Galit siya.

Buti na lang, nacontact ng nanay ko yung tito niya na engineer at nagpadala ng mga tao nya upang tapusin ang bahay.

Tinanong ng tito ng nanay ko kung nag atang kami ng puting kambing bago ilagay ang pundasyon.

Nakalimutan nila tatay na magkatay ng puting kambing. Nagmadali silang maghanap nito at di naman sila nabigo.

Noong araw din na yun, nakabili sila ng kambing. Kinatay nila yun, kinalat ang dugo sa paligid ng ginagawang bahay at ung katawan, ibinaon malapit s pundasyon. Nagdasal dn kmi bago nila ituloy ang construction.

Naging maayos at tuloy tuloy ang paggawa. Pero, isa sa mga karpentero ang madalas pa rin pg pakitaan ng babae.

Hindi na daw siya galit. Binabantayan lang niya ang lugar. 

May third eye pala ung isang karpentero. Lagi niya nakakausap ung babae. Nilibing daw siya doon s gilid ng ginagawang bahay. Hindi ako naniwala.

Akala ko, tinatakot niya lang ako para hindi na ako maglaro s ginagawang bahay. Sabi ko sa kanya, pano siya nakakakita ng multo, e bulag ang isang mata niya?

May kasungitan ang karpentero na yun. May katandaan na kasi. Nakita ko siyang lasing. Kinulit ko siya. Sabi ko, gusto ko din makita yung babae. Hindi daw pwede. Bata pa ako. Sabi ko, kaya ko na. Tinitigan niya ako. Matagal. Kasing kulit ko daw yung apo niya na namatay.

Maya maya, tinanong niya ako, kaya ko na daw ba talaga? Sabi ko kaya ko na. Tinitigan niya ako. Mga 5 minutes. Tahimik. Parang nawala lahat ng tao sa paligid. Parang kaming dalawa lang. Para akong nahi-hypnotyze.

Bigla nya akong ginulat! Ibang iba ang mukha nya. Sobrang pangit. Pero hindi ko alam kung bakit walang epekto sa akin. Hindi ako natakot.

Sabi niya, siguro nga ay kaya ko. Tinakpan niya ang mata ko. Sakop ng kamay niya hanggang noo ko. May ibinubulong siya. Hindi ko maintindihan.

Umiinit ang mga mata at noo ko. Sobrang init. Parang nasusunog. May kakaiba sa pakiramdam ko. Gumagaan. Para akong nakalutang s tubig. Malakas ang hangin.

Pag gising ko, nasa kuwarto na ako. Hinatid daw ako nung karpentero. May lagnat daw ako. Pero ok na ok naman ako pag gising ko.

After 3 days pa bago ko ulit kinulit yung matanda. At may kasama siyang babae. Tahimik lang ito. Laging nakamasid. Akala ko asawa niya. Nagkamali ako.

Kami lang ang nakakakita sa babae. Oo, siya ang bantay. Binuksan ng matandang karpentero ang third eye ko.

Hindi naman pala nakakatakot ang mga multo o ispiritu. Mababait sila kung wala kang masamang intensiyon.

Naging mabait na sa akin ang matanda. Parang nagkaroon kami ng kuneksyon sa isa't isa. Yung babae, nandoon pa rin.

Nagulat ako isang araw. Lumapit sa akin ang babae at may gustong ipahiwatig. Itinuro nya ang isang puno malapit s huhukaying poso negro. Hindi ko siya maintindihan. Lumungkot ang mukha niya. Dumating ang matanda. Sabi niya, siguro daw ay iyon ang libingan niya. 

Sinabi ko iyon sa mga magulang ko. Hindi sila naniwala. Nag alay nalang ako ng kandila at humingi ng pahintulot na mahukayan ang parte ng ng lupa na iyon. Hindi ko na nakita ang babae mula noon.

Nagsimula silang maghukay s may puno. Nagulat sila nang may tinamaan silang bakal. Naghukay sila hanggang makuha ang bagay na tinamaan.

Baul. Nagulat sila ng buksan nila ito. Kalansay ang tumambad sa kanila, at ang damit, kagayang kagaya ng damit nung babaeng bantay. Siya na siguro yun. Nag alay ng misa ang mga magulang ko para sa kalansay. Inilipat nila ang baul sa ibang parte ng lupa namin. Sa hindi siya magugulo. 

Natapos ang bahay nang walang aberya. Nakalipat kami. Ok ang lahat.

Makalipas ang ilang linggo, bumalik sa bahay ang matandang karpentero. May kakaiba. Hindi siya nagsasalita at parang ako lang ang pumapansin sa kanya. Nakangiti lang siya.

Tinanong ko sa nanay ko kung bakit hindi siya nag hahanda ng miryenda para sa bisita. Tinanong niya ako kung sinong bisita. Sabi ko yung matandang karpentero. Tumahimik siya at nang hilakbot. Kitang kita ko ang takot sa mukha niya.

Kakatawag lang daw ng tito nya. Ibinalita na patay na ung kaibigan kong karpentero.

Tumakbo ako palabas para tignan siya. Wala na siya. Pero amoy na amoy ko parin ang pomada na lagi nyang nilalagay s buhok niya.

Naaksidente siya sa daan habang pauwi ng bahay nila. Di ako makapaniwala. Kitang kita ko siya. Naalala ko ang third eye ko.

Napanaginipan ko siya isang gabi. Sabi niya, di pa masyadong bukas ang mata ko. Nasa sa akin daw iyon kung gusto kong tuluyan itong buksan o isasara ko ulit. 

Walang grills ang bintana ng bahay namin. Bukas na bukas ang bintana ng kwarto ko pag natutulog ako sa gabi. Isang floor lang ang bahay namin. Kataka takang wala pumapasok na magnanakaw gayong napakadali nitong pasukin.

Ang sabi ng mga tao na nakatira sa labas ng compound namin, may nakikita ang ilang dumadaan doon. Babaeng nakaputi at nkatayo s tuktok ng bubungan namin.

Kahit tricycle eh ayaw nang pumasok sa compound namin. Kasi may nagpapakita daw sa may main entrance. Kaya siguro walang nangangahas pumasok s lugar namin pg dis-oras na ng gabi. 

Hindi ko na na enhance ang third eye ko. Hindi ko na din naman ito maisara dahil nga namatay yung matandang karpentero na walang naituro sa akin na kahit n ano.

Hinayaan ko nalang. Hindi naman ako madalas makakita ng multo o ibang entity dahil nga half cook ang nabuksan kong mata.

Nakikita ko lang sila kung medyo malakas ang energy nila or ang energy ko. Ewan ko. Mahirap i-explain. 

Sa edad ko, parang ntutunan ko nalang na mamuhay kasama ang third eye kong hilaw. 

Di naman nakakabaliw tulad ng mga nakikita ko sa tv kasi hindi KSP ang mga multo sa tunay na buhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AstigmatismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon