* SHARA'S POV *
" gising na ba siya ? " parang may nag-uusap sa paligid ko na narinig ko at te-teka parang boses ni ate Mizy yun aa
" di pa Girl , katatapos lang din namin gawin dyosa ang dalagang ito , girl di ka nag kamali akala ko nung una nag kamali ka or bumaba na ang taste mo pag dating sa kagandahan " narinig kong sabi nung bakla di ko maintindihan kung nanaginip ba ako or totoo ang naririnig ko ee
" sus bakla ako pa ba ang baba ang taste ? no , no, no .... malabo mang yare yun , una pa lang kita ko sakanya alam ko siya na ang perpektong piliin bilang bagong A5 model " kung di ako nag kakamali boses yun ni ate Mizy parang siya talaga
" korek ka diyan girl, itong batang ito ang perfect definition ng maganda "
ay teka maalala ko di ba nakidnap ako kaya naman napa dilat ako agad at tumayo agad ako sa pag kakaupo ko
" a-ate Mi-mizy ? nasaan po ako ? niligtas niyo ba ko mula sa kamay ng mga kidnapers ?" tanong ko habang nakatalikod pa si ate Mizy kaya naman humarap siya saakin tapos tiningnan ako mula ulo hanggang paa
" oh my dear twin sister gising ka na pala , wag ka na maraming tanong , halika dito " nakangiteng sabi ni ate Mizy kaya naman lumapit ako at hinarap niya ako sa sala————-
O__________________O
salamin , ? teka ako ba to ? parang di ako , nakasuot ako ng ball gown na kulay royal blue , kita ang likod ko at hubog na hubog ang katawan ko ? tube siya at napaka laking pete coat ang lay-layan eto ba ang tinatawag na ball gown , pero teka ako ba talaga to ... pero teka
" pa-paano ng ya-yare to ? ate Mizy diba po na kidnap ako ? " naguguluhan tanong ko tapos ngumite si ate Mizy
" my dear sister ako lang naman ang napaka ganda mong kidnaper , sa palagay mo papayag ba naman ako na di ka makasama sa Christmas ball " nakangiteng sabi ni ate Mizy pero teka
" hala Ate Mizy paano si MAma , baka nag-aalala na yun inutusan po niya akong mag grocery " nag-aalalang tanung ko
" wag ka mag-aalala , alam ng mama mo to sa katunayan kasabwat ko siya , kaya ka inutusan mamili para makidnap kita at madala kita dito , at pinatulog ka na lang namin dahil alam naming di ka papayag kaya lahat ay planado " shit ano daw ? so ibig sabihin makakaatend ako sa Christmas ball di ko mapigilan ang di maluha
" oi , twin sister wag kang iiyak , masisira ang make up mo dapat mag smile ka kasi sobrang ganda mo parang isang ligo na lang kapantay mo na ako " natawa naman ako kaya di ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na agad si Ate Mizy
"ate salamat , po sobrang saya ko , di niyo po alam kung gaano ako kasaya " yakap ko kay Ate Mizy habang pinipigilan ko ang wag ako maiyak
BINABASA MO ANG
My first Love and Last ( awesomely completed )
General Fictionnaniniwala ka ba sa FIRST LOVE NEVER DIES ?? if yes ? you must read this story ^___^