Prolouge:

6 2 0
                                    

Naglalakad ako papuntang silid-aralan ng narinig ko ang aking pangalan, "Charles! Halika muna dito at tulungan mo ako" Rinig kong wika ni Gurong Aliana. Isang taon na din nung nagsimula siyang magturo dito sa paaralan namin, At aaminin ko...may kagandahan itong si gurong Aliana.

Pero aaminin ko sainyo, Hindi ko siya gusto. Hindi kagaya ng ibang estudyante dito sa paaralan na kulang nalang ay hubaran nila si gurong Aliana. Manyak? Oo...siguro.

"Po? Ano po'ng maitutulong ko?" Tanong ko habang ibinaba ang aking dalang libro. "Eh kasi, Di ko kasi kayang buhatin ang mga pasong ito. Ilalagay ko sana sa hardin ito para lalo pa'ng maalagaan kaya, Pwede mo ba akong tulungan?" Mahinahong ani niya habang itinuturo ang mga pasong may lamang halaman.

"Ah sige po, Pwede ko po--" Naputol ang aking sasabihin ng may biglang nagsalita. "Ah! Gurong Aliana, Kami na lang po ang tutulong sainyo. Sapagkat may gagawin pa itong si Charles sa silid-aralan" Wika ni Jack habang inakbayan naman ako ng kasama niyang si--Kyle.

Mukhang alam ko na kung saan papunta ito, Tutulungan nila si gurong Aliana para mabosohan nila ito. Mga manyak talaga.

"A-ah. Ganun ba Charles?" Nauutal na tanong ni gurong Aliana, Siguro ay nagulat ito. "Pero--" Natigilan ako ng biglang takpan ni Kyle ang bibig ko. "Opo, May gagawin siya kasama si Ana para sa paparating na paligsahan" Sabat neto, Kinagat ko naman ang kamay niya na nakatakip pa din sa bibig ko.

"Aray!!!" Sigaw niya at hinawakan ang kamay niya. "Put--" magmumura sana ito ng bigla niyang nakita si gurong Aliana sa gilid. Yan...bagay yan sayo.

Tinalikuran ko na sila at pinulot ang mga libro kong dala na nakalatag sa sahig. Pagkatapos noon ay nagsimula na akong maglakad papuntang silid-aralana, "Charles!" Rinig kong sigaw nila. Pero di ko na sila pinansin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na pinagtuunan ng pansin ang pagtawag nila sa pangalan ko. Alam ko na ang patutunguhan neto....at hindi ko nagustuhan ang katapusan neto.

"Agh!"

Natigil ang aking paglalakad ng marinig ko ang sigaw na iyon, Tumingin ako sa harapan ko at doon tumambad saakin ang isang lalaking nabangga ko. Hala!!

"Ah?! Pasensya ka na, Hindi ko iyon sinasadya!" Natatarantang ani ko habang tiningnan ko ang kanyang mukha kung may pasa ba siya o wala. "It's...okay. I can handle it, I'm fine" Ani neto at kaagad ng tumayo.

"Sigurado ka ba? Baka mamay--"

"Goddamn it! I told you I was fine!" Sigaw neto na nagpatigil saakin, Sira ba siya?!!

"Mister....kung sino ka man, Nagtatanong ako ng maayos kaya sagutin mo din ako ng maayos. Hindi yung sisigaw ka. Mali yun, hindi ka ba tinuruan ng tamang asal ng mga magulang mo?!" Medyo sigaw kong wika.

"You...you don't have to interfer with my business here." Malamig niyang ani at tsaka na umalis.

"Napaka sungit, Siguradong hindi tinuruan ng tamang asal" Bulong ko at tsaka naglakad papuntang silid-aralan. Ulit.

****

"Mi Tesoro"Where stories live. Discover now