𝗣𝗥𝗢𝗟𝗢𝗚𝗨𝗘

20 1 0
                                    

•Athanasia Chantrea POV•

Pagkatapos namin kumain ay lumabas muna ako para mag-pahangin at nakikinig sa mga huni ng mga ibon, sa gubat kase ang bahay namin Sabi kase nila Daddy at mommy para daw malayo sa mga tao at gulo na rin, kase alam nyo na bampira kami kaya kailangan pa rin namin lumayo sa mga tao dahil kahit sabihin na natin na hindi kami umiinom ng dugo ng Tao ay may posibilidad pa rin na matakam kami sa mga dugo nila kase sabi ng ibang bampira ay masarap daw ang dugo ng mga Tao kaya minsan natatakam ako, may nakahalubilo na nga ako noon na Tao eh at na amoy ko yung dugo nya na mukhang masarap pero pinigilan ko para din sa katahimikan na nais namin at ngayon mag-aaral ako kung saan maraming Tao na maaari kong makahalubilo *hooo* ano Kaya ang mangyayari sa akin dun sana makapag-tapos ako dun na maayos at walang problema.

"Hoy" nabalik naman ako sa ulirat ng ginulat ako ni Ron, actually panganay sya kaysa sa akin pero hindi ko sya tinatawag na kuya dahil ayaw ko lang hehehe.

Sinamaan ko naman sya ng tingin "bakit Ka ba nanggugulat?" Inis na sabi ko.

Tinaas nya naman ang dalawa nyang kamay na parang sumusuko "uyyy easy, ang init agad ng ulo mo ah" inirapan ko lang ito at hindi pinansin, kung hindi ko lang talaga ito kapatin sinipsip ko na dugo nya tsk.

Lumapit naman sya sa akin at inakbayan ako "snobber ka ah, iniisip mo ba kung anong magiging buhay mo pag naka-pasok Ka na sa M.U(Montero University)?" Hayyyst binasa nya na naman yata ang isip ko, actually parehas kami na nakakabasa ng isip pero hindi ko lang mabasa ang isip nya dahil pag mag-kausap kami o mag-kasama tinatakpan nya ang iniisip nya kase kaya nya yun kaya ko din naman na hindi ipakita sa kanya ang iniisip ko pero huli na kase hindi ko agad sya napansin.

"Binasa mo na naman ang iniisip ko" inis na sabi ko sa kanya.

"Sorry naman, kasalanan ko ba na mabilis lang talaga ako makabasa ng iniisip mo" bahagya pa syang natawa, tsk kahit kailan talaga hilig nya akong inisin.

"Tsk" singhal ko sa kanya at tumingin sa mga ulap na natatakpan ng mga malalaking puno "Ron, sa tingin mo ano kaya ang mangyayari sa atin sa eskwelahan ng mga tao" nasambit ko na lang at tumingin sa kanya ganun din sya sa akin.

Ngumiti sya ng pilit "wag mo nang isipin yun, alam kong magiging ayos din ang lahat" Sabi nya nginitian ko lang sya kahit naman medyo loko-loko ito maayos pa din ito kausap minsan nga lang.

"Ano kayang pakiramdam ng buhay na isa kang tao?" Mahinang sabi ko pero alam ko na narinig nya yun kase isa sa kakayahan namin na bampira ang malakas ang pandinig.

Lumapit pa sya lalo sa akin at hinawakan ang mga kamay ko "Hindi natin kailangan mabuhay bilang isang tao, thasia alam kong mahirap para sayo ang pagiging bampira pero kailangan mo tanggapin dahil yan ang totoong ikaw." Seryosong sabi nya at huminga ng malalim bago mag patuloy sa pag sasalita. "Ano naman kung hindi tayo Tao ang mahalaga masaya tayo dahil buo ang pamilya natin at wala tayong sinasaktan na mortal" At ngumiti sya sa akin.

Nginitian ko din sya pabalik at sumandal sa balikat nya "Tama ka, dapat masaya ako kung anong meron ako at kayo yun" Tama naman talaga sya eh hindi ko kailangan pangarapin na maging tao at kung ano ako ay dapat maging masaya ako kase alam ko na nandyan sila para sa akin.

"Hahaha nagiging ma-drama na tuloy tayo dito" natatawang sabi nya Kaya natawa na din ako "sige na, magpapahinga na ako Thasia at aayusin ko na rin ang mga kailangan ko dalhin bukas para sa pag pasok" tumango lang ako sa kanya, at sya naman ay nawala bigla sa harapan ko hayyyst yung lalaki talaga na yun.

Nakaramdam naman ako bigla ng gutom kaya naisipan ko na mag-hanap muna ng hayop na makakain ko. Kaya tumakbo na ako ng mabilis at tumalon sa mga puno.
______________________
Habang naghahanap ako ng pagkain ay may nakita naman ako na isang usa at pupuntahan ko na sana yun para kainin ang dugo nya ng may maamoy ako na dugo na parang masarap, Kaya sinundan ko kung saan nanggagaling ang amoy na yun nung naka-punta na ako kung saan yun ay may nakita naman akong isang lalaki na naka hoodie kaya hindi ko makita ang mukha nya pero hindi ko yun pinansin at hinanap pa rin ang amoy.

Napalingon naman ulit ako sa lalaki na hindi kalayuan na naka-upo na ngayon sa baba ng isang mataas na puno dahil parang sa kanya nanggagaling ang amoy na masarap na dugo na yun.

Natatakam tuloy ako pero kailangan ko pigilan dahil baka masaktan ko pa sya, okay sana kung hayop eh kaso Tao naman.

Tinitigan ko lang ang lalaki na hindi kalayuan habang nandito ako sa mataas na puno. May nakita naman ako na lalaking naka-itim at kinausap nya ang lalaki nakita ko naman na tumango ang lalaki at naglakad na sila paalis.

Kaya umalis na din ako at bumalik na lang sa mansyon namin dito sa gubat dahil parang nawala na ang gutom ko nung maamoy ko lang ang dugo ng lalaking yun na parang amoy pa lang matatakam Ka na hehehe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm inlove with that goddess Vampire (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon