CHAPTER 1

13 1 28
                                        

KAIZER YVO


"Good morning, Grade 4 - Gabriela Silang!"

Masiglang bati sa amin ni titser. "Class, may bago tayong friends!"

"YAY!" sigaw ng buong klase.

I stared at the door and sighed. Sobrang dami at siksikan na rito sa room, may idadagdag pa?

"Please, come in!" the teacher said.

My eyes followed the two girls walking towards Mam Rona.

"Hi! I'm Tracy Courtney Roxas, nice to meet you po!" the shorter girl greeted.

"And I'm Avriah Allison de Guzman," sabi ng kasama niya habang nakangiti, yet she still looked...gloomy.

Tracy and Avriah, huh?

"Class! Dapat maging friends kayo sa kanila ah."

"Yes, mam!" we all said.

Napatingin ako sa magkabilang upuan sa tabi ko. Lagot, may bakante dito! I want this space to myself, I've no time for sharing!

Please, 'wag dito.

"Okay, you two can seat beside Kaizer."

Napapadyak ako sa sahig. Ano ba 'yan, ang malas ko naman.

My eyes followed them as they walk closer to me. Now that I've seen their faces clearly, they look so...familiar.

Napakunot ang noo ko. Hmm, saan ko nga ba ulit sila nakita?

"Are you okay with that, Kaizer?" said Mam. Nagulat ako sa kanya kaya't mabilis akong napatango, kahit na hindi ko masyadong naintindihan.

Hindi ko namalayang nakaupo na pala sila. Napatingin ako sa kanilang dalawa, napapalagitnaan nila ako.

Napatingin rin sila sa 'kin.

Hala, anong gagawin ko? Should I smile or tingnan ko lang rin sila?!

Tiningnan ko rin sila pabalik, habang ako'y hiyang-hiya na.

Matapos ang ilang second, ibinalik ko na ang atensyon ko kay titser.

"Okay class, tayo na muna tayo para sa morning prayer. Avriah, ikaw ang mag-lead at mamaya naman sa closing prayer si Tracy! Maging kumportable kayo sa mga kaklase niyo, uy!" Mam Rona said.

We all stared at Avriah. Napansin ko ang hiya sa mukha niya.

Nakarinig rin ako ng mahinang tawa sa aking kanan. Napalingon ako at nakita si Tracy na nagpipigil ng tawa.

After a few minutes, natapos na rin ang morning prayer.

"Alright, review muna tayo ng ating previous lesson before proceeding, para naman may idea 'yong dalawa."

"Okay po, mam!"

***

"Kain na class!" Mam Rona said happily.

The whole class cheered.

Finally! Kanina pa ako gutom na gutom at baka makain ko na ang notebooks ko.

Yumuko ako para abutin ang aking bag. I opened my bag and quickly grabbed my lunchbox. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang bacon at itlog. Tumingin ulit ako sa bag ko, then I saw a pack of Ferrero-my favorite!

Inuna ko ang laman ng lunchbox ko, I'll really never get tired of tita's cooking.

"Anong ulam mo?" I heard a girl's voice.

What the Future HoldsWhere stories live. Discover now