Bubbletea
"Yung usual." Sabi niya sakin sabay ngiti. Napangiti naman ako balik. Sino bang 'di mapapangiti sa isang mala-anghel na lalake.
"Okay po, Sir." At ginawa ko na ang order niya. Special 'to kasi ako mismo ang gagawa at ang recipe-ing ito ay available lang para sa kanya.
"Diba sabi kong Sehun na lang? Ilang beses ko ba yang uulit-ulitin para pumasok sa kokote mo, Jake?" Sabi niya kaya napatingin ako bigla sa kanya.
"Costumer ka parin dito kaya dapat ka naming respetuhin" Sagot ko.
"Matagal na kaya tayong magkakilala. Magkaibigan na tayo. Sehun na lang kasi!" Papupumilit niya.
"Okay po, Sir Sehun." Sinunod ko na lang sinabi niya. Suko na ako sa kakulitan niya eh.
"Aish. May 'sir' pari-" Hindi ko na pinagpatuloy ang sasabihin niya dahil tapos ko nang gawin ang order niya. Ang "Bubbletea with Jake's Love for Sehun". Pero syempre 'di ko sinabing yun tawag ko dun.
"Yan na yung 'usual' mo, Sir. Enjoy." Sabi ko sabay bigay ng order niya.
"Hehe the best ka talaga, Jake! Sige, sa susunod ulit ah?" At umalis na rin siya.
Si Sehun. Oh Sehun. Maknae ng EXO. Regular costumer ko dito sa bubbletea shop ko. Ang mahal ko. Matagal na.
-Few days after-
Nandito ako ngayon sa staff room, nagb-break.
"Wala pa si Sehun ah? Ang boring naman." Sabi ko sa sarili. Hindi pa kasi siya nagpapakita. Usually, bago ako magbreak, nago-order na siya ng "Bubbletea with Jake's Love for Sehun".
"Jake! Yung 'usual' daw!" Sigaw galing sa counter.
Nandito na siya.
"Welcome po, Sir. Yung usual, coming right up." Sabi ko sabay kindat.
Nagulat ako sa ginawa ko. Hindi ko akalaing magagawa ko yun sa harap niya. Pero ang mas kinagulat ko ay ang pag-iba ng kulay ng mukha niya. Mula sa puti ay naging matingkad na pula. Mas pula pa nga ata siya sa kamatis eh.
Ginawa ko ang order niya na naiilang. Hindi ko maintindihan sarili ko ba't nagawa ko yun at hindi ko rin maintindihan kung ba't yun ang naging reaksyon niya.
Napabuntong-hininga na lang ako at nilapag na ang order ni Sehun sa counter. "I-Ito na ang order mo."
"S-s-salam-mat." Sagot niya. Ba't ba kasi siya nautal? Mas kinakabahan tuloy ako. Iniisip ko kung epekto ba 'to ng pagkindat ko kanina. Nakakahiya.
"Uy, Jake. Ito ba si Sehun?" Tanong ng katrabaho ko. Close kami nitong si Kuya. Nagr-rant ako paminsan sa kanya. Para ko talaga siyang kuya.
"O-opo." Sagot ko.
"Kung siya si Sehun, edi yan ang 'Bubbletea with Jake's Love for Sehun'? Sayang. Gusto ko rin yan tikman kaso nga lang, exclusive lang sa kanya yan diba?" Sabi ni Kuya na parang wala lang sa kanya ang pinagsasasabi niya.
Biglang kumaripas ng takbo palabas si Sehun habang ako naman ay pulang-pula ang mukha at nakanganga. Hindi ako makapaniwala na malalaman ni Sehun na mahal ko siya at sa ibang tao pa niya narinig. Wala nga akong planong sabihin sa kanya pero ang planong yun ay sinira lang ng bwisit kong Kuya.
"K-K-K-Kuya naman eh!!!!" Bulyaw ko kay Kuya at pinagsususuntok siya.
"Ano bang ginawa ko? Aray!" Tanong niya habang sinusubukang ilagan ang mga suntok ko.
"Ngayon, alam na niyang mahal ko siya! Ngayon, hindi na siya pupunta dito! Ngayon, ayaw na niyang makipagkita sakin! Ngayon, hindi ko na siya makikita kahit kailan! Kasalanan mong lahat, Kuya!!" Sabi ko na umiiyak na. Hindi ko kaya. Hindi ko na maabot si Sehun. Hindi na.
"Wag ka nang umiyak. Hinding-hindi mangyayari yun." Rinig kong nagsalita kaya nilingon ko kung sino man ito.
At nakita ko si Sehun na may kasamang 11 pa na lalake. Ang buong EXO.
Lumapit siya sa akin at pinahid ang mga luha ko.
"Kinuha ko lang sila, inisip mo nang iniwan na kita. Hindi pa nga tayo, nag-iisip ka nang iiwanan kita. Napaka-cute mo talaga." At kinurot niya pisngi ko.
"B-Bakit ba sila nandito?" Tanong ko sa kanya.
Ningitian niya lang ako bilang sagot at kinuha ang atensyon ng mga kamiyembro niya.
"Guys.." Inakbayan niya ako. "..meet Jake, ang matagal ko nang sinasabi sa inyo. Ang matagal ko nang kinababaliwan. Ang matagal ko nang mahal at ang liligawan ko."
P.S. babae si Jake
-The End-
HappyTriFriends: Yuki