Chapter 1

10 2 0
                                    

Nandito kami ni celia sa science class, napaka boring ng klase, "Celia ang tagala ng klase gusto ko ng gumala'' sambit ko sakanya, "hintayin mo na lamang atsaka malapit na rin naman ito matapos"

Hanggang sa natapos na ang klase, pupuntahan ko na sana si kael ngunit nagkaklase pa sila, hinintay ko nalang sya matapos, ilang sandali lamang ay lumapit sakin si devin "o ysa bat ka nagiisa?" Sabi nya sakin na para bang akoy kanyang inaasar, "hinihintay ko lamang si kael at jay"

Nagulat ako ng biglang tumakbo si celia palapit saakin, tinanong ko siya kung bakit sya tumatakbo at hinihingal
"O celia bakit kaba tumatakbo baka ika'y madapa" umupo sya sa tabi ko at niyakap ako at sinabi na "ysa, tulungan mo ako, muntik na akong gahasain nila kenzo'' sabi nya sakin habang umiiyak

Wala talagang pinipiling tao si kenzo lahat ng gusto nya kailangan sundin, sya ang pinaka delikadong estudyante dito sa campus namin.

Pagkatapos ng klase nila kael ay dumiretsiyo kami sa bahay nila Celia
Pagod at traumatized siya sa nangyari hindi din ito makapagsalita "celia iwan na muna kita ha" hindi sya nag salita at pumunta nalang ako sa baba nila upang kausapin ang nanay ni celia
"Tita pakainin nyo po si celia ha, painumin nyo rin po ng gamot pampakalma" sumang-ayon naman ito at umuwi na kami ni kael

Pagkauwi ko sa unit namin ni kael ay biglang tumunog ang aking cellphone, nagtext saakin si kenzo, gusto nyang makipagkita saakin, pero alam kong ma gagawing masama itong masama saakin, kaya nagreply ako na bawal ako lumabas dahil gabi na, pumayag naman siya pero binantaan nya ako na huwag akong magpapakita sakanita bukas, hindi naman ako takot sakanita dahil kaya ko naman syang labanan, natulog nalang ako upang magising ako ng maaga.

*****************************************
Ang istoryang ito ay gawa ni binibining Giselle.

Status: SuicidalWhere stories live. Discover now