MEE
Goodmorning guys!! Magkakaroon tayo ng GEB sa sat. Mag aambagan na lang tayo sa food and drinks okay? See you all guys .Sana lahat kayo makapunta :)
Godbless.GM
----------------------------
Nag text yung founder namin na magkakaroon kami ng Geb. Syempre ako excited marami kang makikilala. Lalo akong na excite dahil magkikita na kami ni Trix for the first time :)
Tinext ko si trix.
Lexie
Goodmorning Trix :))
Trixie
Goodmorning din Lex :))
ang aga mo yata ngayon ah.Lexie
Oo nga eh nagising kasi ko sa text ni founder . Eh ikaw?
Trixie
Ah kasi nagpractice akong mag luto .
Pupunta ka ng Eb?Lexie
Yup! Ako pa di ko pinapalagpas yung mga ganyang bagay.eh ikaw?
Trixie
Hindi ko sigurado eh .
Lexie
Ay ganun ba? :(
Trixie
Haha uy im just kidding. Pupunta po ako. Syempre para ma meet na kita.
Ayaw mo ba?Lexie
Ikaw tlga ! ;) syempre gusto.
Trixie
Haha . Nako crush mo siguro ko noh?
Lexie
Amm di noh. Hmp!
Trixie
Sus . In denial. Halata naman . :)))
Lexie
Ewan ko sayo!
Trixie
Joke lang . Nako napaka pikon. Mua
Breakfast na tayo ;))Lexie
Mabuti pa nga. :)
--------------------
Bwisit talaga yung babaeng yun .
Pero bigla akong kinabahan at bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit ?! Excited lang ba aq na makita siya kaya ganito?oh! Ganito ba ang feeling ng in love ka na sa isang tao?! . Natanong ko sa sarili ko.
Hay!!!!!! Nababaliw na koo.........
Oo alam ko gusto ko siya pero bakit ganito hinahanap hanap ko na siya at hindi na siya mawala sa isip ko. :/--------------------
ECHOUZ CLAN GRAND EYEBALL..
This is it . Makikita nanamin ang isat isa.
Naunang dumating si Mee syempre founder eh. At sumunod na rin na nagsi datingan yung ibang member namin.
Ang dami na pala namin .Pero teka hindi ko pa siya nakita . Siguro late lang. Hmm nakipag bonding muna ko sa ibang member kaya di ko namalayan yung oras . Pero wala parin siya.
Patapos na ang kainan at magsisimula na ang inuman pero wala pa rin siya. Ilang beses kong tinext at tinawagan pero walang sumasagot.
Mukang hindi na rin siya makakahabol dito.Nilapitan ako ni Mee.
" boi mukang malungkot ka . Tara dito shot nalang tayo.
Sabagay kesa mag mukmok ako dito.
Nakipag inuman nalang ako.
" KAMPAY!!!!!Anong oras na umiinum parin ako kasama sila.
Lasing na ata ko wiw.
' uy Lex okay ka lang . Tanong ni Mee
'Okay lang ako noh! Ako pa. Tagay pa .
' sus ikaw pa Lex kilala kita okay lang yan :) sa bahay ka na matulog ah.
' sure . Ikaw pa .Hindi ko na kinaya at ......
ZzzzzzzzzZzzZzZ..
Knock down...------------------------------
Trixie
Paalis na sana ako ng bahay para pumunta sa Eb namin kaso bigla bigala akong hinila ni Dave may surprise daw siya.
Lintik nayan! Hindi ko na kuha yung phone ko . Tsk! Lagot. Ng promise pa naman ako kay Lexie.
Hindi naman ako makatanggi kay Dave nakakahiya. Lagot talaga ko. Bahala na siguro hahabol na lang ako .Nagulat ako sa surprise ni Dave. Dinner sa isang kalesa at punong puno ng bulaklak. Grabe daig ko pa ang kalesa na sinakyan ni Cinderela. Napaka ganda at habang ng lalakad kami ni Dave eh may mga tumutugtog ng On this Day! Akala mo ikakasal na ko. Pero napaka ganda. :)
Nagulat ako hindi ko inaasan to akala ko simpleng dinner lang .
Dave sobrang salamat sa effort na ginawa mo. pero bakit ang bait bait mo sakin? .
DAVE
Trix gusto ko kasing mapasaya ka. Gusto ko ako ang nasa tabi mo kapag kailangan mo ng makakausap ng matatakbuhan kapag may problema ka.
Gusto ko lahat ng yun .Lahat ng di na nagawa ni Jayson. Ayokong maging bestfriend mo lang. Sana sagutin mo na ko Trix. Mahal kita noon pa.TRIXIE
Dave , alam mo naman yung isasagot ko sayo. Mahal kita bilang Bestfriend ko. At ayokong masayang yung pagkakaibigan natin.
DAVE
Mahal mo pa rin ba si Jayson?
O may gusto kang iba?
Anu bang meron sila na wala ako?
Hindi ba ko karapatdapat sayo? Alam mo bang
Mahal na kita bago mo pa makilala si Jayson?! Nung nalaman ko na nililigawan kana niya ,pinigilan ko na yung nararamdaman ko dahil nakita ko na masaya ka sakanya at masaya na rin ako kapag nakikita kitang masaya.
Kaya nung nawala na siya , sinabi ko sa sarili ko ito na ang Chance ko para ligawan ka! Pls Trix let me love you!!!TRIXIE
Wala namang mali sayo ,Yung taong minamahal mo yun ang mali. Si Jayson ay parte na ng buhay ko at hindi siya mawawala sa puso ko. Dave napakabait mong tao at may mas deserve sayo na mamahalin ka tulad ng pagmamahal mo. Sorryy ayokong saktan ka pero ito ang totoo. Salamat sa mga tulong na ginwa mo para sa akin.
Dave
Hay alam ko naman talaga na hindi mo ko kayang mahalin. Pero kahit busted aq sayo eh ! Nandito pa rin ako ,maghihintay para sayo kahit turing mo lang sakin eh! Bestfriend mo lang.
TRIXIE
Im so sorry Dave. :(
DAVE
okay lang. Dont worry ! Hindi naman dito nagtatapos yung Frienship naten di ba?
TRIXIE
oo naman. Eh bestfriend kaya kita!..
DAVE
So tara kumain na tayo..
hinanda ko yan para sayo :))TRIXIE
Okay! Tikman nga natin. :)
-----------------------
Natapos yung Dinner namin at hinatid ako ni Dave. He's so Gentleman at lahat ng gusto ko ginagawa niya. Yun nga lang hindi ko talaga siya kayang mahalin dahil kaibigan lang ang turing ko sa kanya.. kung pwedeng turuan yung puso mo e bakit hindi di ba?!
Sana matagpuan niya yung tamang babae para sakanya.