Chapter 20

3K 82 27
                                    

"Let's go!" Mahigpit na hinawakan ni Rodrigo si Julie sa braso matapos nitong lumabas mula sa kwarto kung saan ito nagbihis ng damit na inabot ni Hannah.

Gustuhin man niyang tumakas pero hindi niya iyon magagawa dahil unang-una kasama ni Jacob si Elmo sa sala at pangalawa,may mga guard na naman na nakaabang sa lahat ng lugar na pwede niyang lusutan.

Ang awkward nang makalabas siya ng kwarto dahil nasa iisang lugar lang silang lahat. Biglang nanliit sa paningin niya ang malaking space na iyon dahil sa mga taong hindi naman dapat nila kasama ni Elmo ng mga oras na iyon. Parang binabangungot siya, hindi niya alam kung pano mag-aadjust sa sitwasyong iyon.

Nang kumirot ang braso niya, dun niya lang naalala na hawak-hawak siya ni Rodrigo at pilit siyang inilalayo kay Elmo.

"I'm not going with you!" Pagmamatigas ni Julie habang tinitingnan niya ng masama si Rodrigo. "I'm not going anywhere okay?!" Sinubukan niyang kumawala pero hindi niya iyon nagawa dala narin ng higpit ng kapit sa braso niya. "Let go of me!"

"I said we're going home Julie." Mas hinigpitan pa ni Rodrigo ang hawak sa braso ni Julie.

"Don't you dare touch her like that!" Inis na sabi ni Elmo habang sinusubukan niyang makawala mula kay Jacob. "Damn Tito Jacob let me go!" Hindi siya pinansin ni Jacob, patuloy parin ito sa paglayo sa kanya mula kay Julie.

"Bitawan mo sabi ako!" Nagpupumiglas na si Julie sa kanyang ama-amahan. "Mom do something!"

"We're taking you home Julie." Umiwas ng tingin sa kanya si Hannah, kinuha nalang nito ang bag niya mula sa sofa dahil alam niyang anytime maiuuwi na nila si Julie sa ayaw man nito o sa hindi. "A deal is a deal Jacob. We've done our part, it's your turn now. I hope this time, you'll keep your promise."

"Deal? What deal?!" Pagtataka ni Elmo na may halong inis habang tiningnan niya si Jacob.

"Mom! Please just for once, let me do what I want." Pakiusap ni Julie, kahit ubos na ang lakas niya sa pagpupumiglas kay Rodrigo ay pinipilit parin niyang kumawala mula sa hawak nito.

Humarap si Hannah sa kanyang anak. "Julie please just for once too, listen to me. We're taking you home, and you can't do anything about it."

"But mom, I'm already home." Nanlalambot na sambit niya sa kanyang ina, kilala niya si Hannah kapag nakapagdesisyon na ito iyon na yun at wala na siyang magagawa pa.

"Rodrigo just use that handkerchief. We really have to take her home."

"Fuck it!" Sigaw ni Elmo. "Just let her go and let her live with me Hannah."

"There's no life with you Elmo." Mabilis na sagot naman ni Hannah.

"Mom I'm telling you if you-" Hindi na natapos ni Julie ang sasabihin niya dahil buong pwersa na ni Rodrigo na ipina-amoy sa kanya ang panyo na may ether.

Kaagad siyang binuhat ni Rodrigo papalabas, sumunod naman agad si Hannah kay Rodrigo at Julie.

"Shit!"

"Elmo just let her go." Utos ni Jacob kay Elmo.

"Are you fucking crazy?!" Sa sobrang inis ni Elmo sa kanyang tiyuhin ay nasuntok niya ito ng malakas sa mukha. Nawalan ng balanse si Jacob sa suntok na iyon na hindi niya inasahan kaya naman sa sahig kaagad siya bumagsak. "I have already let go of her once, I would never let her go again!"

Galit na galit si Elmo. Tumakbo kaagad siya at tumakbo papalabas para habulin si Julie. Nagawa niya ngang kumawala kay Jacob pero paglabas niya may humarang sa kanyang tatlong lalaki na nakasuot ng suit.

"Sir wag niyo na pong habulin kung ayaw niyong samain kayo."

"Stay out of my way." Sinamaan niya ng tingin ang mga guard na nasa harap niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon