Prologue

6 1 0
                                    

Nagising ako sa malakas na tunog ng aking cellphone, senyales na dapat na akong kumilos para makapasok nang maaga sa unang araw ng aking trabaho.

Nag apply kasi ako bilang secretary ng ceo ng isa sa mga tanyag at kilalang kumpanya. Nagulat ako dahil wala pang isang araw mula nung nainterview ako ay tanggap na daw ako. Siguro'y nagmamadali silang maghanap ng sekretarya dahil ang chismis ay masahol daw ang ugali ng kanilang boss at walang tumatagal ng isang araw dahil sinesesante niya agad ito.

Pero siyempre, hindi ako maniniwala hanggat hindi ko nakikita at nararanasan. Malay ko ba kung isa yan sa paraan ng mga chismosang tao para siraan ang bagong ceo ng kumpanyang ito. Kakaupo niya palang kasi bilang ceo nung nakaraang buwan dahil nagretiro na ang tatay nito.

Subalit, labis talaga akong nagtataka. Napakamisteryoso ng taong iyon dahil wala man lang siyang picture sa media. Puro pahayag lang ng kaniyang lawyer ang nakalagay sa mga balita. At isa pa, parang pamilyar sa akin ang kaniyang pangalan. Isinawalang bahala ko nalang ito at kaagad na sinuot ang aking uniform.

"Shit. Shit!" Mala-late na ako! Kung bakit ba naman kasi nagpuyat pa ako kagabi kakalaro ng ML.

Nagmadali akong lumabas ng aking condo at naghintay sa binook kong grab. Mga 20 minutes ang tinagal ko dahil sa traffic.

Jusko naman. Unang araw palang, late ka na girl!

Halos madapa na ako dahil tumatakbo ako habang naka heels. Papasok na sana ako nang bigla akong hinarangan ng guard.

"Miss, saan po ang punta niyo?" tanong niya.

"Hindi ba obvious manong? Magtatrabaho ako! Late na ako oh!" sabi ko.

"Ay ma'am, ikaw po ba yung hinire kahapon?" tanong niya ulit.

"Oo ako nga! Manong tumabi na kayo please, late na talaga ako." sabi ko habang tinitignan ang aking relo.

"Ah sorry po ma'am, sinesante na po kasi kayo eh." sabi niya na nagpatawa sakin.

"Haha manong ang funny niyo naman." sabi ko habang tumatawa.

Nawala ang ngiti sa aking labi ng makita ang seryosong mukha ng guard na para bang walang nakakatawa sa sitwasyon ko ngayon.

"S-seryoso po talaga? Bakit naman ako sinesante? Eh hindi pa nga ako nagsisimula! At anong oras? Bakit wala man lang nagtext o tumawag sakin para mainform ako!" tuloy-tuloy kong sabi. Magkahalong takot at galit ang nararamdaman ko ngayon.

"Mga isang minuto ho bago ko kayo makausap ay sinabihan ako na wag ka daw pong papasukin dahil sinesante ka na." sabi niya.

"Ha?" iyon nalang ang tangi kong nasabi. Sa sobrang galit ko ay tinulak ko ang guard at dirediretsong pumasok upang makaharap ang gagong ceo na yon. Totoo nga ang chismis, napakasahol ng ugali niya!

"Ma'am! Sandali!" Habol sakin ng guard dahil lakad takbo na ang ginagawa ko para hindi niya ako mahabol. Gusto ko lang harapin ang ceo na iyon para mabigyan ko siya ng kambal na sampal.

Nang marating ko ang floor kung saan nakapuwesto ang opisina ng animal na yon, kaagad ako naglakad ng mabilis. Hindi ko inalintana ang pagsunod ng mata saakin ng mga nagtatrabaho dito. Marahil ay nagulat sila dahil mukha akong magsisimula ng gulo. Well, totoo naman. Duh.

"Uh ma'am where are you goi- Hey wait!" sigaw ng babaeng nasa bungad ang cubicle.

"That is off limits ma'am! Do you atleast have an appointment with Mr. Dela Vega?" pahabol na sabi ng babae.

"Puwede ba miss? Wag mo kong english englishin ngayon dahil stress na stress na ako! At wala, wala akong appointment sa putanginang yon!" sigaw ko. Kaagad namang ako nakarinig ng madramang paghinga.

"P-putangina?" sabay-sabay bigkas ng mga empleyado pati nung babae na ikinagulat ko dahil hindi ko namalayang nakikinig pala sila.

Bobita, malamang maririnig nila dahil sumisigaw ka!

"Oo, putangina. Putangina yung boss niyong walang ginawa kundi mangsesante ng mga empleyado imbes na bigyan ng chance para magpaliwanag!" sigaw ko.

"C-calm down miss." sabi nung isang lalaking empleyado habang nakatingin sa likod ko na tila may asong ulol na mangangagat kapag gumalaw kaming lahat.

"Anong calm down? Kung ikaw kaya, matanggal agad sa trabaho na hindi mo pa nasisimulan, sa tingin mo kakalma ka?!" inis na sabi ko.

"Nasaan na ba kasi yung magaling nyong boss-" sabi ko habang nagmamadaling tumalikod sakanila para harapin ang taong iyon na sana pala ay hindi ko nalang ginawa dahil sumalubong sakin ang nanggagalaiti niyang tingin.

May asong ulol nga.

"Why the fuck are you shouting, and who the hell are you?!" sigaw niya. Kingina neto, sisigaw na nga lang may natalsik pang laway sa mukha ko!

Pero hindi ko na pinansin yon dahil labis akong nagulat sa nakita ko. Kaya pala pamilyar ang pangalan niya saakin.

"Christian?" tanong ko na halos hindi makapaniwala.

"Who are you?" tanong niya ulit.

"Nanay mo." rebat ko pabalik.

"What?" mas lalong naguluhan na tanong niya.

"Nanay mo ako. Anak ang laki laki mo na. Hindi mo ba ako naaalala? Ako 'to, si natay, asawa ng tatay mong si natoy na mahal na mahal ka." sabi ko habang hinahaplos ang kaniyang pisngi na para bang nanay na nangungulila sa kaniyang anak at bigla itong sinampal. Nakarinig ulit ako ng madramang paghinga ng mga empleyado.

"The fuck?!" ang tangi niyang nasabi habang galit pa din ang aura niya.

"That's for firing me from my supposedly first work and for not recognizing me! You still haven't changed, asshole." sabi ko at nag walk out. Naiwan siyang tulala pati na rin ang mga empleyado.

Nakasalubong ko pa si manong guard na hingal na hingal na.

"Ma'am-" magsasalita pa sana ito kaso pinutol ko na.

"Tapos na manong. Antagal mo naman makarating dito, edi sana nakapanood ka pa ng libreng mala kdrama vibes sa opisina ng gunggong na yon." sabi ko at naglakad nalang paalis.

Nang makalabas na ako sa opisina ay siyang paglabas din ng aking luha kasabay ng pag buhos ng ulan.

I smiled bitterly as I reminisce the memories I had with him. I thought I already moved on from the past, from him.

He's my bestfriend, my first love, my first heartbreak.

And he's gay.

_________________
dabria__anglfdth

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heal MeWhere stories live. Discover now