" Grabe ano? Mageexam nanaman next week." Ani ni Claudia.
" Oo nga e, ang bilis. Pero ang pinaka matindi pa don. Wala pa tayo masyado natatapos sa mga projects natin. " pagsangayon naman ni Reina.
" Oy Reina! Ikaw lang ang wala pang natatapos. Ako, sina Eunice, meron na. Ikaw lang talaga ang sadyang tamad at walanjo sa bagal. " Pangaasar ni Mico.
" Pigilan nyo nga ako at tatampalin ko tong si Mico. Naku naku, Mico. Masasakal kita e. " Sagot ni Reina.
" Go lang di ka namin pipigilan. " Gatong pa ni Janela sabay tawa.
" Sigi't sakalin mo na. " Dagdag din ng bestfriend ni Janela na si Adam sabay apir.
" Uggghhhh —- Hoy! Tama tama na nga kayo! Ako'y naririndi. Kaiingay wala naman nagagawa. Kung gumawa na lang kaya kayo ng mga projects natin. Kesa dada kayo ng dada. Dami daming sinasabi. " derederecho kong sabi.
" ENET — " sabay sabay nilang sigaw at nagtawanan na.
Nakitawa narin ako. Lagi naman ganun. Parang epidemya ang pagtawa. Kaya miski galit ka at nagkatuwaan na. Naku, Naku wala kang takas sa pagtawa. Ang saya diba?
Ganito kami lagi. Mga baliw. Pero ganun pa man, sa section parin namin nabibilang ang mga mayayaman, maganda at gwapo, higit sa lahat ang mga matatalino.
Nanjan si Claudia na lahat nirereklamo at pinoproblema, as in lahat. Ultimo mga bagay na dapat hindi niya pinoproblema. May pagkapakialamera din hindi ba? Haha. Nga pala, 2nd siya sa klase.
Si Reina, ang pinaka, ubod ng, saksakan ng tamad. Yan ang taong parang laging walang problema. Dahil hindi nagiintindi. Siya din ang kadalasang pinagmumulan ng ingay. Kaya naman siya ang pang 7th.
Si Eunice, ang kabaligtaran ni Reina, tahimik at masipag. May pagkaweirdo din yan. At si Mico lang ang sinasamahan niya. Kaya magdududa ka kung may gusto yan kay Mico e. Siya naman ang 3rd.
Si Mico, ang pinaka pangasar at nakakayamot sa grupo. Pirmi laging nakahyper mode at hindi mapigilan ang kulit. Parang sinisilihan lagi ang p'wet. Pero pagdating naman sa academics hindi yan nagpapahuli, siya kasi ang pang 4th.
Ang mag bestfriend na Janela at Adam, yang dalawang yan naman ang nagpapalala kadalasan ng mga sitwasyon. Lalo na sa mga away. Pero pang 5th at 6th yang mga yan. Girl-Bestfriend ko din pala si Jela *Janela , at pinsan ko naman si Adam. Kaya naman malapit ako sa dalawang yan.
At ako, Si Annie Marshal Mendes. Ash, ako siguro ang pambalanse sa kanila. Ako din ang kadalasang pinaka matured at nakakaindi sa kanila. Pero isa din ako sa mga nangunguna sa mga kalokohan at pagiingay. May pagkabossy din ako at seryoso pero kalimitang pirmi naka ngiti. And Im running for valedictorian.
Ito kami. Pito lang kami sa section. Pero aakalain mong mga isang daan dahil sa mga bunganga at pagkakulit namin. Kaya nga binansagan na nila kaming , Special C.
Kahit dapat 'Section C' lang ang tawag, hinayaan na namin dahil napagtanto namin na parang bagay naman sa amin dahil... ipagkaila man namin, may pagkaspecial din naman talaga kasi kami, Special C. 'C', as in Child.
Malaki man ang pagkakaiba namin sa isa't isa , masaya parin kami parati at masasabi kong talagang napakatatag ng bond namin. Nakakamangha. Kaya nga mahal na mahal ko ang mga lukotuy na ito. Sila yung mga kaibigang dapat ingatan at itago. Literal. Haha. Joke.
🍓
