1

0 0 0
                                    

KAEDE

Amoy pa lang papasok ng coffee shop ay nakakatakam na, pero paglingon ko mukhang ako pa ata nauna dumating kaysa sa bestfriend kong nag yaya papunta dito.

Kahit kailan talaga yung babae yun!

Ang sabi niya kasi kagabi may boyfriend na daw siya kaya mukhang excited na daw siya magkwento sa personal ayaw niya daw sa chat lang dahil mas ramdam niya daw ang saya kapag harapan magchikahan.

Tumunog na yung pinto ng coffee shop na kung saan kami magtatambay at nandiyan na nga siya.

"Kassie gurl!"

Nanginginig na siya halatang excited na nga tong baliw na to at umupo na nga siya sa harap ko habang inilapag ko na din yung inorder kong kape para sa aming dalawa.

"So paano mo naman nakilala yun ha? Sure ka ba na loyal yan?" Bungad ko agad na tanong sa kaniya.

"Ano ka ba oo naman gurl tropa to ng baby boy mo!" Napatahimik ako sa sinabi nito.

Dahil kahit kailan di ko tinuring kaibigan ang mga kaibigan ng boyfriend ko.

Kasi naniniwala ako sa kasabihang di mo talaga dapat kaibiganin ang mga kaibigan ng boyfriend mo.

"Teka sino ba don yun?" Sunod ko pang tanong.

"Si Nico yung chinito" kinikilig pang sagot nito.

Oo, naalala ko na yung Nico na sinasabi nito ayun yung isa sa pinakamatangkad sa tropa nila at moreno ito ganon naman kadalasan kapag basketball player saka since elementary sila na talaga magkakasama ni Nathaniel ang boyfriend ko.

Kiniwento nga ni Aura na bestfriend ko kung paano sila nagkakilala nung Nico.

Ang kwento nito noong birthday daw ni Tita Ethel ang mama niya ay binilhan niya itong cake at sakto sa cake shop na binilhan niya ay andon din si Nico nagkulang daw siya ng pera tapos si Nico na daw ang sumagot sa kulang niya.

Inamin nga nito nahihiya pa siya tanggapin yun at di lang yun ang huling kita dahil nasundan pa ito ng madaming beses at hanggang sa nagkainlovean na sila sa isa't isa.

"Buti naman tapos ka na sa sana all stage mo sakin ni Nathaniel at parehas pa tayo nagsisinmula sa letter N ang jowa" wika ko dahil natatawa ako sa kiniwento niya.

Pagkatapos naming magkape ay napag desisyonan naman namin mag ikot sa labas ng mall na kung nasaan tong coffee shop.

Dito talaga madalas naming tambayan dahil sakto lang presyohan dito at di gaano matao.

Makalipas ng ilang minuto na pag ikot namin sa mall ay naramdamaman ko ng nag vibrate ang cellphone ko.
Mukhang kailangan ko na umuwi,kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag ko at nabasa ko na nga ang buong pangalan ko sa text ng daddy ko.

From: Daddy

Kassie Daene Alcantara, nasaan ka na naman? umuwi ka na.

Napabuntong hininga na lang ako nung nabasa ko yung text na yon at wala na kong magawa kundi magpaalam na kay Aura.

Bakas sa mukha nito na nadismaya siya na maaga ako umuwi dahil nakita kong medyo nalungkot siya sa nangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon