Chapter 1:What a Coincident

13 0 0
                                    

Ella's POV

Ang hirap e-explain ang mga pangyayari ...Gan'to kasi yun...


Flashback


     Sobrang busy ang lahat dito sa Baguio.Bukas na kasi ang Panagbenga Festival.Hindi lang kaming mga tiga Baguio ang nagsasama-sama para i-celebrate ito.Maraming dumadayo dito sa'min para lang mapanuod ang iba't ibang events na ginagawa tuwing piesta.


Ngayon,nasa palengke kami ng kaibigan ko para mamili ng panahog ni Inang sa mga lulutuin n'ya.


"Uy,bakit ka nakangiti d'yan hah?"tanong ng bestfriend kong si Cheska.



"Huh?W-wala,"sagot ko.


"Naku,siguro excited ka noh...kasi darating si Zac."



"Ano?!Hindi ah!Nung Zacharias Joseph Bartolome na yun?!Bakit,sino ba s'ya para maging excited ako sa pagdating n'ya?!S'ya ba si Prince Charming?!"



"Nakuuu,deny pa,Carmela."



"Tigilan mo nga ako.Nakitang siksikan ngayon dito oh."Ang daming tao.Hindi na mahulugan nang karayom.Maya-maya pa,nabanas na 'ko.



"Halika na nga!"Hinawakan ko nung kamay ni Cheska para hilahin at para makaalis sa mga nagsisiksikang mga tao.



"Ehem...Ehem..."


"Ano ba nangyari sa boses mo,Iska?"tanong ko sa hawak-hawak kong si Cheska.Kailangan muna naming makaalis dito.




"Uy,bessy,sino ba 'yang hawak mo?Nalayo lang ako ng konti,kumikiri ka na."Napatingin ako sa likod ko,sa taong hawak ko.Nagkatinginan kami sa mata.Nakakunot nung noo n'ya.Napatingin ako sa kamay namin.That's the only time na na-realize kong mali ang kamay na nahawakan ko.Binitawan ko s'ya.




"Wow,miss,sa wakas binitawan mo na 'ko.Namamawis na nung kamay ko dahil sa kamay mo eh,"sabi ng lalaking nahila ko.Sorry na!Akala ko talaga bestfriend ko nung hawak ko eh.Pero ano sabi n'ya?!Namamawis na ang kamay n'ya dahil sa kamay ko?!



"Excuse me?!"Mataray na pagre-react ko.




"Bessy,tara na.'Wag ka nang makipag-away.Ah,kuya,sorry.Ako na ang humihingi ng pasensya para dito sa kaibigan ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For Pretending or For RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon