01| KALAYAAN

181 5 0
                                    





KALAYAAN:
POWER ABOVE ALL ELSE

MARAHIL NGA'T NAKAAYON pa rin sa iba't-ibang pananaw ang batayan ng pagiging malaya subalit kahit saan pa man tignan, ang tulad niya ay hindi angkop alinman sa mga ito.

Agila

Maya

Ang ibon ay isang lipi ng kalayaan.

Hindi mo kailangang magmadali, Mutya. Tignan mo ang nasa paligid mo, ang kalikasan—hindi ba't masayang makita na pinakikisamahan ka nito?

Maya, pinatay ng Agila.

Halos musmos pa lamang ang kaisipan ni Mutyara nang mapagtanto niyang may hindi wasto sa pangkat niyang kinabibilangan. Subalit dahil lagpas pa sa kaniyang hangarin na makamit ang kalayaang inaasam, tiniis niyang maging sunud-sunuran kahit ba labag sa kaniyang kalooban ang maging isang alipin o ang katotohanang ang kanilang pinuno ay isang sinungaling.

"Tulad ng anak ng Diyos, ako ay isang hirang. Kami ay iisa lamang ng hangarin: Ang iligtas kayo. Hanggat sinusunod ninyo ako, handang ihandog ng langit ang inyong mga kahilingan. Sambahin ninyo ako, malalasap niyo ang tunay na kalayaan."

Isang kalapastanganan ang sinumang lumabag sa kanilang pinunong tinatawag na Abe Datuimam. Mahigpit nitong pinagbabawal ang pagliwaliw sa labas ng kagubatan sapagkat isinumpa raw ng panginoon ang lugar na 'yon kasama ang mga nilalang na likas na nilang kinamuhian, ang mga taga-labas.

Lumaki siyang iniisip na may mali sa kaniya, dahil 'di tulad ng kaniyang mga kasama ay mahina ang kaniyang pananalig sa naturang hirang ng diyos. Hindi siya naniwalang totoo ang mga taga-labas at pananakot lamang ng mga matatanda ang kuwento ukol dito.

Ngunit bumaluktot ang kaniyang pananaw nang mamatay ang isa sa kambal na anak ng Abe. Natagpuan ito sa labas ng kanilang kagubatan, halos hindi na makilala sa pinsalang natamo.

"Sasapitin niyo ang nangyari sa aking anak kung hindi niyo susundin ang sinasabi ko. Nakita niyo na? Walang puso ang mga taga-labas! Wala silang Diyos na itinuturing! Dapat sa kanila ay sunugin!"

"Sunugin!" pagsang-ayon ng mga mananamba.

Apoy ang kanilang proseso sa tuwing nag-aalay ng kaluluwa sa langit. Ito'y sa kanila isang uri ng puripikasyon na naglilinis sa kaibuturan ng isang nilalang, at ang usok ang tagapaghatid ng mensahe may basbas ng Abe patungo sa diyos.

Hindi kailanman malilimutan ni Mutyara ang unang pag-aalay niyang nasaksihan. Nang isilang ang pangatlong anak ng Abe, nagimbal ang lahat dahil hindi ito lalaki. Katumbas ng kamalasan ang isang babaeng supling, at bilang pinuno ay kumilos ito para hadlangan ang banta.

Tulad ng ginawa sa anak ng diyos, ipinako ng Abe ang sariling anak sa poste. Aniya dapatwat delubyo ang sagisag nito, 'sing banal naman niyang mararating ang langit.

Nanginginig na tinamasa ng sanggol ang lunos ng unang pakiramdam na mamuhay sa mundo habang hinehele ng apoy tungo sa himbing ng kamatayan. Walang katumbas ang hinagpis ng inang bagong-silang at duguan pang nagpumiglas, at 'di kalauna'y sinilaban din.

Sapagkat ang sinumang magtanggol sa kamalasan ay siya ring malas.

Buhay o patay, ang napipiling alay ng iginagalang na propeta ang tanging nakapagsasabi kung kailan dapat isinasagawa ang pag-aalay upang maagapan ang masamang pangyayari. Siya lamang ang may tanging kakayahan na makatunog ng peligro sa pamamagitan ng kaniyang mga propesiya.

IBONG MANDARAGITWhere stories live. Discover now