~ ▪ chapter 19 ▪ ~

533 31 0
                                    

"B-brother....!"

Agad akung Napatigil sa pag sisira ng bintana nung Marinig ko ang boses ni Jeriova

Mabilis ko naman itung sinira at lumapit kay Jeriova, Si Jero naman ay sarap na sarap sa tulog

Yumuko naman ako at nag lakad papalapit kay Jeriova, tinaas ko naman yung kumot dahil naka baba na ito, hinimas ko naman ang ulo nya

Mukhang hindi maganda ang panaginip nya, wala rin naman akung magagawa kundi ito lang

Tinuring ko na talagang kapatid silang Jero, palagi ko kasing iniisip ang buhay ko dati, Wala kasi akung kapatid at palaging mag isa sa lahat ng problema

Yun ang pinaka mahirap sa buhay yung wala kang kapatid, Wala kang mapag sabihan ng lahat na dinadala mung problema, lahat dadaanin mo mag isa

Walang kasanga sa buhay....

Ilang minuto sa pag himas ng buhok ni Jeriova ay tumigil nako, nag iba na kasi ang expression ng mukha nya, di tulad nung kanina mukhang binabangungot talaga sha

Lumabas nako sa toy house nila, lumapit naman ako sa bintana at Napatingin sa buwan

Ang ganda ng langit, ang liwanag ng Buwan, mga bituing kumikislap

Napahawak naman ako sa bintana

Parang dati....

Tuwing ganito kasi ka liwanag ang buwan, lumabas ako ng kwarto at umaakyat sa bubong, Tapos mag momoon gazing

Don ko kasi mararamdaman ang salitang 'peace of mind'

Masarap sa pakiramdam ang hangin, dagdag ang mga bituin, tuwing nag momoon gazing ako Tapos may problema ako pakiramdam ko hindi ako nag iisa

Nung nag aaral ako dati Tapos umuuwi ako ng gabi dahil sa sobrang dami ng mga project o thesis namin pag ganito ka liwanag ang buwan masasabi ko talagang hindi ako nag iisa kasama ko si Buwan, hindi nyako iiwan...

Sobrang loner ko talaga dati..!

Tapos kapag may problema ako don ko talaga masasabi na palaging nasatabi ko si Buwan, tuwing may problema kasi ako palagi shang maliwanag, hindi ko alam pero kapag may dinadala akung problema tuwing tumitingin ako sa bintana don ko nakikita si Moon na nakatingin sakin...

Hindi ko alam pero pakiramdam ko may buhay ang buwan..

Napangiti naman ako habang nakatingin sa buwan

"Hindi mo talaga ako iniiwan..." Nakangiting sabi ko

Napapikit naman ako at Napabuntong hininga

''Ang gusto ko lang ngayun ay mag enjoy sa buhay" naging usal ko nalang

Dinilat ko naman ang mata ko at ngumiti sa buwan bago ako tumalikod at nag Simula ng mag lakad papalapit sa pinto

"Huhuhu b-brother..." Bago ko masira yung pinto ay Narinig ko ulit ang boses ni Jeriova

Mabilis naman akung nag lakad papalapit sa Toy house nila, pag tingin ko ay nakita ko itung nakapikit habang umiiyak

'I think she's having a nightmare...'

Wa-what should I do?

Gigisingin ko ba sha..?

Hayyss Wala pa naman akung alam sa pag papatahan ng batang binabangungot!!

Agad akung Napatigil sa pag lapit kay Jeriova nung may naramdaman akung ibang presenysa dito sa loob ng kwarto, agad akung lumabas ng toy house at nilabas ang espada kung kanina ko pa bitbit

Gaya ng sabi ko palagi kung dala ang espadang to!

Mabilis ko naman itung kinuha sa hita ko at tinuro ang taong nasaharap ko

"Who the fuck are you...?"

I'm A Badass Princess!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon