My Kuya's Bestfriend Is Sweet Afterall( ONE- SHOT Story)

508 8 1
                                    

(ALICE POV) 

"Alice saan kuya mo?" sabi ni Jake. Ang bestfriend ng kuya ko na mahal na mahal na mahal na mahal ko. Actually kaklase ko lang si Jake. Sobrang handsome niya. Hearthrob siya sa school namin.. Pero masungit  'yan except samin ni Kuya. Ewan ko ba ? Naweweirduhan ako sa kanya. 

"Ah, eehh tawagin ko lang."Sabi ko.Tumango naman siya.

Umakyat na ako at tinawag si kuya Drake. Laging nandito si Jake after class namin. Ako si Alice Erisana Dominguez one of a heartthrob princess on our school. Hehe, Pero ayoko ng popularity kaya nagdisguise ako palagi at lagi kong kasama si Jake. Actually parang best friend ko na rin ito, lagi kasi kaming magkasama kapag nakadisguise ako.Juniors nga pala kami. 

"Tara na Jake laro tayo Xbox." sabi ni kuya Drake kay Jake. 

"Game." Ayun naglaro na sila. At ako ? Eto nagbabasa ng The Fault in Our Start. Sabado nga pala ngayon kaya magdamag sila kuya at Jake nag Xxbox. Gusto ko na matulog. Aakyat na sana ako para makatulog nang may tumawag pansin sa akin bago umakyat ng kwarto.

"Ok babes, meet me at the park at 6pm. I'll be there for you."sabi ni Jake kay Jessa. Ang girlfriend niya. Halata naman sa babes eh. Saka close kami niyan ni Jake kaya alam ko. 

 Iniwas ko ang tingin ko kay Jake at tinignan ko si kuya Drake

"I love you too. Take care. Bye babes. I miss you na." binaba na ni Jake yung phone niya.

Bago ako umakyat nakita ko namang naging malungkot ang reaksyon ni kuya Drake. Hindi dahil hindi na sila matatapos nang buong magdamag ang paglalaro ng Xbox kundi alam ni kuya Drake na nasasaktan ako sa aking mga narinig. Open kami sa isa't isa  ni Kuya Drake kaya alam niya na mahal na mahal ko si Drake. 

"Geh pare bukas nalang ulit. Got to go. Kelangan pa naming magdate ni Jessa. Bye bye din Alice. Matulog kana ha. Tignan mo Eyebugs mo lumalaki na at  lumolobo. Hahaaha. Sige bye."sabi ni Jake na natatawa pa dahil sa pang-aasar sa akin sabay umalis na sa bahay. Hindi ko pa nakikita sa personal si Jessa. Walang nakkwento si Jake at kuya Drake. 

Nakita kong ngumiti ng bahagya si kuya Drake nung nakita yung ekspresyon ko pagkatapos umilis ni Jake. 

"Kuya Drake bakit ka nakangiti?"tanong ko kay kuya.

"Wala, wala." sabi niya.  

"Sige na kuya.Ano nga kase ? Iba yang ngiti mo eh."pagpipilit ko.

"Malalaman mo din bukas. Osha, tulog muna ang GWAPO mong KUYA ha." . Ang hangin talaga ni Kuya Drake.

Natulog na din ako

*****

Nagising nalang ako dahil may kumakalabit sa'kin. Sino to? Si Jake

si Jake. 

Anong ginagawa niya dito. Ang lapit ng mukha niya sa akin. Nanlalambot ang aking tuhod at parang lahat ng dugo ko napunta sa aking mukha. 

"Alice  Erisana gising na. Magchuchurch pa tayo ni Kuya Drake." At kelan niya pang tinawag na kuya si Kuya Drake.??

"Ahh, Kelan ka pa-----?" hindi ko natuloy yung itatanong ko.

"Simula ngayon. Ngayong liligawan ko na ang kapatid ng aking bestfriend. Dati pa kita minahal. Noong una ka pa lang pinakilala ni Kuya Drake. Gusto na kita. Hanggang sa maging kaklase kita simula elementary hanggang ngayon walang pagbabago ang nararamdaman ko sa'yo. I love you very much Alice. Pwede ba kitang ligawan?"sabi ni Jake. Nanaginip ba ako? Kung nanaginip ako. Please gisingin niyo na ako. Kinurot ko ang pisngi kong malambo. Hindi ako nanaginip. . Ano ba sasabihin ko? Namumula na ata ako sa mga sinabi niya at yung magic words. Pero diba may girlfriend siya. Paano yung girlfriend niya?

"Hep, hep hep. Mamaya na yan mga kapatid. Mag almusal muna tayo."sabi ni Kuya Drake. Bumaba na kami at kumain. Kakausapin ko'tong dalawang lalaking nasa harap ko.

"Kuya Drake diba may girlfriend na siya?"sabay turo kay Jake.

"Hahaha"Sobrang lakas tumawa ni Kuya Drake at Jake. Bakit ano nakakatawa sa tanong ko?

"Ehh? Bakit kayo tumatawa? Ano nakakatawa sa tanong ko?"tanong ko. ABNO ba sila? 

"Eh kasi. Hahahhahahha"sabi ni kuya. Ano ba meron kasi?

"Hahahha, okay eto na. Naniwala ka naman may gf si Jake? Hahhaha. It's part of my plan. . Utu-uto ka kasi sa mga sinasabi ko sa'yo. Hahahha."sabi ni Kuya. So lahat ng luhang sinayang ko is part of my kuya's plan? Errr. Pero walang gf si Jake. Ansaya saya ko. 

"Pinagseselos lang kita. Dati ko pang alam na mahal na mahal mo'ko kaya gumawa nang plano itong si Kuya Drake para sa'tin at para sa'yo . I love you very very much Alice. Will you be my girlfriend.?"

"Manligaw ka muna. " 

My Kuya's Bestfriend is sweet afterall.

------------------------------------THE END--------------------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Kuya's Bestfriend Is Sweet Afterall( ONE- SHOT Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon