3P POV
Lumakas ang ekonomiya sa Pilipinas at isa sa mga masweswerteng naisama sa pagtaas ay ang pamilyang Salcedo. Ang mag-asawang Kristin at Carl ay naging matagumpay sa kanilang mga propesyon at industriya, si Carl ay naging matagumpay na businessman at naging CEO nang sarili nyang kompanya, ang Salcedo, Inc.
Si Kristin naman ay naging sikat na fashion at interior designer. Gumawa rin sya ng maliit ng kompanya na hawak ng Salcedo, Inc. na SalCouture. Sila ang tinaguriang Power Couple of the Decade ng Philippine Times. Ngunit sila ay nagpasyang magkaroon na ng baby. At ilang buwan ang nakalipas, ipinanganak ang kanilang panganay na si Jake. Tuwang-tuwa ang mag-asawa at sila'y naging masayang. Lumaki ng gwapo at spoiled si Jake sa kanyang mga magulang.
Pero after 5 years, di inaasahan ng mag-asawa na sila'y magkakaanak muli, at ito ay si. At dahil hindi sya inaasahan, nagkapapatong ang mga problema sa kompanya ng kanyang ama, umalis ang isang investor na balak sanang mag-invest sakanila ng half a million US Dollars. Sinisisi kay Kai itoy sanggol pa lamang. Kasabay noon ay ang pagkamuhi ni Jake kay Kai, dahil kasi sa nangyari sa kompanya ay hindi nakasama si Jake sa camping trip nilang magkakaibigan. Ngunit di pa natatapos ang simula sa kalbaryo sa buhay ni Kai. After a week, inuwi na si Kai sa bahay ng kanyang ina at wala sa bahay ang mag-ama dahil galit pa rin sila kay Kai.
Subalit pagkarating pa lang sa bahay ay may tumawag kay Kristin, sinasabing ninakaw daw ang 500,000 worth na damit sa kanilang boutique. Dahil doon ay galit na rin ang kanyang ina kay Kai. Iniwan syang mag-isa sa bahay nang walang kasama. Iyak siya ng iyak ngunit wala paring bumabalik na tao sa bahay. Ang hindi alam ng pamilya ay may asthma si Kai, at siya ay binaba lamang sa sahig na puno ng alikabok. Nagkita ang mag-asawa kasama si Jake at sila'y umuwi na. Habang papauwi sila ay napagusapn nila si Kai.
.
C. "Hon, bakit pa kasi natin binuhay yang bata na yan, siya ang malas sa buhay natin, simula nang lumabas yon, nagkaleche leche na buhay natin"
J. "Oo nga Ma, i hate him. Dahil sa kanya, di ako nakapunta sa camp. Nakakainis sya. Sana, di na lang siya nabuhay"
K. "Carl, diba nga sabi ni Mama, buhayin lang, natin yon kahit alam na nating malas sya, basta sabihin natin sa media, namatay ang anak natin at yang si Kai ay anak ng katulong natin dati. Sabihin natin kinupkop natin dahil naawa tayo dun sa dating maid natin. At bayaran natin lahat ng mga tauhan sa ospital na wag sabihin ang nalalaman nila."
.
Pagkarating nila sa pintuan, napansin nila na medyo tahimik, hula nila tulog si Kai. Pero ng pumasok na sila, nagulat sila sa batang mahina na ang paghinga at parang hinahabol ang kanyang buhay. Nagmadali sila at sinugod ito sa pinakamalapit na ospital. Pagkarating nila, binigay na nila sa mga nurse at sila'y naghintay sa waiting area. Matapos ang ilang oras ay lumabas na ang doktor. Nilapitan nila at tinanong...
.
C. "Dok kamusta ang bata?"
D. "Malala ang kondisyon nito, maraming alikabok ang nalanghap nito at bumara sa kanyang baga. Hindi nyo ba alam na ito ay may asthma? Mahina rin ang kanyang immunity system, kaya'y medyo matatagalan syang. Gumaling" at umalis na ang doktor.
.
K. "Gastos nanaman to, bwisit na bata talaga yan"
C. "Wag kang mag-alala, gumaling lang siya ng unti, ididischarge na rin natin sya, Malas kasi, punyeta"
.
At isang linggo ang lumipas, dinischarge na nila ang bata, kahit hindi pa ito masyadong magaling. Kumuha sila ng yaya ni Kai at sinabihang alagaan ang anak ng dating maid nila. Brinoadcast na nang mga Salcedo ang pagkamatay "daw" ng kanilang pangalawang anak. Lumipas ang ilang buwan, at nabuo ang bunsong anak na si Jourdan. Sinabi ng marami na ito daw ang magdadala sa kanila ng swerte, habang sayang saya ang lahat, kasama si Jake dahil gusto nyang magkaroon ng kapatid na babae. Si Kai ay lumaki na nang onti at masasabing matalino na ang bata, marunong na itong makipagkulitan sa yaya kaya tuwang tuwa sakanya ito.Dahil sa galit at inis kay Kai ng kanyang pamilya, ay nakalimutan na nila ang birthday nito. At ang nangyayari ay nakalimutan na nila na anak talaga nila si Kai. Ang hindi alam ng iba ay parehas ang date ng birthday ng dalawa. Habang kasi nanganganak si Kristin ay nagcecelebrate ng simple si Kai ng kanyang 1st birthday kasama ang kanyang yaya dahil nasabihan ito dati ng kanyang birthday. Napamahal na ang yaya sakanyang alaga. Napamahal na rin si Kai at itinuring na ang kanyang yaya na si Rosing na tunay na ina.
.
R. "Alam mo Kai, mahal na mahal kita anak, sana hindi tayo magkahiwalay ah, promise natin yan ah, aamponin kita, mamahalin na parang tunay kong anak. Ikaw ang swerte sa buhay ko." At bigalang tumawa ang bata yumakap sa yaya. Dinampi ni Kai ang labi sa pisngi ni Rosing at ito'y nakatulog na.
.
Naiyak si Rosing dahil alam nyang mahal rin sya nang bata. Simula noon ay mas naging close ang dalawa, ngunit dumating ang isang pangyayari...
BINABASA MO ANG
Kahit Tingin Lang (boyxboy)
RandomThis is a try lang po, comment po kayo kung maganda or hindi. Im open for constructive critics and just say po kung gusto nyong ituloy ko