Now ThaT You’re Gone
Nawala na sa buhay ko si Joy… ang bestfriend ko… dahil para hindi na siya masaktan. Mula ng araw na nalaman ko na mahal pala niya ako, hindi ko alam yung gagawin ko. Manhid ba ako? Hindi ko alam na mahal na pala ako ng bestfriend ko. Pero mas mahal ko kasi si Rhea kaya siguro nabulag ako. Hindi ko rin kaya kasi mahalin siya higit sa kaibigan.
Isang araw nga kinausap ako ng mommy ni Joy…
“Francis…” sabi sa akin ni Tita.
“Ano po ba yun Tita? May problema po ba si Joy? Matagal na kasi hindi siya nagpapakita at nagpaparamdam sa akin.” tanong ko kay Tita. Nag-aalala kasi ako sa bestfriend ko. Panay iwas na siya sa akin.
“Layuan mo na si Joy, Francis. Gusto ko maging masaya ang anak ko. Alam ko mag-kaibigan kayo pero hindi kaibigan ang tingin sa iyo ni Joy. Sa tuwing nalalaman ko na hindi mo kayang suklian ang pag-mamahal ng anak ko, ayaw ko na mapalapit siya sa iyo.”
Ha? Mahal ako ni Joy? yun ang mga salitang paulit-ulit sa utak ko.
“Pasensya ka na, Francis. I want his happiness to other man. Kung hindi mo mabibigay sa anak ko yun, lumayo ka na lang.”
Simula na iyon ng hindi ko pag-punta sa kanila. Sa school iba na rin ang kasama niya si Louise. Ang sakit pala na yung isang tao naging malapit sa iyo.. buong buhay mo kasama iba ang nagpapangiti sa kanya.
"Babe.." tapik sa akin ni Rhea, yung girlfriend ko.
"Maging happy ka na kay Joy. Mabait naman si Louise. Naging bestfriend ko yun, alam ko hindi niya sasaktan ang bestfriend mo."
"Babe... sana nga.." sabi ko na lang sa kanya.
Pagkahatid ko kay Rhea ay dumaan ako sa bahay nila Joy. Pinarada ko sa hindi kalayuan ang kotse ko. Nakatanaw sa kanya. Hinatid siya ni Louise. Pero ang kinagulat ko, hinalikan niya sa labi si Louise. Isang matamis na halik, nakangiti sila parehas. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit dahil nagseselos ako na iba na ang kasama ng bestfriend ko? o may gusto na rin ako kay Joy?
Pag-uwi ko sa bahay ay kinuha ko ang isang karton. Naroon lahat ng pictures namin ni Joy. Yung mga regalo niya sa akin noon. Pati na rin yung mga sulat niya. Mahilig kasi siya gumawa ng tula. Halos tungkol sa lihim na pag-ibig. Ito ba ang sign niya sa akin noon? Binasa ko ang isa sa mga paborito kong tula niya na binagay sa akin.
I want to see you everyday,
the sunshine of my life,
the brightest color in the sky
And the only one I always admire.
It so hard to admit,
This feeling in my heart
Cause I am afraid
I can lose you in a day.
Sabi niya sa akin noon, ibigay ko yun sa babaeng lihim ko crush. Para daw ma-inlove sa akin. Hindi ko ginawa dahil gusto ko yung tula na ginawa niya. Ewan ko bakit hindi ko na-realize na kaya pala niya binigay niya sa akin yun dahil ako yung lihim niya crush. Kinuha ko ang picture namin ni Joy na magkasama, tinitigan ko.
"Sorry, Joy kung nasaktan kita... Sorry, dahil hindi ko kayang suklian yung pag-mamahal mo sa akin.. Sorry kung manhid ako.. Mamimiss kita." sabi ko sa larawan namin.
Ang sakit pala talaga mawala ng taong dumadamay sa iyo. Kapag may problema ka, wala kang masabihan lalo't tungkol sa girlfriend mo. Ang hirap... Ang sakit.... mag-isa.
Isang araw...
"I can't make it, Francis." sabi sa akin ni Rhea.
"Ha? Bakit? Di ba mahal mo ako... Kakayanin natin toh." sabi ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Memories of Song
General FictionThis composed of One Shot Short Stories written by Tinstar.