Simula

9 0 0
                                    

A/n: My other cover of between our maybes:

A/n: My other cover of between our maybes:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

*****

Stellar

"Stellar! Let's play hide and seek!" Sigaw ni Shion habang kinakaway ang dalawang kamay.

Napalingon ako sa kaniya at ngumiti. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa damuhan at pinagpagan ang duming dumikit sa damit. Inayos ko rin ang buhok kong tinatangay ng hangin.

Sinulyapan ko muli ang papalubog na araw bago tuluyang lumapit kay Shion.

Kapit-bahay ko si Shion dito sa probinsya at madalas kami maglaro tuwing iniiwan ako ni Mama at Papa upang magtrabaho. Limang taon ako noong lumipat sina Shion dito at nakilala ko siya noong binisita namin sila. Katapat na bahay lang namin ang bahay nila. Kapag nagkakaroon nang bagong lipat dito sa lugar namin, katabi man o katapat ay binibigyan namin nang handa.

Noong unang punta ko sa bahay nila ay doon ko siya nakilala. Noong una ay ayaw niyang makipag kaibigan sa akin, pero noong hindi ko siya tinigilan sa pangungulit ay napilit ko siyang makipag kaibigan. At ngayong nasa sampung taong gulang na kami ay magkaibigan pa rin kami.

"Okay! Tawagin natin sina Angel at Chris!" Sabi ko at hinila ang kamay ni Shion at tumungo sa ibang kaibigan namin na nakaupo sa kabila at kumakain ng ice cream.

"Angel! Chris! Laro tayo!" Sigaw ko.

Masaya silang tumango at nag umpisa na kaming maglaro. Nang sumapit ang gabi ay pawisan kaming natapos sa paglalaro.

"Uwi na tayo, baka mapagalitan tayo." Sabay sabay kaming tumango at tumawa.

Nang makarating sa bahay ay kumaway ako kay Shion na nasa tapat na ng bahay nila.

"Magandang gabi muli, Shion!" Bati ko rito.

"Goodnight, Stellar!" Paalam nito at tuluyan nang pumasok.

Tumuloy na rin ako at dumiretso sa maliit na kusina upang uminom ng tubig. Habang umiinom ay naririnig kong sumisigaw si Mama mula sa kwarto.

"Tangina, William! Lagi ka na lang umiinom pagkauwi mo sa trabaho mo!" Sigaw ni Mama.

Mabilis kong nilapag ang baso at sumilip sa kanila. Nakita ko si Papa na nasa lamesa at umiinom. Lumabas si Mama mula sa kwarto at galit na galit na dinuro si Papa.

"Wala kang laging inuuwing pera para sa pagkain natin! Tangina, naghihirap na nga tayo tapos may lakas ka pang uminom?!" Lumapit si Mama sa lamesa at kinuha ang Gin. Tumalikod siya at akmang itatapon ang Gin nang hinawakan ni Papa ang braso ni Mama ng mahigpit at gigil na hinawakan sa panga si Mama.

Napasinghap ako nang malakas ng sampalin ni Papa si Mama at dinuro.

"Tanginamo, pasalamat ka at umiinom lang ako! Ikaw?! Iyang punyetang trabaho mo ay kakaunting pera lang ang nakukuha mo!" Pumiglas si Mama mula sa pagkakahawak at nang bitawan ni Papa ang braso niya ay nagkaroon ang pasa ito. Napahagulgol si Mama habang hawak ang pisngi nito at tumalikod.

Between Our MaybesWhere stories live. Discover now