"But what happened, Lola? How did she end up with Lolo Martin instead of him?"
"Your Lolo Martin was the third party."
Mas lalo lang akong nagulat nang malaman 'yon. My heart wasn't ready for this and I now I know I should be.
I really should.
Lola said that they met Lolo Martin at a social gathering. Nagkakilala through a mutual friend. Si Ryan Buencamino naman ay mas matagal na nilang kilala. Boyfriend na ito ni Lola Graciela bago pa nila nakilala si Lolo Martin.
"Noon ay nakakaya nila ang long distance relationship ni Ryan. Magkalayo sila palagi dahil sa trabaho. Minsan naman ay bumibisita si Ryan kay Gracie at galing pa sa ibang lugar. Kapag sila ay magkalayo ay nagkakaroon lamang sila ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga liham."
Noon ay hindi masyadong clingy ang mga magkasintahan. Talagang nakakaya nilang malayo sa isa't isa kahit na mahirap. Noon ay hindi pa uso ang mga telepono. Nakakahanga talagang malaman na kahit hindi ganon kadali ang komunikasyon noon gaya ngayon ay nakaya nila na ganon lang. Loyal pa rin at devoted. Mas mabagal pa man din dumating ang sulat kesa mga text at tawag. Siguro kung ako 'yon ay hindi ko kakayanin. Kung ako 'yon, baka hindi pa nagtatagal ay panay na ang pagdududa ko at paghahanap sa jowa ko.
Pero wala naman akong jowa ngayon! So.. yeah.
"Alam ng Lolo Martin mo na may kasintahan na ang Lola Gracie mo pero hindi talaga siya pumayag na hindi niya makakatuluyan ang Lola mo."
"Ano pong ginawa ni Lolo?"
"He used his connections at work to be closer to my sister. And not only that. He paid some men to hide all the letters Graciela and Ryan write and give for each other."
I suddenly felt something in my eye. I couldn't believe that he, one of the least people I look up, to would do such a thing. Ang magandang reputasyon niya sa'kin mula pagkabata ko ay gumuho na lang sa isang iglap.
"Akala ni Graciela ay nalimutan na siya ni Ryan. Ganun din ang naramdaman ni Ryan kay Graciela magmula nang hindi na sila nakakatanggap ng sulat mula sa isa't isa."
"Dahil po ba do'n ay hindi na rin po binisita ni Ryan Buencamino si Lola?"
"Hindi ganon 'yon, hija," pagtutol niya. "Tuwing nagtatangkang bumisita si Ryan sa Lola mo ay sinasabi raw nina Lolo Martin mo at ng mga binayaran niyang tao na umalis daw si Graciela o kaya ay natutulog."
Wala akong nasabi. I'm still in the process of absorbing everything that was just revealed.
"Biruin mo, ha. Nagpakahirap si Ryan. Nanggaling pa mula Davao para lang makita ang Lola mo tapos pagpunta niya dito sa Batangas ay ganon ang sasabihin sa kaniya? Wala daw doon, natutulog daw. Talagang gumawa ng kung ano-anong dahilan mapigilan lang ang dalawa na magkausap," mahinahon ang pagkakasabi ni Lola no'n pero mahihimigan din ng pagkainis.
"Dahil po ba do'n ay nahulog na ang loob ni Lola Gracie kay Lolo Martin? Since humina na po ang communication nila no'ng boyfriend niya?"
"Hindi, apo. Humina man ang komunikasyon nila dahil kay Martin ay mahal na mahal pa rin nila ang isa't isa."
"Pero pa'no po sila kinasal?"
"Napilitan ang Lola mo na magpakasal sa iba dahil nagnakaw ng halik ang Lolo Martin mo sa kanya. Noon ay kapag nahalikan lang o nahawakan ay hindi pwedeng hindi ikasal."
I felt something cold touch my lips. That's when I realized I was already crying. Lumandas na sa pisngi ko ay hindi na namalayan. Pinunasan ko 'yon.
"Paano niyo po nalaman ang lahat ng nangyari, Lola? Have you actually witnessed everything?"
"I witnessed some but not all of it. Magkahiwalay kami ni Graciela nang mga panahong 'yon. Kaya ko nalaman ang buong kwento ay dahil nasabi sa'kin ng iba pang taong nakasaksi at umamin din mismo ang Lolo Martin mo at ang mga tao niya sa'kin. Pero huli na ang lahat nang umamin sila."
I saw how Lola's eyes turned bloodshot. Talagang nasaktan para sa kapatid. Ako rin naman, nasaktan. I never met Lola Graciela but I know that she didn't deserve that. No one deserves that. Because of everything I discovered, I suddenly questioned all the thoughts I had in mind earlier. Unti-unti nang lumilinaw sa'kin ang lahat.
"On the day of your Lola Graciela and Lolo Martin's wedding, Ryan's family was mourning. While our place was full of cheers and joy, all of them were crying. Because Ryan didn't know that his love was already married to someone else. Gustong-gusto pa naman nila si Graciela para kay Ryan. Everything was fine before all of that happened."
Nang marinig iyon ay lalo lang bumilis ang pag-agos ng mga luha ko. I wasn't the one who went in between them. I was not the third party. But I felt guilty. I was planning to do that kind of thing to an innocent couple. I was about to do that same thing if only Lola didn't stop me.
"I was the one who told Ryan about the news. And I'm telling you, he really got hurt. Do you know those gestures in movies where someone would tore their shirt while their down on their knees? He did that while he was in the water. That was painful."
Hindi agad ako nakapagsalita. "Paano naman po nakasal si Ryan Buencamino do'n sa napangasawa niya?"
"'Yong napangasawa niya ay matagal nang may gusto sa kaniya. Nasaktan nang todo si Ryan dahil mahal na mahal niya si Graciela. Umabot sa punto na natuto siyang uminom. Walang tigil. Nang nalaman no'ng babae na nawasak ang puso ni Ryan ay pinikot niya ito. May nangyari no'ng nalasing si Ryan. Kaya rin siya nakasal sa iba."
Saglit na tumigil si Lola bago nagpatuloy. "Ang lola mo naman, natutong magsugal. Pinabayaan ang sarili." She wiped her tears and sighed. "Minsan ko nang nakausap ang naging asawa ni Ryan. Nalaman ko sa kanya na laging umiinom si Ryan at tuwing nalalasing ay lagi niyang binabanggit ang pangalan ni Graciela. She had her with him until his last breath. But she never owned his heart."