Chapter 1

5 1 0
                                    

Loriel POV:

Nandito ako ngayon sa bayan upang magtinda ng mga gulay madalas ay naglalako ako pero mas madalas na ang dalawa kong kapatid ang nagawa nun.

Kailangan kong kumayod upang hindi kami magutom at meron kaming pang bayad sa aming mga utang, bumili rin ako ng gamot ng aking ama dahil sya ay may katandaan na at inaatake sa puso.

Nandito ako sa aking pwesto ngunit maya maya lang ay may nagsisigawan na at may hinahabol silang magnanakaw na bigla nalang nanghahatak ng wallet ng mamimili dahil pakelamera ako ay nakihabol na din ako hahahahahaha.

Nakita ko ang magnananakaw at naabutan ko itong paliko sa isang eskinita hahahah 'mali ka ng dinaanan pre wala kang lulusutan dyan' sabi ko sa aking isipan kaya bago pa sya makahanap ng daraanan ay hinarangan ko na sya.

"Hoy matandang kalbo ikaw na naman kelan ka ba magbabago antanda mo na sakit ka parin sa ulo"sabi ko sa kanya eh kilala ko tong kalbong to nagnakaw din to nung isang araw.

"Ano bang pakelam mo bata trabaho lang" ngiting asong sabi pa ni kalbo ews.

"Pakelam ko nga naman sayo kalbo eh ang pake ko lang naman ay yung ninakaw mo" maangas kong sabi sa kanya hahahahah

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa sinugod ko na kagad sya napakaingay nakakabingi. Pagkalapit ko sa kanya sinipa ko kagad yung sikmura nya at sinapak sya sa panga tsk ang hina pala nya laki mg katawan tapos sipa at sapak ko lang bagsak na kinuha ko na yung ninakaw nya ay shala pouch mayaman ata may ari neto pero bat sa palengke namimili hahahahahah.

Nakita ko yung babaeng na medyo may katandaan na din sya pala ang na nakawan kaya nilapitan ko na ito at binalik ang wallet nya.

"Ma'am eto po yung pouch nyo mag ingat po kayo sa susunod dahil marami pong ng hahablot dito" nakangiti ko pang sabi sa babe.

"Maraming salamat iha eto pala oh" abot nya sakin ng 1k "tanggapin mo bilang pasasalamat sa pagtulong mo sakin" dagdag pang sabi ng babe.

"Huwag na po at walang anuman po nakakahiya naman po tyaka tumulong po ako ng kusa" nakangiti at nahihiya kong sabi.

"Ang bait mo namang bata oh sya pag may kailangan ka tawagan mo nalang ako nagbakasyon lang din ako di ko naman alam na may ganto na din pala sa probinsya hahahahah naghahanap ako ng katulong para sa anak ko sa manila kung sakaling gusto mo at wag ka mahihiyang tawagan ako salamat na madami iha eto tanggapin mo pa din mauuna na ako" natatawa nyang sabi.

Hindi na ako nakaimik sa kadaldalan ng babae at naiwan nalang ang palad ko na may hawak na calling card at 1k ok na din pang bili na din. Bumalik na ako sa pwesto ko at nagtinda na.

My simple life as probinsyana girl suddenly change Where stories live. Discover now