Chapter 2

3 1 0
                                    

Loriel POV:

Nandito na ako sa bahay namin at eto na naman natulong naman ako sa gawaing bahay hobby ko din naman ito. Linis dito linis don.

"I will never fall inlove again until I found her~" pakanta kanta pa ako habang kumekembot na naglilinis, kung curious kayo kung nasan si nanay ayun nasa labas nakikipag chismisan bumili lang di na nakabalik hahahah.

So eto ako punas dito punas don, walis dito walis don ganto lang gawain ko tuwing linggo ang tumulong sa bahay para makapag pahinga din si nanay may trabaho din kase sya palagi at linggo lang din sya nagpapahinga labendera ang aking nanay pero madalas chismis ang trinatrabaho nyan hahahahahah.

Oo nga pala hindi pa pala ako nakakapag pakilala so ete ehem hahahah ang pangalan ko pala ay hotdog choss eto na talaga ako nga pala si Loriel Anna Cruz Malay ko ba sa nanay ko masyadong girly ang pangalan ko basta tawagin nyo nalang akong Riel(ri-yel) para astig.

"Anak"agad ako napalingon sa pintuan nung nakita ko si tatay na palapit sakin, ang kulit talaga ni tatay ilang beses na naman sya ni nanay sinabihan na wag na magsaka dahil may sakit sya pero ayaw makinig.

Nakalimutan ko pala ipakilala ang aking pamilya ang pangalan ng akin tatay ay Lorden Cruz 45 yrs old at ang aking nanay naman ay si Annaliz Sandoval-Cruz 40 yrs old. Merong din akong dalawang kapatid in short kambal sila hahahahah Loren Thunder Cruz at Lorenz Storm Cruz 15 na sila sa totoo lang ako lang ata ang may mabantot na pangalan kung nagtataka kayo kung ilang taon na ako magtaka nalang kayo joke 19 na ako hahahahahha.

Ang daldal ko jusme

"Anak tawagin mo na ang nanay mo sa labas kanina pa sya nandun sa tindahan sabihin mo hindi pa sya nakakaluto ng pagkain"utos sakin ni tatay eto kase si nanay eh eto ako naglalakad papunta kay nanay.

"Nay"tawag ko sa kanya pagkadating ko sa tindahan ay jusme nakikipag chismisan kay aling bebang.

"Oh anak andyan ka pala"ay hindi nay nandun ako.

"Nay tawag ka na ni tatay hindi ka pa daw tapos magluto bumili ka lang di ka na nakabalik"pang iinis ko kay nanay.

"Eto kase si Bebang sabi nya naghahanap daw ng katulong yung amo ng anak nya yung bespren mo"ah yung plastik kong bespren na nagtatrabaho sa manila.

"Oh tapos anong gagawin ko nay kung naghahanap ng katulong yung amo ni Bebang?"patanong na sabi ko kay nanay, magnanay talaga sila bebang at bebeng hahahahah.

"Ih baka gusto mo magtrabaho anak sa manila malaki din daw kase ang sahod"pamumulit ni nanay.

"Pag iisipan ko nay"at lumakad na habang pauwi kami ni nanay sa bahay panay pilit nya sakin.

"Nak pumayag ka na sayang din yun pangdagdag din natin sa panggastos sa pang araw-araw"napaisip din ako dun siguro ay papayag nalang ako.

"Pag usapan nalang natin pagdating natin sa bahay nay"sabi ko at nanahimik na.

Nung makarating kami sa bahay ay nagluto muna si nanay at ako naman at tinawag ang kambal para makakain na.

Nandito na kami ngayon sa hapag kainan at masayang nakain habang nakain ay rumatrat na naman si nanay este nagsalita.

"Anak pumayag ka na kase malaki din naman ang sahod dun"paninimula ni nanay.

"Ano ba yan pinagsasabi ng nanay mo loriel?"agad na tanong ni tatay.

"Si aling bebang po kase naghahanap daw po ng katulong yung amo ng anak nya eh pinipilit ako ni nanay magtrabaho dun"sabi ko

"Anong desisyon mo anak?"tanong pa ulit ni tatay pati si nanay nag aantay ng sagot.

"Payag po ako tay mas ayos din po yun dahil malaki po ang sahod"sabi ko kay tatay.

"Sigurado ka na ba dyan nak?"

"Opo tay"

"Iiwan mo na ba kami ate?"malungkot na saan ni Lorenz.

"Hindi Renz magtatrabaho lang si ate sa manila para may pang gastos tayo"pagpapaliwanag ko sa isang kambal.

"Kelan ka aalis ate?"tanong naman ni Ren.

"Hindi ko alam kay nanay Ren"sagot ko dito.

"aalis ang ate nyo bukas madalian din kase may binigay na saking address si bebang at pupuntahan ko nalang sya mamaya para masabihan nya ang anak nya na dadating ang ate nyo"nagulat ako sa sinabi ni nanay dahil bukas na kagad aalis.

Matapos sabihin yun ni nanay ay nagpatuloy na kami sa pagkain. Pagkatapos kumain at nagligpit ng kami at pumasok na ako sa kwarto ko sakto lang ang bahay namin gawin din ito sa kahoy pero matibay meron itong apat na kwarto. Ang kwarto ko ay sakto lang para sakin may isang kama, sa ilalim nun ay parang aparador na pinagawa ko pa mismo kay tatay para lagayan ko ng aking mga damit at iba pang gamit may bintana din na maliit pagbukas ng pinto ng kwarto ko at lamesa ang unang bubungad at upuan ang lamesa kase ay katabi lang ng aking kama kulay black at violet ang kwarto ko na ako naman ang nagpintura at ang kambal naman ay magkasama sa isang kwarto ginawan sila ni tatay ng double deck na gawa sa kahoy at ang isang kwarto ay para kay nanay at tatay, ang natitirang kwarto ay para pag may bisita dun matutulog malay ko kay tatay ang ano mag isip tumulong din sya sa pag aayos ng aming munting bahay.

Oh sya tama na ang daldal matutulog na ako at aalis pa ako bukas bye bye guys.

__________
Sorry guys kung minsan lang ako mag update at ang boring ng story ko first story ko kase to

Enjoy reading!

Author:Zel💜

My simple life as probinsyana girl suddenly change Where stories live. Discover now