SimulaAbot abot ang tahip sa aking dibdib habang sinusubukang ipaliwanag sa cashier kung bakit late ako nagbayad at kung bakit wala pa ring pirma ang clearance ko hanggang ngayon.
Ngayon ang unang araw ng klase pero imbes na nasa loob ako ng classroom para sa unang araw ng pasukan at kinikilala ang mga bago kong kaklase at teacher, here I am standing infront of the school's office settling my unpaid bill or school fees from last year.
Pinagsisihan kong hindi ko agad ito inasikaso or should I say tinapos noong march before kami magtake ng summer break. Karamihan sa mga estudyante ay tapos na sa phase na ito, pero dahil tinamad akong magpabalik-balik ng school at maghabol ng teacher, nagbakasyon akong blangko ang clearance.
And to add, I enjoyed my stay in my grandmother's hometown too much making me extend for another week of my supposed return date, inubos talaga ang araw ng bakasyon kaya ang ending hindi nakaabot sa enrollment period.
Kaya heto't napapabulong na lang talaga ako sa hangin na nasa huli ang pagsisisi.
"Ito yung total ng kailangan mo bayaran..." naka kunot noo na sabi nong teacher na encharge sa akin at agad akong nag-abot ng pera.
After paying everything and after they're done signing my clearance for proofs that I was already fully paid, I immediately went straight back to my old classroom in the hopes to see Mrs. Valente, my former advicer.
Pirma niya na lang kasi ang kulang para makuha ko ang aking report card na nasa faculty na siyang requirements para makapag-enroll ako.
Iyon nga lang pagdating ko doon ay nagsisimula na ang klase sa unang subject, which is klase ni Mrs. Valente. And since I know how terror and irratable she is, I never wish to disturb and be on her badside this early morning.
Ayaw ko magkaroon ng part two yung isang umagang minura niya ako no!Dahil paniguradong kung mang-iistorbo ako ngayon ay matatalakan lang ako kung bakit ngayon ko lang ito inasikaso.
So I had no choice but to wait until the first period finish.
Sa may hallway ko piniling maghintay kung saan tanaw ko pa rin ang classroom para alam ko kung tapos na sila. At sa halos isang oras kung nakatayo doon ay ramdam ko ang pangangalay sa aking binti na dinaan ko na lang sa pag-padyak padyak.
Kaya ng makitang nagsitayuan na ang mga estudyante ay halos mapasigaw ako sa tuwa. Finally!
I immediately approached Ma'am Valente when I saw her nearing the door going to her next subject. At hindi ko pa nga nasasabi ang pakay ko ay nakataas na agad ang kilay niya kaya mas lalo akong kinabahan.
Good thing at mukhang kahit lagi siyang nakasimangot ay good mood naman siya today dahil hindi niya ako tinarayan. She immediately give me what I needed kaya nakapunta ako sa faculty at nakuha ko rin kaagad ang report card ko.
Napahinga ako ng malalim nang mapagtantong isang paghihirap na lang at mase-settle na itong problema ko. I just needed to go to the enrollment desk, fill up some form, submit it and I'm done.
Kaya naman ngayon ay medyo nakahinga na ako ng maluwag at medyo panatag ng naglalakad papunta doon sa may lamesa.
"Bakit late kana nag-enroll?" bungad iyan sa akin nong isang teacher na incharge sa enrollment ng mga estudyante sa grade ten.
Pinalawanag ko kung bakit at pagkatapos sabihin ang dahilan ay wala naman na silang iba pang sinabi o tinanong. Iniabot lang nila yung form na dapat kong sagutan.
May iilan akong nakasabay na mukhang mga late enrollees din. Yung iba naririnig ko na magta-transfer ata, pero hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin at mas nagfocus na lang sa susulatan ko.