Time Forgets [One-Shot Story]

2.2K 82 11
                                    

"Time Forgets."

"But I'm not." 

"Cindy.." Ngumiti ako at umiling tsaka tumakbo. Napanood ko kung paano sya namatay ng dahil sakin, napanood ko kung paano nya sinayang ang buhay nya dahil sakin! DAHIL SAKIN! DAHIL SAKIN!

 **

First day ko nun sa college, hindi ko pa alam kung paano ako makikipagkaibigan. Nagkahiwalay kami ng bestfriend ko dahil magkaiba kami ng course, todo ako kabahan nun, dahil iniisip ko paano kung walang magkagusto sa ugali kong 'to? Paano kung maisip nila grabe ang pagkakachildish ko? Paano kung isipin ng lahat na wala akong kwentang tao? 

Nanginginig pa kong pumasok nun sa classroom, walang ngumiti sakin, siguro nga kasi ayaw nila sakin agad sa unang tingin.

Umupo ako sa pinakadulo, hindi dahil sa nagpapaka-anti social ako kundi dahil gusto kong makita kung paano sila makipagkaibigan.  Biglang kang dumating, ngumiti ka sa lahat kaya naman nagulat ako dahil kalalaking tao mo pero kung maka-ngiti ka kala mo wala ng bukas. Napansin mo atang nawi-weirduhan ako sayo kaya tumabi ka sakin at lalo pang ngumiti.

"Blake nga pala." Pakilala mo sakin, ngumiti ako sayo.

"Cindy." Simula noon palagi na tayong magkasama, ikaw ang una kong naging kaibigan sa college life ko, ikaw ang una kong nakasama nun, ikaw ang kasama ko na mag-adjust nun sa pagiging college student. 

Minsan nga napagkakamalan nilang tayo pero tinatawanan lang natin sila. Minsan naman tinatanong nila kung nanliligaw ka pero tumatawa lang tayo dahil nasa isip natin nun, ang dudumi ng isip nila at binibigyan ng malisya lahat. Nakakatawa, dahil kapag nagkikita tayo, magyayakapan tayo at magkikilitian na dinaig pa natin ang mga lovers nun.

Masaya na tayo, kuntento na ko sa kung anong meron satin, may special attachment ng nabuo satin sa loob ng apat na buwan, natapos ang isang semestre at nangulit ka na kapag hindi tayo sabay magenroll, aawayin mo ko nakakatawa ka nun dahil para kang bata kung mamilit. Magkasama tayo sa pangalawang semestre. Mas lalo tayong naging close.

Alam ko sa sarili ko na mahal kita nun, pero hindi ako umasa, bakit? Dahil ayokong masira kung ano ang meron satin. Masaya na ko na palagi kang nasa tabi ko.

"Hoy Cinderella!" Sigaw mo sakin, naiinis ako kapag tinatawag mo ko sa buo kong pangalan.

"Ano nanaman Blake?!" Inirapan kita pagtapos kong tanungin kung bakit, tumawa ka at umakbay sakin.

"Ang gwapo gwapo ng bestfriend mo." Hinampas kita ng dala kong libro nun.

"Ang yabang mo. Alis nga, magrereview ako!" Sigaw ko.

"Exam nanaman, kahapon ka pa nagrereview! Kwentuhan muna tayo." Tinaasan kita ng kilay nun.

"Correction Mister! Kahapon pa ko nagbabalak magreview pero palagi kang umeepal." Sabi ko naman, ngumuso ka nun na pinandirihan ko kasi bihira mo gawin yun, sa totoo lang napaka-cute mo pag ginagawa mo ang isang bagay na yun. Isa yun sa mga namimiss ko.

"Edi wag!" Umalis ka nun, tinawanan lang kita at nagbasa na lang ako ulit. Maya-maya ng konti, bumalik ka at umakbay sakin.

"Ano nanamang pakulo mo?" Inis kong tanong sayo, kasi nakakabisado ko na yung mga definition pero ginugulo mo nanaman ako.

"Mahal mo bestfriend mo?" Tanong mo sakin.

"Oo naman. Mga tanong mo." Sabi ko sayo at kinutusan ka pa.

"Paano kapag may nanakit sakin? Anong gagawin mo?" Tinawanan kita nun dahil para kang ewan, nakakatawa ang ekspresyon mo. Hindi ko alam kung kakabahan o matatawa sayo.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon