Alfonso's POV
"Mahal ko, ikaw ay mag iingat....mahal na mahal kita, alfonso"
Nagising ako mula sa aking mahimbing na pagtulog
napakagandang panaginip
"Ginoong Alfonso, ikaw ay ipinapatawag ng inyong ama"
saad ng isang kasambahay
"o sya sige, ako ay papunta na"
tumayo ako mula sa aking pagkahiga at tumungo sa silid ng aking ama
kumatok ako ng tatlong beses at saka binuksan ang pinto
"Ano ang aking nababalitaang hindi mo kinita ang anak na babae ni Pasing?? Nakakahiya ka!!"
iyan ang bungad niya sa akin
"ngunit hindi ninyo maitatanggi na wala akong pagtingin sa kanya!! Alam ninyo ang aking pinagdaanan subalit bakit parang hindi ninyo alam ang aking nararamdaman??"
"Kailanang magpatuloy ang daloy ng buhay mo, alfonso!! Matagal nang patay si Esmeranza!!"
"Marahil patay na nga siya ngunit hindi ninyo maitatanggi na nakaukit pa rin sa aking puso ang mga magagandang ala-ala namin at ang aming pagmamahalan!!"
"Sa ayaw at sa gusto mo, ako ang masusunod sa pamamahay na ito!!!"
"Marahil tama kayo ama. Kayo ang masusunod sa pamamahay na ito ngunit hindi ninyo ako tagasunod ama!! may sarili akong pag iisip!!"
"kung ganoon lamang ay makalalayas ka na sa pamamahay na ito!! huwag na huwag kang magkakamaling itapak ang kahit kadulo-duluhan ng iyong daliri sapagakat hindi na kita kinikilalang anak!!"
"Kung ganoon lamang pala ay ako ay mauuna na at mag iimpake. Kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa ama!! Kung gusto ninyong magpatuloy ang daloy ng pamilyang ito, bakit hindi ikaw ang magpakasal?? gayun din namang biyudo na kayo??"
"Hindi mo ba talaga ako igagalang??"
"Marunong akong gumalang ama at kayo pa ang nagturo noon!! Hindi ba't sabi ninyo na igalang ang kagalang-galang?? sa inyong inaasal, kahit ang may mataas na pinag-aralan ay hindi manlang magpapakita ng kahit katiting na paggalang!!"
natahimik siya at nag-isip
marahil alam niyang sa lahat ng sagutan naming dalawa ay hindi siya kailan man nanalo
Kung hindi lamang sana siya tumutol at tinanggap ang pagmamahalan naming dalawa ni Esmeranza, baka igalang ko pa siya ng lubos
Bakit nga ba hindi niya tinanggap si Esmeranza??
dahil sa antas ng buhay nito!!
aanhin ko pa ang kayamanan kung ang babaeng nagpapasaya sa akin ay wala??
sumakay ako sa karwahe namin at nag pahatid patungo sa bayan
habang nasa daan, biglang bumuhos ang ulan
napangiti ako
marahil naaalala ko na naman si Esmeranza
mahilig siyang maglaro sa ulan
*Bogsh*
Halos magwala ang mga kabayo dahil sa lakas ng kulog
"patahanin mo ang mga kabayo, ginoo"
"masusunod po"
hinila niya ang lubid upang mapatahan ang mga kabayo ngunit mas lalo itong nagwala
Mabilis na tumakbo patungo sa bangin at isinama kami sa pagkahulog
YOU ARE READING
My man from 1920
Historical FictionHindi lahat ng taong mahal natin ay mapapasa atin. Itinadhana tayo sa tamang tao at tadhana mismo ang gagawa ng paraan para magkita kayo ~Alfonso Juanito Y. Alondra