Chapter 1

2 0 0
                                    

Ang unang pagkikita

"hoy!!! akin na yung bola!". sigaw ko kay jared.

"relax lang joy". sabi naman ni kat na kaibigan ko simula pagkabata.

naglalaro kami ngayon sa court habang ginagawa ang stage kase malapit na ang fiesta ng aming barangay.

ang ingay naman ng stage na toh! buset naman.

"bukas na nga pala ang fiesta". sambit ni kat habang ngumunguya ng fishball. toh talagang babaeng toh kahit kailan eh. may laman ang bibig nagsasalita. mabulunan ka sana.

"oh?". sagot ko habang tulala sa kawalan.

"huyy!". panggugulat sakin ni kat.

babaeng toh talaga oh alam ng nag momoment pa eh.

"ano ba? epal naman nag momoment yung tao eh, panira naman toh". sabat ko sa panggugulo nya.

" ano nanaman ba kasi yang iniisip mo?". tanong ni kat

iniisip ko ngayon ang mangyayare sakin sa nueva ecija.

ipapatapon na ako ni mama sa nueva ecija dahil sa pagiging pasaway ko.o

"wala". maikling sagot ko habang nakatingin sa kawalan.

hindi talaga ako makakapagtago ng sikreto o nararamdaman sa best friend kong toh.

sa tagal ba naman naming magkaibigan may maitatago pa ko dito?

halos lahat ng pinagdadaanan ko at talambuhay ko alam neto.

si kat lang talaga ang pinagkakatiwalaan kong kaibigan simula noon hangang ngayon.

"hay nako Joy kilala kita, kilalang kilala". nakataas na kilay nya yabang dinuduro ako.

hay eto nanaman tayo. hindi talaga ko makakalusot sa kaibigan kong toh.

"oo na, eto na". napapikit na lang ako sa pagka inis dahil wala rin naman akong maitatago sa kaibigan kong toh.

"ipapatapon na ko ni mama sa Nueva Ecija". malungkot sa sambit ko habang nakatingin sa mga baklang naglalagay ng palamuti sa stage para sa palabas mamayang gabi.

"Asus maniwala ka jan kay tita". pabirong sabi ni kat.

"taon taon ka naman nag babakasyon dun. at tsaka andito school mo oh." pagpapakalma ni Kat sa akin.

"Sabagay". sana nga.

"eh pano ka?". tanong ko sa kanya.

alam kong mamimiss ako neto haha charot. alam kong malungkot toh pag wala ako.

"hay joy wag mo ko alalahanin magbabakasyon din ako sa ilocos noh". sagot nya sakin sabay tulak ng mahina sakin.

tulad ko lola nya ang nasa probinsya na mag aalaga sa kanya at lola ko rin ang mag aalaga sakin sa probinsya.

sa totoo lang gusto ko talaga ang buhay probinsya. yung simple lang pero masaya.

malayo sa sermon at palo ni mama.

"ikaw, kailan alis mo?". tanong nya sakin habang ngumunguya ng fishball.

hindi na talaga nauubusan ng nginunguya toh.

"sa makalawa na". sagot ko sa
tanong nya.

sa makalawa na talaga pag tapos ng fiesta. oo ganon kabilis pano parang atat silang ihatid ako sa N.E.

"kung gayon sulitin mo na ang araw na naririito ka". natatawa nyang sambit.

"ano yan mamamatay? naneto talaga".
sambit ko na natatawa na din. nakakahawa din talaga kagagahaan neto.

"toh naman di mabiro". panloloko nya pa. konti na lang talaga kukultukan ko na toh.

"teka anong oras na ba?". tanong nya sakin. 

muka ba kong may relo? kita naman sa kamay ko na walang nakasabit

"teka tignan ko sa apple watch kong 11,999 fully paid". pagmamayabang ko sabay tingin sa pala pulsuan kong wala namang bakas ng relo.

"wala akong makita kat, balat lang". sarkistiko kong sambit sabay tawa ng mahina. hahahahah napagtripan nanaman.

"hhahahahha". tawa nya. oh diba napatawa ko pa ang hayup.

"hay ewan ko sayo. bagtit". dagdag nya sabay hampas sa balikat ko.

"oh sya sige maliligo muna ko". paalam nya sakin.

asus di pa pala naliligo tong kumag na toh.

"yuckk, inamo wag ka na maligo. hindi ka nga naliligo eh". pang asar ko sa kanya.

"tanga kahapon pa ko di naliligo". sabay takbo papuntang bahay nila.

binatukan pa ko bago umalis.

diba kagaling.

hayy mag isa nanaman.

hindi pa pala tapos mag design ang mga bakla sa stage kaya sa ilalim muna ko tatambay.

"oh sige malaglag ka jan". sigaw ko sa pinsan kong nag lalambitin.

di pa ko pinansin tsk isusumbong ko yan kay tita.

habang tumatawid ako sa mga bakal may babaeng nauntog pagkatungtong nya hahahahhaha

oh tanga hahahahhaha

kahit gusto ko matawa pero pipigilan hanggat kaya pa baka mapaaway eh.

habang nagpipigil ako ng tawa
lumingon sya sakin habang hinihilot ang ulo nya.

di ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

hindi maipagkakaila ang taglay nyang kagandahan...

dugdugdugdugdugdugdugdug...

"ano ba? hindi mo ba ko tutulungan? ang sakit kaya".  natauhan lang ako nung mag salita sya.

ano ba tong puso kong toh daig pa tambol sa lakas ng kabog.

"a-ah d-di ka kasi nag iingat eh". mabilis kong sagot na nauutal pa.

"so kasalanan ko? kasalanan ko bang katigas ng bakal na toh". pagtataray nya hahahha

kasarap naman asarin neto.

"patingin nga". sabay hila ko sa kanya at tinignan ang ulo nya.

"may bukol nga". sabi ko sabay diin sa bukol.

"aray!". daing nya. nakahawak pa nga sa braso ko.

hinilot ko lang ang bandang may bukol

"lagyan mo lang yan ng yelo iimpis na yan". sabi ko sa kanya.

"s-salamat". pasasalamat nya sakin hays maliit na bagay matulungin talaga ko haha weh..

"mag iingat ka sa susunod, wala ako lagi dito para gamutin yan". sambit ko sabay ngiti at umalis.

hindi na ko nag paalam pano ba naman ako makakapag paalam kung pulang pula na muka ko at hindi ko maitago ang ngiting kanina ko pa pinipigilan.











STAGE (A Short Story)Where stories live. Discover now