PIGIL ang sarili niyang humikab habang naglalakad sa lobby ng kompanya. Kumpleto naman ang tulog niya ngunit pagod na pagod pa rin ang kaniyang pakiramdam. Gustuhin niya mang mag-inat ng katawan ay hindi niya magawa sapagkat maraming mga mata ang nagmamatyag sa bawat kilos niya. Baka kung ano pang isipin ng mga ito.
" Good morning Ms. Gertrude, may nagpapabigay po." Abot langit ang ngiting iniabot sa kaniya ni Mikka ang isang bouquet ng pink tulips.
Si Mikka ay isa sa receptionist ng kompanya, palangiti at palakwento, kaya madali niyang nakagaanan ng loob. Malimit niyang sinasabayan ang pagiging hyperventilated nito, ngunit hindi ngayon na tinakasan sya ng enerhiya sa katawan.
" Morning, kanino galing?" Takang tanong niya habang kinukuha ang bulaklak. Nakakaloko itong ngumiti sa kaniya.
" Patiently waiting for you. -H.E."
" Ha?" Takang tanong niya.
" Iyon ang nakasulat sa card." Ngiti nito.
" Ah, you've read it already." Tumatango niyang wika.
" Ang bango kasi e. Amoy mayaman." Anito at napakamot sa magkabilang kilay.
" Ikaw ah, sino si H.E? Home Economics?" May bahid ng panunukso nitong tanong. Lumalabas na naman ang pagiging makati ng dila nito.
" Nanliligaw na pala ngayon ang isa sa strand ng K-12." Hindi niya mapigilang matawa sa tinuran nito.
" Siguro." Sakay niya dito.
" Pero seryoso, alam mo namang botong-boto ako sa loveteam niyo ni Sir Zerachiel. Don't tell me hindi na lalayag ang barko niyo." Nangalumbaba ito sa counter.
" Huwag kang magpapadala sa pink tulips." Nangahaba pa ang nguso nito.
" Kanino galing 'yan?" Biglang sumulpot sa kaniyang tabi si Zerachiel.
" Good morning Sir," Bati sa kaniya ni Mikka.
" Good morning Sir." Binati niya rin ito kahit hindi niya ramdam na batiin ito.
" Kay Mr. Elizondo Sir, ang bagong admirer ni Gertrude." Nag-isang linya ang labi ng lalaki sa naging kasagutan ni Mikka.
" H. E. stands for Howard Elizondo, hula ko lang naman po." Alangan syang napangiti nang sumama ang timpla ng mukha ni Zerachiel.
" Tell him that Gertrude prefers food, it's not edible anyway." Kinuha nito mula sa kaniya ang bulaklak at tinapon ito sa pinakamalapit na basurahan.
" You have pollen allergy, right?" Ngiting baling nito sa kaniya.
" Ah, oo." Kahit wala naman talaga syang allergy sa bulaklak.
" Gertrude come with me, I haven't eat breakfast and there's a newly open food stall a few blocks away from here. It was highly recommended by Erelah." Nasa boses ng lalaki ang excitement. Kinuha nito ang hawak niyang handbag at nakangiting hinawakan ang kaniyang kamay. Napatulala sya sa ginawa nito at iginala ang tingin sa paligid.
Halos sabay-sabay na napaiwas ng tingin ang ilang empleyado na nakakita sa ginawa ni Zerachiel.
Impit namang napatili si Mikka.
" Pwede po ba akong sumama Sir?" Tanong nito.
" No, I only prefer Gertrude's company."
" Aysus, kailan kaya ako makakahanap ng katulad ni Sir Zerachiel?" Animo'y nangangarap ng gising syang napatingin sa magkahawak nilang kamay.
" Just don't wish for someone like me for you to find the right one."
" May I know the reason Sir?"
" You don't always end up with the man you want and the one who reached your standard," Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi sa naging kasagutan ng lalaki. Manghang napapalakpak naman si Mikka.
" Noted Sir, humayo na kayo at magpakarami."
" Is it okay with you if we're just going to walk the distance from here?" Nagpatiuna ito sa paglalakad at pinagbuksan sya ng pinto.
" Oo naman."
NANG makalabas ay sinalubong sila nang maingay at paroo't paritong mga tao. Nakakabinging ingay ng mga sasakyan at nakakahapong usok na nagmumula dito.
Maaliwalas ang kalangitnan at may kahapdian na rin sa balat ang sikat ng araw.
" So I am not your ideal-"
" No, you'll never be..." Putol nito sa sasabihin niya.
" Because you're my surreal dream in reality," Ngiti nito, dahilan upang hindi niya mapigilan ang mapangiti.
" Stop smiling, kinikilig ako sa ganda mo," Parang batang paslit nitong wika.
" Nambobola ka ba?" Natatawang umakto syang nagulat. Lumipat ito ng pwesto malapit sa mga dumaraang sasakyan at marahan syang hinawakan sa bewang.
" Someone might saw us." Kinakabahan niyang saad nang hindi ito tinitingnan.
" Then great, I would love to if they create a rumor between us."
" You're impossible." Iling niya.
" Am I?" Lalong lumakas ang tawa niya nang umakto din itong nagulat sa kaniyang tinuran.
Kakaiba talaga ang pag-uugali ng lalaki.
Nabura ang ngiti sa labi niya nang sumeryoso ang mukha nito.
" I'm tired of hiding Gertrude," Anito at napabuga ng hangin. Hindi niya maiwasang malungkot sa tinuran nito.
" I'm so-"
" But don't worry I can always wait," Wika nito at muling nanumbalik ang kasiyahan sa mukha. Bipolar.
Hinawakan sya nito sa kamay at hinila papasok sa loob ng isang tanyag na flower shop sa lungsod.
" Tulips isn't your favorite flower," Naglakad ito papunta sa bulaklak ng gumamela na nakalagay sa mamahaling paso.
Kinuha niya ito at pinakita sa kaniya.
" This, this is your favorite," Hindi pa pala nito nakakalimutan.
" It can also live longer because it was planted in a pot, isn't it amazing?" Tumango na lang sya, sino bang hindi matutuwa kapag binigyan ka ng bulaklak na nakatanim sa paso.
" I'll be the one to water it everyday to prolong her life," Napataas ang kilay niya sa tinuran nito.
" What are you trying to imply?" Alam kasi nito na mabigat ang kamay niya para bumuhay ng halaman.
" Relax, I didn't mean to offend you," Tawa nito pero halatang kinakabahan.
" Well, I'm already offended," Kuwari'y naiinis niyang wika.
" May maipaglilingkod po ba ako Ma'am and Sir?" Magalang na tanong sa kanila ng attendant ng flower shop. Mukhang working student ito dahil nakasuot pa ito ng isang pamilyar na uniporme. Ang uniporme nila no'ng nasa highschool pa lang sila ni Erelah.
" I'll buy this Miss," Sagot sa kaniya ni Zerachiel.
" Para kay Ma'am po ba?" Tanong nito sa lalaki sabay baling ng tingin sa kaniya.
" Do you think she will like this?" Sinamaan niya ng tingin si Zerachiel sa katanungan nito dahil alam naman nito na gustong-gusto niya ang halaman na iyon. Kung hindi nga nito bibilhin iyon para sa kaniya ay sya na lamang ang bibili.
" Nasisiguro ko pong oo, alam niyo po ba ang ibig sabihin kapag binigyan niyo ng gumamela ang isang tao?" Kunwari namang interesado ang lalaki sa katanungan ng attendant. Alam naman kasi nito ang ibig sabihin ng bulaklak.
" I have no idea." Umiling pa ang lalaki.
" Ibig sabihin po ay mahal niyo ang taong 'yon, kaya ang swerte niyo po Ma'am kung ibibigay ito sa inyo ni Sir," Abot langit ang ngiting wika nito sa kaniya.
Magaling bumenta ang batang 'to.
" Did you hear that Gertrude? You're a lucky girl if I give this to you." Natatawang saad ni Zerachiel at sinayaw-sayaw pa sa ere ang halaman.
" Baliw,"
" But I'm more lucky to have you," Dagdag pa nito.
Wari'y uod naman ang attendant na binudburan ng asin dahil kulang na lang ay mangisay ito sa kilig.
Mga kabataan talaga ngayon pawang kilig at pag-ibig na lang ang nasa isip.

BINABASA MO ANG
His Unfeigned Affection (COMPLETED)
RomanceGertrude hid a secret, a secret that can either break or strengthen her relationship with Zerachiel.