"Hindi ko alam kung bakit ako nandito," panimula ng babaeng nakasuot ng beanie at round glasses.
"Sumama lang ako dahil binigyan nila ako ng pagkain."
Apat na nagtatakang mga mata ang tumitig sa babae.
"Killing is totally my thing," ngisi ng lalaking may peklat sa kanang pisngi. "Hindi maaring mabuhay ang mahihina sa mundong ibabaw."
Kumunot ang mga noo ng mga kasama nito.
"Hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito," bulong ng payat na babaeng kulot ang buhok.
"Wala akong kahit anong alaala ng mga pangyayaring naganap bago ako napunta dito," dagdag niya.
Nakataas na mga kilay, mapagtanong na mga tingin, at talumbaba ang sumalubong sa babae.
"Hinding-hindi ko gagawin ang gusto nilang mangyari," tumayo ang matangkad na lalaking kulot ang buhok.
"Labag iyon sa batas moral na sinusunod nating mga tao."
Mga ngisngis, kunot ng noo, at mapagtanong na mga kilay ang tumugon sa lalaki.
"I'm just here to survive," pagdeklara ng babaeng bilugan ang mukha.
Mga tango at ngisi ng pagsang-ayon ang ikinilos ng kanyang mga kasama.
At biglang tumunog ang kampanela. Its ringing sound signaling the start of the game and the massacre that will soon follow.
YOU ARE READING
K
Mystery / Thriller____________________________________________ Status: Ongoing An unknown place. Unfamiliar faces. Dismal atmosphere. A new name. Our reality is not for the faint-hearted. For, tragedy is everyone's reality. __________________________________________...