Chapter 3

9 1 0
                                    

"Ikaw Madeline, wala pa bang nanliligaw sayo?"

Napairap ako nang marinig ang tanong ni Mama, halos araw-araw nyang tanungin sa akin iyon.

"Ayaw ko nga ma!" naiinis ko na sagot.

"Ng lalaki?" nakataas at mapangasar nya pa na tanong.

"Ayaw ko sa relasyon ma." pagpapaliwanag ko dahil iyon naman talaga ang totoo. Minsan feel kong maging in relationship, pero with who?

"Basta Madeline Shrine, kapag may nanligaw sayo sabihan mo kagad si Mama." ani ni Mama bago ako tuluyang umalis.

Malapit lang naman ang school dito kaya naglalakad nalang ako, nang makapasok ako sa room ay kaagad kong naabutan ang mga kaklase ko na mukhang mga aligaga.

Mga aligaga nga sila.

"Anong meron?" tanong ko kay Felicity nang makaupo na kasalukuyang sinusuklay-suklay ang buhok nya.

"Picture-taking for Id, di mo knows?"

"Di ako nag-online kagabi eh." dahilan ko saka nag-umpisa ayusin ang sarili ko dahil ayoko magmukhang lokaret sa ID ko.

Nung nakaraang taon tila dinaanan ako ng bagyo sa ID picture ko at ngayon di na iyon mangyayari.

"Bawal mag-ipit." ani ni Felicity nang akma kong tatalian ang buhok ko.

Napanguso nalang ako, kung sana katulad ng buhok ko ang buhok ni Felicity ayos sana. Makapal kasi ang buhok ko tapos minsan napakalaki ng volume ng buhok ko.

"Akin na tulungan kita." ani ni Felicity saka hinila ang aking upuan sa tapat nya. Amoy na amoy ko sya, she smelled like -

"Are you using men perfume?" I ask, I saw how she chuckled and answered yes. Well the men perfume she used is not that bad hindi sya matapang hindi din malamya.

Hmm nakaayos na sya, kahit talaga light lang ang make-up nya halata padin ang ganda nya. Naaalala ko pa nun kung paano halos di kami makalabas ng classroom tuwing valentines sa dami ng lalaki at minsan may mga babae na nasa labas ng room namin na hinihintay sya.

Sinuklay-suklay nya ang buhok ko na lubos kong pinagtataka. Ibang klase kasi si Felity, sya iyong kapag nagamit nya na sa kanya na talaga. Naalala ko nga nung elementary kami, may lalaking gumamit ng suklay nya halos mawalan ng buhok ang lalaki dahil sa inis nya.

"Suklay mo iyan diba?" tanong ko sa kanya, "Oo, pero extra ko nalang to. Bibigay ko nalang sayo pagkatapos." sagot nya habang nasa buhok ko padin ang pansin.

Laking gulat ko ng tumigil sya at may kinuha sa bag, gunting sya na may suklay?

"Ayo---" hindi nya na ko pinatapos pa at sinabing thinner scissors daw iyon para numipis lang nang bahagya ang buhok ko. Sinaway ko pa nga sya dahil sa loob kami ng classroom nag-gugupit pero hindi sya nakinig.

"Aaa ka!" utos nya sakin kaya naman binuka ko ang aking mga labi.

"Ano yan?" tanong ko sa hawak nyang cotton buds na may nakalagay na kung ano para sa labi.

"Lipbalm" sagot nya, "Hindi mo naman kailangan ng ultra make-up maganda ka na." dugtong nya pa.

Maingat nyang nilagay sakin ang lipbalm at inutusan akong ikalat iyon sa aking labi. Pagkatapos ay may inabot sya saking salamin.

I checked myself, oh damn. How can I look so freaking good.

~



"Torren!" tawag sa aking apilido.

Kaagad akong lumapit sa white wall saka ngumiti.

Halos kalahati ng pang-umaga naming subject ay wala dahil sa ID picture taking.

Nang i-dismiss kami ng panghuli naming teacher at ang nag-iisang teacher na nakapasok sa class naming umaga ay kaagad akong dumiretso sa canteen.

I ordered a usual meal. Isang ulam at isang cup ng kanin. I was seating alone enjoying my meal when suddenly I get a deja vu.

It was the one and only Felicity Ysl seating infront of me once again, she got a once again salad na iba ata ang uri sa nakaraang salad na binili nya sa labas.

Instead of whining ay pinili ko nalang manahimik at hayaan sya na maupo sa aking tapat, she also did the same. Tahimik lang syang kumakain ng dahon nya, minsan ay nababaling ang tingin ko sa kanya gayon din sya sa akin.

Hindi sya awkward kahit na hindi kami nag-uusap, kahit din na hindi kami nagsasalita ay tila nagkakaintindihan kami.

Nang ibalik ko ang aking napagkainan ay nandun sya sa labas ng canteen na mukhang hinihintay ako, sabay nadin kaming pumasok muli ng room.

"Hindi tayo magpapatrol?" tanong ko kay Felicity nang makaupo kami sa aming upuan.

"Sila Angelo na yun, tas sika Gerome bukas tas tayong dalawa uli." sagot nya na kinatango ko nalang.

Habang wala pa si maam ay nagtugtugan ang mga kaklase ko, may dalang malaki at malakas na speaker kasi ang isang kong kaklase.

I couldn't help but to sing along with them, hindi naman ganon kalakas ang boses ko dahil ayokong may issue kami ng katabi ko.

"You have a great voice." papuri sa akin ni Felicity, sinagot ko sya gamit ang line ni Beyoncé. "When you lose the one you wanted, cause he's taken you for granted~".

"Yeah, If I were a boy."

~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Romantic WomenWhere stories live. Discover now