CHAPTER1♥ THE PAD GIRL

13 0 0
                                    

Andito ako ngayon sa kwarto ko, Nakabalot sa kumot habang nakahilata sa Kama with sabog na buhok pa, habang nakatutok sa laptop ko. Grabe ang lamig ngayon ah.

“Ate! Tawag ka ni mama!" Ano ba naman yan! Ke aga aga ng iistorbo!

“Ano nanaman ba yun?! Naman eh!"

Itinigil ko yung pang iistalk sa fan page ng The Clash. Epalsy naman kasi tong si mama eh!


“ANO BA YON MA! KASE NAMAN EH!" Maktol ko habang pababa ng hagdan, At kinakamot ang ulo KO

“AYY ASWANG!" Sigaw ni mama. Paakyat din siya kaya nagkasalubong kami

Muka ba kong manananggal? Mama talaga. Pinanliitan ko siya ng Mata.


“Ano ka ba naman kaseng bata ka! Nakakadiri yang itsura mo!" saad niya at bumaba ng hagdan Wow ah. Thanks sa compliment mom!


“Ano ba kase yun ha!?" Sinundan ko siya hanggang sala naupo ako sa sofa. Hay! Ano ba to si mama andami pang pasikot sikot eh!


“Ayyy eto na nga, Yung bahay natin sa kabila, Binenta ko na" Yun lang pala eh. Ano namang pakealam ko sa-- WHAT?


“Ano bang naisipan mo ma? At Ginawa mo yun!? Ayan na lang ang natitirang ala ala satin ni pudra!" Aish! Wala na si papa yung bahay na yun yung naipundar niya bago siya mawala tapos binenta ni mama! Etong bahay namin eto naman yung sa parents ni papa. Unfortunately wala na din sila kaya kami ang nagmamanage ng dalawang bahay.

“Ano ka ba naman anak? Bakit? Nagagamit pa ba natin ang bahay na iyon?" Ewan ko sayo ma.

“Hay nako! Ewan ko sainyo!" Irita kong sagot at tumayo na para umakyat.


“Bastos kang bata ka, Tinatalikuran mo ang maganda mong Nanay?" Tinignan ko si mama with “Anong drama mo ma?" look.


“Mamayang gabi pupunta dito yung bumili ng bahay para kunin yung susi since aalis kami ni Josh, Ikaw ang magbibigay" Ano ba yan! Hmp.

“Oo na oo na, Kung san ka masaya" sambit ko. At umakyat na ko ng hagdan.

Pagkapasok ko sa kwarto ko napagdesisyunan kong magbike sa labas, Since 7:00 pa lang naman. Huhubadin ko na sana yung damit ko ng..


“ATE WAG!!" Biglang may isang manyak na nilalang ang lumabas mula sa likod ng pinto. Ibinaba ko naman agad ang damit ko.

“LALABAS NA KO ATE" Saad niya habang nakatakip yung mata niya ng dalawa niyang kamay.

“MMMM! LUMAYAS KA NGA! BASTOS!" Binatukan ko siya ng napakalakas, Yung tipong tatalsik yung ulo niya.


“WAAAA! MAMA" Sigaw niya pagkalabas ng kwarto ko.

By the way, I'm Rojean Mikaell Santiago 16 Yrs old, 4th year high studying at Teetop University. I had one brother he's Joshua Corby Santiago He's 13 yrs old, First year high. And my mom is Cynthia Fate Villaruel Santiago.


Nagpalit na ko ng damit, Simpleng hoodies at leggings with ball cap and then rubbershoes. Hindi pa ko naligo, Malamig eh. Kaya lang sa kamalas malasan naman, Nagkaroon pa ako ng Periodical Red Jam ngayon. Hahaha bibili na lang ako sa labas ng village

Bago ako lumabas ng kwarto ko nagtungo muna ako sa balcony ng kwarto ko. Matignan nga ang weather.


Pagkalabas ko sa balcony nanigas ako sa lamig, Aish! Grabe. Kinuha ko yung phone ko. Hala! 16° lang? Malamig nga! Nilasap lasap ko pa yung view mula dito sa balcony ko.


Maraming puno, Magagandang bahay, Mga ibon na humuhuni, Magandang kalangitan, Malamig na simoy ng hangin, Maliwanag na sinag ng araw. Haaay! Ang ganda talaga.

Pumasok na ko sa kwarto ko and instead na ballcap, sinuot ko yung beanie kong black na may nakasulat na “Clashers" and then nag gloves akong black. Kung titignan mo ko ngayon aakalain mong may pupuntahan akong burol. Hahahaha.

Kinuha ko na yung bike kong pink at nagsimulang magbike habang nakasuksok yung headset ko sa tenga ko. Hay! ANG SARAP MABUHAY! Nagtungo na din ako sa convenience store at bumili ng pad, May periodical nga ko diva? Jusko! Kahiya hiya tong ginagawa ko. Nakangisi pa nga yung cashier boy. Saksakin ko to gamit yung baba niya eh!


Lumayas na ko doon, Nakapasok na din ako sa village. Hay sa wakas! Habang paliko na ako pabalik ng bahay may biglang sumulpot na van sa harap ko.

“AYYY! SHET!" Fully force kong niliko yung bike ko at dahil sa sobrang lakas ng impact nag planking ako sa side walk.

“Aishhh! Ano ba yan!" Bulong ko. Ang sakit ng pagkakabagsak ko ah.


“Miss! Miss! Okay ka lang!?" Biglang may isang lalaking lumapit sakin at tinulungan akong tumayo.


“Ikaw kaya magplanking dito, Tapos tatanungin ko kung okay ka lang, Anong isasagot mo!" Aba! Kala niya pag namatay ako siya gagastos ng pang libing ko!?


Pinagpag ko ang damit ko, Atsaka humarap sa lalaking tumulong sakin, Muntik Muntikan na kong masuka sa Umay! Hindi naman sa panglalait pero... AMPANGIT NETO! KADIRI!


“Wag mo na kong hawakan! Kaya ko na!" Kinuha ko na yung bike Kong kapwa ko din nag planking aalis na Sana ko ng bigla kong may narealize... TEKA? YUNG NAPKIN KO? ASAN? ASAN?

Nilibot libot ko ang tingin ko sa paligid, ASAN NA YON? HUHUHU. Kasalanan ng baboy na gangster na to kung bat nawala yung Napkin ko!!


“Miss anong hinahanap mo?" Said ni Baboy.

“Yung kagwapuhan mo" Sagot ko, Patuloy pa din ako sa paghahanap at GOTCHA! Nakita ko din! Andun lang pala sa gilid ng van.

Kukunin ko na sana ng may biglang bumaba mula sa van na isang matangkad na lalaki, Maputi, Nakaballcap, Nakashades, At may scarf na nakapalibot sa leeg niya hanggang sa matakpan ang bibig niya. Ano ba to terorista?


Teka anong gagawin niya? Dahan dahan siyang yumuko at AVSCHDBEBDJXIEH.. PINULOT NIYA YUNG NAPKIN KO! WAAAAH!

“Eto ba yung hinahanap mo miss?" Saad niya at itinaas gamit ito gamit ang kanyang kanang kamay habang ang isa ay nakasuksok sa kanyang bulsa.


“AKIN NA NGA YAN! B*LLSH*T KA" Sa sobrang hiya ko namura ko pa tuloy siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hinablot ko ito mula sa kamay niya and then sinakyan ko na ang bike ko at mabilis pa sa alas kwatrong pumadyak palayo. Gegewang gewang pa nga kong magbike nung una. Nanlambot ako sa kahihiyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Idol NextdoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon