CHAPTER 32
NAGMAMADALING INAYOS ni Sanie ang sarili sa harap ng salamin bago siya umalis ng condo niya. Patakbo niyang tinungo ang elevator at naghintay ng ilang segundo bago bumukas ang elevator.
Hindi na niya pinansin ang ilang mga taong kasabay niya at pumasok sa loob ng elevator. Hindi niya akalain na late na siyang magigising dahil sa kakaisip niya kagabi.
Halos buong gabi siyang gising kakaisip sa mga nalaman niya tungkol kay Lucas. Masyado iyong hindi kapani-paniwala para sa kanya.
Narinig bigla ang tunog ng cellphone niya. Pasimple siyang tumingin sa mga kasabay niya bago iyon kinuha sa shoulder bag na dala.
Bigla siyang nakaramdam ng kaba at takot nang makitang unknown number ang tumatawag. Hindi sya sigurado kung sino iyon pero may isang tao sa isip nya na iniisip na baka ito nga ang tumatawag. And that person is Lucas.
Pinatay niya na lang ang tawag at hinintay na bumukas ang elevator. Nang bumukas na iyon, agad siyang lumabas at patakbong tinungo ang labas ng building saka pumara ng taxi at nagpahatid patungo sa trabaho.
Habang nasa byahe siya ay panay ang tunog ng cellphone niya at lahat ng missed calls ay galing kay Lucas.
This is insane.
Ano ba ang kailangan sa kanya nito? Bakit ba ito tawag ng tawag.
Hanggang sa makarating siya sa destinasyon niya ay panay pa rin ang tawag sa kanya ng unknown number na iyon. Nauubusan na siya ng pasensya kaya naman nang tumunog muli ang cellphone niya, agad niya iyong sinagot.
"Who is this?" Tanong niya agad ng masagot niya ang tawag.
"Don't you miss me?" Tanong nito at agad nyang nakilala ang boses ng nasa kabilang linya. Bakas sa boses nito ang pagkalungkot. Imbes na maawa siya rito, lalo lang siyang nakaramdam ng inis dito. "Are you free today?"
"No. And please stop calling me." Aniya at balak na sana niyang patayin ang tawag pero may nais pa siyang sabihin dito. "Pwede mo na rin ipakita ang tunay mong kulay, Lucas. Kilala na kita. Alam ko na ang totoong pagkatao mo. You're a psycho killer. Ayokong ma-involve sa taong tulad mo."
"Paano mo nalaman?" Tanong nito. Wala ng buhay ang boses nito na agad namang ikinatayo ng balahibo niya.
"It doesn't concern you kung paano ko nalaman o kanina ko nalaman." Pilit niyang pinalakas ang loob at nagkunwaring hindi kinakabahan. "Kaya kung pwede lang, tigilan mo na ako. Kahit kailan, hindi na kita kayang kausapin at tignan tulad ng dati. Ibang Lucas na ang kausap ko ngayon. Or should I say, Tañiel."
After that, she ended the call. She sigh. Sana sapat na iyon para tigilan na siya nito. Totoo ang sinabi niya, she doesn't want to get involved to someone like him.
She sigh again before entering the Soreman Building.
Pinilit niyang inalis sa isip ang pinag-usapan nila. Simula ngayong araw, kakalimutan na niyang may nakilala siyang Lucas Perez.
Kahit papaano rin ay gumaan ang loob niya. Sana lang talaga hindi na siya nito guluhin pang muli dahil hindi na niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin.
Minutes later, nakarating na siya sa table niya sa taas kung nasaan ang opisina ni Xylyx. Napabuntong hininga siya nang makaupo siya sa swivel chair niya.
YOU ARE READING
Capturing Her Heart
RandomBOOK FOUR OF SWEET BACHELOR SERIES |RATED SPG Xylyx Soreman is a leading champion when it comes in gossip. A handsome CEO of Soreman Incorporated and one of the hottest bachelor living in asia. He's life was perfectly fine until he came across a wo...