14

6 1 0
                                    

It's my Birthday!

Pagpasok ko palang sa room marami na ang bumabati saakin, pero yong isa nalang yong inaantay ko bumati, hindi ba siya aware na Birthday ko?

Nagprepray kami ng may bumulong saakin  "Thea happy birthday" kahit nakapikit ako subra yong ngiti ko, lord I do na po.

"Thank you" sabi ko kay Adrian ng matapos na kaming magpray.

Kahit birthday ko hindi nila ako tinitigilan kulitin, kahit sana this day lang patahimikin nila buhay ko or kaya may umamin na sana diyan na isa oh and that's impossible.

"Ano ba Kenito hampas ka ng hampas diyan" inis na sabi ko kay Kenito.

Tiningnan ko naman si Adrian dahil ginaya niya na rin ang ginagawa saakin ni Kenito. Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil siya sa paghampas saakin pero tumibok ng mabilis ang puso ko ng kurotin niya ng mahinhin ang pisngi ko.

Kawawa naman pisngi ko palagi nalang kinukurot, kahit pulang pula at namamaga na di pa din tinitigilan.

Lumayo na ako sa kanila dahil baka kong ano nanaman ang gawin saakin, nag polbo nalang ulit ako kasi namumula nanaman ang mukha ko, pero lalong namula ito ng kumuha ng polbo si Adrian sa kamay ko at pinolbohan ako.

shit..

Bakit kasi hindi nalang maging tayo? bakit kasi hindi mo na ako tanungin diba?

******

Magkatabi kami ni Adrian tahimik lang, hindi siya naggugulo hindi siya umimik, wala lang basta gusto niya lang ako katabi. Inaantok na ako ng pitikin ni Adrian ang ilong ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kulit mo talaga" inaantok yong tao, hayaan niya nalang muna sana matulog.

Lumipat nalang ako sa tabi ni Sarsue kasi nanood sila ng Slit Mouthed Women.

"Ano na nangyari?" tanong ko kay Sarsue.

Nakatingin lang si Sarsue sa likod ko kaya naman tiningnan ko din yong likodan ko, uh si Adrian pala nasa likod ko na.

"Hindi ka pa akbayan e" pagpaparinig ni Sarsue kay Adrian.

Wala akong kibo, tsk wala tayong magagawa sa lalaking torpe.

"Ano ba Adrian!" sobrang kulit niya, inaantok ako ng sobra pero hindi niya ako tinitigilan ginugulo niya yong towel ko sa mukha kaya maya't maya ako nagigising. Nakakainis!

Hindi nalang nga ako tutulog, kahit nakapikit ako feeling ko stress na stress ako sa kakasaway sakanya. Nagpolbo ulit ako and as usual nilagyan niya ulit ako ng polbo sa mukha. How's  sweet wala namang label.

"Ano yan nasa labi mo Thea?" tanong ni Jah saakin. "Gatas ba yan?" tanong niya ulit.

Hinipo ko naman ang labi ko at iimik na sana ng unahan ako ni Adrian umimik "Polbo lang yan"

Nagsalamin naman ako upang tingnan pero polbo nga lang, binalikan ko yong dalawa pero nagtatalo parin sila sa kong ano yong nasa labi ko, ang ingay nila, hindi talaga nagpapatalo si Adrian.

"Oo na polbo na, pinagtatanggol pa eh"  natahimik lang silang dalawa ng umimik si Sarsue. Nagtama naman ang tingin namin ni Adrian at sinenyasan siyang okay na, tama na looked.

After few hours nasa labas kami dahil sa activity namin sa P.E at hanggang dito kasunod ko si Adrian. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at mabilis niyang ni-intertwined.

Nakatitig lang ako sakanya dahil sa ginawa niya.

"Akala'y hahawakan ang kamay niya"  tumingin ako sa kamay namin pero nakahiwalay na pala ulit.  Gago ba siya? hinawakan niya na kaya kamay ko, ano bang tawag don?

Oras ng pahinga namin, ito ako ngayon nakaupo tapos pinapalo ng suklay ni Adrian ang mukha ko, kinuha niya ang braso ko pero patuloy pa din siya sa pagpalo saakin, maya maya pinisil niya naman ang pisngi ko.

"Gigil na gigil ka sakin no?" oo chubby ako pero yong pisngi ko lang naman saka may bilbil ako pero bakit ganyan siya kong manggigil?

"Hindi ako papasok mamayang pm"

I want to ask him why? but I said "Okay" wala naman kasi akong karapatan para pagbawalan siya sa gusto niya.

Katabi ko sila Balmes dahil parehas kaming nagpapahangin sa may bintana, tinatalian ko din siya ng buhok dahil trip niya lang daw magpatirintas. Nanlaki ang mata ko ng pumasok sa pinto si Adrian at dumeritso sa tabi ko, ang saya ko bigla parang kanina lang subrang tamlay ko ah?

"Akala ko ba hindi ka papasok?" baka namiss agad ako? char. Hindi niya ako sinagot instead ginugulo niya ako sa pagtatali sa buhok ni Balmes kaya naman nahahawakan ko ang kamay niya "Hala ang bad, nagugulo!  matatapos na ako sa pagtali"  sabi ko sakanya.

Matapos kong talian ng hair si Balmes umupo na ako sa mismong upuan, yong bintana kasi namin parang may lamesa na pwedeng upuan or patungan ng kung ano, and doon naupo si Adrian sa itaas ko.

May sinasabi si Adrian sakin na hindi ko maintindihan kaya sa paglingon ko nagulat ako ng malapit na yong mukha namin sa isa't isa, shit kill me now!

"Palit tayo ng pwesto" request niya.

Ako naman ang umupo sa may lamesa tapat ng bintana namin at siya yong nasa ibaba ko, nilagay niya ang braso niya sa dalawang hita ko habang ang ulo niya naman ay nilalagay sa may tuhod ko. Ang sarap sa feeling na parang may relasyon kayo kahit wala naman talagang label.

Ang tagal ko ng nag aantay Adrian, ano na? kailan ka kikilos? hanggang ganito nalang ba tayo, landian asaran nalang ba lagi?

After few hours***

Tinapik ko si Adrian kasi kanina ko pa siya nakikitaan ng dumi sa buhok niya, lumingon naman siya saakin at doon ko na sinimulan tanggalin yong nasa buhok niya. Paglingon ko sakanya nakapikit siya, lah gusto ata kiss nito?

"May dumi lang"  sabi ko para iwas awkward.





Since 2015Where stories live. Discover now