________Year 2016, montegrande residence
Althea's PoV
"IHA, hindi ka ba mag-aalmusal man lang? Nakahanda na ang breakfast."
Nagmadali akong bumaba pagkatapos ko magbihis.
Gusto kong iwasan makita nang aking ina ang suot ko pero in the end pala e magkakasalubong kami sa baba.
"Hindi na po ma, sa school na po ako mag-breakfast."
"Wait iha," Pigil nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Papasok ka ba nang ganyan ang suot mo?" Pansin nito sa suot ko.
"Yes ma, okey naman po ang suot ko"
Pasimpleng ong inayos ang skirt ko. Alam kong hindi magugustuhan ni mama, ang suot ko. At expect ko na babalik ako sa kwarto at magpapalit.
"Masyadong maiksi ang suot mo hindi yan damit ng studyanteng papasok sa school. Balik sa kwarto at magpalit ka ng iba na desente tingnan."
I'm wearing my favorate skirt and off shoulder blouse.
Hindi naman ganon ka-revealing ang suot ko dahil walang naman cleavage na makikita. Si ma, talaga e!
Kaya minsan naiisip ko na sana may kapatid pa akong babae para naman hindi lahat nga atensyon nasa akin.
"Ma, late na ako para magpalit pa at ito ang uso ngayon."
Alam ko na kahit anong sabihin ko ay pababalikin pa rin niya ako sa kwarto ko at pagpapalitin ng damit.
"Just go back to your room althea, and change. Wag mo pinapainit ang ulo ko ngayon."
Napakamot ako sa batok at hinintay ang iba pang sasabihin nito. Parang nagre-replay na nga sa utak ko ang sa sasabihin nito.
"Tingnan mo nga sarili mo sa salamin makikita na ang panty mo. And your blouse sigurado kapag yuyuko ka din makikita ang cleavage mo."
"Ma, hindi naman ganon ka revealing ang sout ko."
Nagtaas ito ng kilay."Hindi revealing?"
Lumapit ito sa akin. "Ano ang tingin mo dito?" Anito at hinawakan pa ang skirt ko tinaas iyon."Ma, naman e! Kailangan talaga may ganyan." Reklamo ko at lumayo dito. "Yan po talaga ang style niyan e tsaka paborito ko to!"
Hinampas nito ang braso ko dahil sa sinabi ko.
"Ouch!"
"Sa tingin mo may pakialam ako kong paborito mo yan?"
"Pero ma, late na ako sa first subject ko." Nakangusong sabi ko.
"Just do what i say althea, or else your not going to school today. I don't want to tolerate that kind of dress you want to wear in your school."
Napabuga ako sa hangin. Sa sobrang makaluma ng aking ina.
"Okey ma, magpapalit na ako."
BINABASA MO ANG
THE BILLIONAIRE'S OFFER
RomanceMS-6 I marry her and own my body for three years but my heart, mind and soul is only for you, forever. -Anton montegrande Alvarez (husband) ____ Copyright@2016 CylineKim Cover by: CoveryMyst ALL RIGHT RESERVED. No part of this story may be reproduc...