Jealous

243 15 10
                                    

Stell's POV

Gusto ko na talagang umuwi parang di ko na kakayanin. Gustuhin ko mang di sila makita pero imposible. Mukhang totoo ang kutob kong nagkabalikan silang dalawa, si Pau at Mae.

Naging mas malapit sila pero may mga pagkakataong nakikita kong malalim ang iniisip ni Pablo. Siguro nag-iisip ng bagong kanta. Siguro nag-iisip ng mga ideas sa susunod nilang date ni Mae. Knowing him, he's thoughtful and maeffort. Kaya mas masakit. Mas umiiwas ako na makita sila palagi dahil natatakot akong mapansin nyang nasasaktan ako.

"Stell, anong problema?" narinig ko si Kuya Carl. Nasa may madilim akong parte ng beach. May nakatumbang puno ng niyog na pweding maupuan kaya tumambay ako saglit. Gusto ko lang mapag-isa.

"Kuya Carl." medyo nagulat ako na nasa likod ko na sya.

"Okay ka lang? Kung gusto mo ng kausap, pwedi ako." Sabi pa nito na tumabi ng upo.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang alam ko lang ang bigat-bigat ng nararamdaman ko at kailangan kong mailabas to.

"Kuya Carl.... ba't gano'n? Pinipilit ko namang pigilan eh." Hindi ko na napigil ang sarili ko. Kailangan ko lang mailabas to at okay na ako. Magmomove on na ako.

"Pinipilit kong ibalewala pero ba't gano'n ang sakit parin?" tumulo ang luha ko na pinahid ko agad ng likod ng palad ko.

"Gusto kong kalimutan yung nararamdaman ko sa kanya pero bakit di ko magawa? Mas lalo pang lumalaki kaya mas lalong masakit."

Narinig ko ang buntong hininga ni Kuya Carl. "Alam mo Stell, may mga bagay na hindi natin nakokontrol kahit gano pa natin gustong gawin. Hindi ko alam kung anong sakit o gano kasakit yung nararamdaman mo ngayon pero alam ko malalampasan mo yan. Lilipas din yan. Siguro kailangan mo lang harapin yung mga bagay na nagbibigay ng sakit sayo. Wag mong iwasan, harapin mo ng buo para buo mo ring matanggap."

"Hindi ko alam kong pano haharapin to, na alam kong ang daming maaapektuhan. Hindi lang ako, pati sya, mga kaibigan namin. At baka yung tanging meron kami, eh mawala rin."

"Your reasons and fears are valid, but pls don't also forget to take care of yourself. One way to take care of yourself is to free your mind and heart from those worries and pains. And for you to be free from those things is you need to confront them. Malay mo iba ang maging resulta sa inaakala mo. Sometimes kasi assuming things makes us misunderstand. If you love him, tell him, and accept whatever his answer. It may hurt but atleast you have your closure."

"But what if it will affect what we have today? Pano kung hindi na kami bumalik sa kung ano kami ngayon?"

"That is one of the risks but if you won't do it, sooner or later those feelings of pain and worries will eat you little by little. And it may lead to worse things like losing your friendship, or worst, losing your self."

"Natatakot ako Kuya Carl." naramdaman ko ang pag-akbay ni Kuya Carl sa balikat ko.

"Kaya mo yan bro. Nandito kami, your brothers, karamay mo kami always."

"Salamat." napangiti ako. Kahit papano gumaan ang dibdib ko.

"Isa ngang yakap dyan." Sabi ni kuya Carl sabay lahad ng dalawa nyang braso. Niyakap ko sya at mas gumaan nga ang pakiramdam ko.
___________________________

Pablo's POV

What the f...! Kakahanap ko kay Stell napadpad ako sa madilim na part ng beach and kitang-kita ko na magkayakap si Carl at Stell.

Nabigla is an understatement. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Parang gusto ko silang paghiwalayin at gusto kong hablutin si Stell palayo. Pero bakit? Hindi ko pa alam ang dahilan bakit sila magkayakap. Mahirap mag assume ng mga bagay bagay.

Di Masabing Gusto KitaWhere stories live. Discover now