Ang wakas

1 0 0
                                    

Simulan natin ang kwento na'to sa aming dulo kung saan ang dating akala namin ay wagas bigla na lang mag wawakas.

His POV

"Pagod na ako." walang humpay ang luha sa pagpatak sa kanyang mga mata. "Mahal kita. Mahal na mahal, kaso pagod na ako! Pagod na pagod na akong intindihin ka, pagod na ako sa sitwasyon natin, pagod na akong mahalin ka. Pagod na akong bigyan ng dahilan lahat ng mga maling ginagawa mo sakin maisalba lang tong relasyon natin. Pagod na akong hawakan ka, pero wala kang ibang ginawa kundi bitawan ako sa oras na may problema tayo. Pagod na pagod akong habulin ka sa tuwing tinatalikuran at iniiwan mo ko sa mga panahong kelangan kita. Pagod nako. Itigil na natin to." Malakas man ang ulan pero ang linaw sa paningin ko ng mga luhang walang humpay sa pag patak galing sa kanyang mga mata.

Sinubukan kong abutin ang kanyang mga kamay pero umiwas siya.

"Bub..." tawag ko sa kanya. Unti unti na din akong nilalamon ng takot na baka eto na nga ang dulo.

"Bub, akala ko ba hindi ka bibitaw? Akala ko ba hanggang dulo tayo?" naiiyak ko na din sabi sa kanya. Unti unti siyang tumingin ulit sakin.

"Akala ko din. Akala ko kaya ko hanggang dulo. Akala ko kaya kong isalba ng mag isa tong relasyon nating hanggang dulo, pero mali ako. Mali ako kasi nakakapagod pala. Nakakapagod pala kapag ako lang lahat." Napatigil siya sa pagsasalita na tila ba parang ang bigat bigat ng dinadala niya all this time.

"Sa tuwing sasabihin mo sakin ang mga katagang "mahal kita" nadudurog ako ng paunti unti. Kasi hindi ko na ramdam. Na sa halip kiligin ako kapag naririnig ko ang mga salitang yon mula sayo, naawa ako sa sarili ko. Kasi ramdam ko na hindi na, wala ng laman ang mga salitang yun sayo. Na sinasabi mo lang yun dahil responsabilidad mong sabihin sakin yun. Para lang may maisagot ka sakin."

"Pinipilit kong intindihin ang lahat... ang sitwasyon mo.. ang sitwasyon natin.... Kaso hindi ko na kaya Sev.. Ang hirap ng ipagpatuloy kung ako na lang yung humahakbang para sa ating dalawa." Pagpapatuloy niya na para bang pagod na pagod na siya.

"Sabi mo hanggang dulo diba?" mahinahon kong sabi sa kanya. "Sabi mo hanggang dulo tayong dalawa Neia, pero bakit ganito? Pwede pa naman akong bumawi sayo diba? Please..." sabi ko sa kanya habang pinipilit kong abutin ang mga kamay niya na pilit niya ding iniiwas sakin. Bigla niya akong tiningnan ng diretso sa aking mga mata.

"Mahal mo pa ba ako Sev?" tanong niya bigla sakin.

"Sobra." Bulong kong sagot sa kanya. Pagkasagot ko sa tanong niya bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Then let me go. Let me go kung mahal mo pa talaga ako. Iwasan na natin na magkasakitan pa tayo. I'm sorry kung hindi ko mapapanindigan ang mga pangako kong binitawan, na mamahalin kita hanggang dulo. Na hindi kita iiwan. Kasi, eto na yon Sev. Eto na ang dulo nating dalawa. I'm sorry." Sabay bitaw niya sakin at talikod para iwan ako. ni hindi ako naka galaw sa pwesto ko. Unti unti na ding tumulo ang luha ko habang pinapanuod kong humakbang palayo sakin ang taong minahal ako ng sobra pero hindi ko naalagaan ng tama.

*A few years ago*

Neia's POV

It was the usual "tahimik" morning sa office namin. Everyone is busy on what they are doing pero meron talagang isang empleyado sa office niyo na despite of being busy, halos lahat ata ng chismis alam.

"Psssttt.. Neia..." agad naman akong napatingin sa kaharap ng desk ko na si Hannah.

"Hmmm??" sagot ko lang sa kanya pagkatapos ay bumalik na ako sa ginagawa ko.

"Have you heard? Bata at gwapo pa daw yung client na dadating mamaya." Sabi niya.

"Good for him then." Walang interes na sagot ko sa kanya na ikina inis naman niya.

Ang WakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon